Chapter Nine

22 8 3
                                    

Sandra's Pov

Papasok na ko sa school ng bigla akong may makabangga "Hey gir tumingin ka nga sa dinadaan daanan mo bulag ka ba" pagtataray nito pero parang wala lang sakin argh di mawala sa isipan ko yung napagusapan namin

**********
"You'll marry me"

Parang bombang sumabog sa pandinig ko ang mga huling sinabi niya. "What?! are you out of your mind sir" paangil na saad ko "Kapag hindi ka nakakita ng babaeng pakakasalan ko, ikaw ang magpapakasal sa akin" ulit nito

"Teka nga eh bakit magpapahanap ka pa sakin ng babae eh mabait ka naman pero may topak ayos na kaya ng intindihin siyaka gwa—" di ko na naitulog ang sasabihin ko dahil biglang sumilay yung mga ngiti niya

Napaayos ako ng upo at itinuloy ang aking mga sasabihin "Bakit kailangan mo pa ng tulong ko? You can just court anybody, marry her and presto!" saad ko in a sarcastic tone "Look KJ ng mamatay si Dad nagiwan siya ng kondisyon. God knows how much I love Villa Montelibano. Ayokong mapunta iyon sa iba"

Napatigil naman ako ang Villa Montelibano ay hacienda nila JK sa Mandaon na probinsya namin. "Why worry? Siguro naman—" di ko na naituloy ang sasabihin ko dahil nagsalita na siya "I need a wife from Mandaon". Napamaang naman ako "Ano bang pinagsasabi mo?!"

"Mahabang kwento" walang ganang sabi niya. "Siguro naman ay may katapusan yan" pangaasar ko. Tumingin siya sakin teka nahihigop ako ng mga tinging yan. "I cannot have Villa Montelibano unless makapag asawa ako ng isang taga Mandao na willing tumira sa Villa"

"Pero patay na ang papa mo. Ikaw na ang awtomatikong nagmamay-ari ng Villa" sabi ko. "Malinaw ang sinabi niya sa kasulatan. Kapag hindi ako nakapag asawa before I reach the age of 21, sa isang malayong kamaganak namin na ang apelyido ay Montelibano rin mauuwi ang Villa. I'll be 21 three months from now."

"Pero kung ganun naman pala edi sa Mandaon ka na maghanap ng babae di mo na kailangan ng tulong ko. Saka tiyak kong maraming babaeng nagkakandapara sayo" Ngumiti ito "You think so'"
Naginit naman ang pisngi ko

"I get you point" saan ni JK huminga ito ng malalim. "Ang mapapangasawa ko ay kailangang pumasa sa panlasa ng mga executors ni Dad. She must be trustworthy"

"Well, madali namang magkunwari na mapagkakatiwalaan ang mapapangasa mo—" at yes di na naman niya ko pinatapos ewan ko na ayoko na magapaliwanag

"Sa palagay mo ba, hindi ko naisip ang bagay na yan" Humugot ito ng malalim na hininga. "Nakasaad sa testamento ni Dad na kapag nakipaghiwalay ako sa magiging asawa ko ay malilipat ang Villa sa malayo naming kamag-anak"

"Ganoon kasigurista si Dad alam niyang hindi ko igigive up ng ganoon ang Villa. Mahal na mahal ko si Mama at iyon lang naiwan niyang ala-ala niya sa akin." nakikita ko naman sa kanyang mga mata ang lungkot

Ramdam niya ang bigat na dinadala nito sa dibdib. Alam ng buong taga Masbate na hindi tayo malapit sa isat isa itong JK at si Don Manolo. Nang mamatay ang nanay nito ay pumunta na sila ng kanyang ama sa Manila kitang kita ko pa ang pagpupumilit ni JK noon na wag umalis.

Nang makapunta kami ng mga magulang ko sa Manila nung 7 taong gulang pa lang ako ay nakita kong muli si JK noon at doon na sumiklab ang agawan namin ng pwesto sa klase. Nang mamatay ang ama nito ay pumunta na ito ng bansa na hindi man lang nagpapaalam. Isang bula kumbaga.

"Ikaw lang ang pagasa ko, KJ." nakita niya pa ang pagkislap ng mga mata nito. Win win din naman ako sa agreement na ito eh pag naihanap ko siya mapapagamot ko na agad si papa at maiaayos ko pa ang buhay namin

"Sige pumapayag na ako" may alinlangan man ay tatanggapin ko na ito

********
Nagpalinga linga ako sa classroom, wala nga pala si Clara dahil last practice na nila ngayon for Mr&Ms HUMSS kaya abala sila. Wala ding klase ngayon pero nakatambay ako dito sa classroom para tapusin yung mga nahuli kong seatworks dahil sa pagabsent ko last time.

Tumayo na ko, uuwi na lamang ako dahil wala na naman masyadong estudyante halos lahat sila ay naghahanda para sa event dahil hindi lamang Mr&Ms HUMSS ang inaabangan ngayon sa Intrams
Pati ang Sports Activity ng mga Athlete.

Ng makalabas ako ng classroom ay napatingin ako sa may picnic grounds di ko alam pero may nag udyok na pumunta ako dun. Dahil wala na din namang kailangan gawin ay pumunta ako dun. Sumilong ako sa may malaking puno at inilabas ang phone ko.

Nagulat ako ng may marinig akong tumili sa may gilid ko pagtingin ko may naghaharutan dun sa kubo bali maraming puno dito at iisa lamang ang kubo at malapit talaga ako dun sa kubo.

Di ko makita yung mukha nung lalaki kasi nakatalikod siya sakin pero nakita ko yung babae familiar siya sakin eh teka! siya yung nakabangga ko kanina. Ano ba yan ang landi naman, tumayo na ko para umalis baka may mas di ka-aya aya akong makita dito.

Omy my precious eyes and innocent mind. Pagtingin ko muli sa kubo ay siyang pagtingin din ng lalaki sa akin nagulat naman ako. Si JK yun!! Hindi ko alam pero nagmadali akong umalis dun bat ganun bat nainis ako aish parang kahapon lang kailangan niya ng tulong ko

Eh bat ngayon kung makipaglandian parang walang problema ay sige. Lakad takbo ang ginawa ko ng may biglang humablot sa kamay ko at kinaladkad ako "JK bitawan mo ko!" pero di pa rin siya natinag

Kaya naman kinagat ko yung braso niya ng unti lang hehe "Wtf?!? ano problema mo Kassandra?!?" Nabitawan niya naman yung kamay ko kaya tumakbo na ko paalis kaso argh mas mabilis pa siya kesa sakin kaya heto kaladkad ang peg.

"Wag mo na ulit uulitin yun oh mapipilitan akong buhatin ka" banta niya sakin kaya naman nagpahigit na lamang ako "Heyy Sandra!!" napatingin ako sa tumawag sakin si Axel!

Hala baka matulungan niya ko para makaalis sa kumag na ito "Uy pare" harang niya kay JK "Bakit man" paangas na sagot ni kumag

"Magkakilala kayo?" di ko alam kung kanino siya nagtatanong pero umiling ako at nakita ko naman na tumango si JK aishh. Naguguluhan siyang tumingin samin. "Jack let go of her" sabi ni Axel.

Woah woah nangangamoy away "Axel this is none of your business" aa akala ko ba magkaibigan sila bat ganto. "Hay naku JK" patawang sabi ni Axel woops bilis magbago ng mood teh babae ka?

"Don't call me JK" sabi niya sabay higit na sakin pinagbuksan niya ko ng pinto ng kotse kaya no choice na ko. Pagpasok niya ay pinaandar niya na agad ito kumaway naman si Axel kaya kumaway din ako

"Psh" rinig kong galing kay JK "Hey san tayo pupunta?" tanong ko sa kanya kalmado naman ako kasi mukha siyang badtrip. Bat siya mababadtrip eh kanina lang may kalandian siya ah

"Magsisign ka ng contract" sabi niya

"Wait for what?"

"Malamang sa napagusapan natin baka bigla mo na lanag ako takbuhan eh" wow ha ako pa ang tatakbo pero may sense naman siya "Ayoko lang—-" di niya na na itinuloy ang sinasabi niya

"Pakiulit?" tumingin siya sakin at ngumiti yung ngiti nakakanginig ng tuhod argh "Wala" sabay gulo niya saking buhok hays bat ganto nararamdaman ko sayo Jack Karl Montelibano

If Hearts Would FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon