Chapter Four

60 29 584
                                    


Clara's Pov

Nakakainis naman tong si Sandra eh mukhang nagtampo pa sakin after niya ko takbuhan lumabas na agad ako ng room para hanapin siya

Hmm san ko kaya hanapin ang babaeng yun. Pumunta ako sa library pero wala naman siya dun sa garden sa likod ng school kung san ang tambayan namin at pati na rin sa hagdanan sa may college area wala siya

Sa hagdanan ng college area kami natambay kasi malapit dun ang library ilang lakad lang wag niyong isiping naghahanap kami ng lalaki ha hmp Zach Anton lang sapat na

Habang naglalakad ako naisipan kong tawagan siya ang shunga ko dapat kanina ko pa naisip toh napailing na lang ako sa kashungahan ko. Agad kong kinuha ang phone ko tatawagan ko na sana siya kaya lang may nakabunggo sakin kaya nahulog ang phone ko

At inapakan pa aa "Huy lalaki!!" Tawag ko sa kanya pero parang wala lang narinig dinampot ko ang phone at hinabol siya. Ng abutan ko siya ay iniharap ko siya sakin. Nagulat naman ako sa kagwapohan nito pero naalala ko agad ang phone ko at pinakita sa kanya ito

"Ikaw binangga mo na nga ako inapakan mo pa ang phone ko bulag ka ba" inis na sigaw ko sa kanya. Wala akong pake kung nakatingin ang mga estudyanteng nadaan sa hallway ngayon. Nagulat ako ng may tanggalin siya sa tenga niya

Uminit ang ulo ko kaya pala di ako napapansin nakaearpods iniinis mo kong lalaki ka "ano yun ms?" Tanong niya sabay smirk. Aba kahit gwapo ka di ako papatinag. "Alam mo ba kung ano toh" sabay pakita sa kanya ng phone ko

"Ahh well yes mukha ba kong pinanganak nung kastila para di malaman kung ano yan" pilosopo din toh ha narinig ko ang mga tawa ng estudyante kaya tinignan ko sila ng matalim "alam mo naman pala eh btw ikaw pala nakasira nito kaya ayusin mo!" Hinampas ko sa dibdib niya ang phone sabay talikod

"Ibigay mo yan sakin bukas, kung hindi" hindi ko na alam kong iblackmail ko pa ito kaya lumginon ako sa kanya sabay irap. Di ko alam kung anong gagawin ko nahiya naman ako bigla kainis sino ba kasi yung lalaking yun napaka walang modo nakakainis

Patuloy kong hinanap si Sandra "ano ba naman itong araw na ito sobrang nakakainis" nagulat naman ako ng may humawak sa balikat ko
"Huy sabi ng ate mo may la—" "ano ba problema mo ha" inis kong sabi kay Sandra

Pero naalala ko na nagalit pala siya sakin kaya naman di ko na tinuloy sasabihin ko at niyakap ko siya "sorry na bal ikaw naman eh sorry na wag na tampo" parang baby kong sabi

"Psh oo na, yung ate mo tumatawag sakin nasa labas siya ng school maaga ka daw uuwi kasi may puntahan kayo kaya sige na" bigla kong nakalimutan yun ah buti na lang nandito si Bal hihi

"Bat kasi di mo sinasagot tawag ko eh" saad niya napairap na lang ako ng maalala ko yung lalaking yun pag nakita ko ulit siya patay siya sakin talaga

Sandra's Pov

Tignan mo itong babaeng toh umirap pa naku mukhang may kaaway ha "Clara tigilan mo yang pakikipagaway mo ha naku warfreak" asar kong sabi
"Hay naku ikwento ko sayo bukas sige bal babye" pamamaalam niya sabay takbo hay naku itong babaeng ito talaga

Pumunta na ko sa classroom namin pero wala pa ring teacher ano ba yan mukhang wala na din naman class dito eh nakakatamad na. Maya maya pa may tatlong lalaki ang pumasok sa room. Yung isa mukhang foreigner yung isa mukhang playboy naman at yung isa siya yung nakabanggan ko kaninang umaga

So kaklase ko pala siya dito hindi ko alam kung bakit bigla na lamang tumibok ang puso ko ng sobrang bilis ano ba yan nahulog yung libro hindi ang puso ok KJ psh

Nagulat ako na tumabi siya sakin at ngumiti "hi my name is Axel Jeffrey Padua" teka nahulog nga ata yung puso ko erase erase. Iniabot niya sakin yung kamay niya kaya iniabot ko na din ang akin "I'm Ka—" "Kassandra Jackie Librada yes I know you" ngiti niya teka ha pano?

"Sinong hindi makakakilala sayo eh yung mukha mo nakalagay sa poster na nakasabit sa labas ng school sabay tawa niya teka grabe naman boses nito ang manly na may pagkasoft argh stop KJ

Well yes may poster ako sa labas kasi lumaban ako sa quiz bee last week and nanalo kaya pala hmm dumating na si ma'am and naglesson lang sa unahan but then yung isip ko nalipad ata sa katabi ko

Mr right ikaw na ba yan di ko napansin na nakatitig na ko sa kanya bigla siya lumingon sakin at nagsalita "may dumi ba sa mukha ko?" "Ah eh wala nakatingin lang ako dun kay Sharmaine tulog kasi baka mapagalitan hehe" wow bilis ng utak ko dun ah

"Bat ka nag HUMSS?" tanong niya "hmm gusto ko magabogado?" "Ha bat parang di ka sigurado?" Isa pang tanong niya ano ba yan puro tanong naman itong lalaking toh kung hindi ka lang gwapo eh

"Gusto ko mag Mass communication eh pero still undecided ako parehas naman silang pwedeng kunin by HUMSS kaya dito ako" saad ko napatango naman siya sabay hawak sa batok niya shucks alam niyo yung nasa magazines tas may tilamsik pa ng tubig ganung feels

Model ba ito ang hot eh ito lang sa taglamig kahit hug lang ayos na argh naong utak ba naman toh ayts. Napaayos na ko ng upo at nakinig pero kahit anong pilit ko na makinig walang napasok sa isip ko hanggang sa tawagin ako "Ms. Librada ikaw ang magiging representative natin para sa gaganaping Mr and Ms HUMSS kapartner mo si Mr. Padua" 

Napangiti naman ako na siya ang makapartner ko. Matalino naman siya at mukhang may ilalaban. Napangiti ako at di ko namalayan na nasabi ko na pala ang mga katagang iyon na nasa isip ko napatingin naman sakin si Axel "may sinabi ka ba binibini"

Nagulat ako sa pagtawag niya sakin ng ganun teka my heart naman oh "ah wala" sabi ko. Nagpaalam ni si ma'am at tumayos na ko para pumunta sa library ito na kasi ang last subject ko para sa araw na toh dahil half day lang naman ako

"Sandra saan ang library dito?" Tanong ni axel "Papunta na ko dun sumama ka na lang sakin" ngumiti naman siya. Puro ngiti itong lalaking toh eh pero kong ganyan naman makikita ko sa araw araw why not hihi

Lumabas na kami sa room nagpaalam muna siya dun s adalawang lalaki at umalis "san kayo galing na school" tanong ko sa kanya "galing kami ng states" ahh kaya pala ang gwapo ay chour

"KJ!!" Nagulat ako ng may tumawag sakin

**********
Sorry kung lame ang UD natin aliwans babawi ako s anext chapter muwaps!!

If Hearts Would FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon