Chapter Two

103 38 1.5K
                                    


Teka niyakap ako?! bigla akong napasigaw at tinakpan niya agad yung bunganga ko kinagat ko yung kamay niya tas sinuntok ko siya sa mukha niya

"Kj! aray naman!" napatigil ako teka kilala niya ko? "Kuya Zach!!" sigaw ni Clars teka kuyaa ko tohh omy di ko siya nakilala

"Kuyaaa zachh wahh namiss kita ng sobraa" niyakap ko siya kaso bigla kong naalala ginawa ko napatawa na lang ako kasama si Clars

"Jusq kang bata ka ano ka ba makakalimutin napaka mo ha" sabay tawa niya "sorry na kuya hehe"

"Sumabay na kayo sakin baka ano pa mangyare sa inyo sa daan pero ano nga ba mangyayare sa inyo eh ngayon pa lang halos mabugbog na ko" biro ni kuya

Si kuya Zachariah Anton Librada ang nagiisa kong kapatid. Umaapaw sa kagwapohan (di ko alam kong ampon ba ko oh ano eh) matangkad at mestizo siya. Di mo malalaman na pilipino siya at first kaya di sila naniniwala na mahirap lang kami

Gr 9 ako nung umalis siya sa bansa naalala ko pa nun yung matindi nilang away kasi pinipilit ni kuya magaral sa ibang bansa pero ayaw ni itay kasi gusto niya magtrabaho na agad si kuya

Kaya ang ginawa ni kuya tumakas siya at gumawa ng paraan para makapagaral sa ibang bansa. Yung dati niyang teacher ang tumulong sa kanya para makapagaral sa ibang bansa siya din ang nagbibigay ng mga pangangailangan ni kuya

Lagi niya kaming kinakamusta pero di siya sinasagot lagi ni itay

May sama pa rin ng loob si itay sa kanya dahil sa pagiwan niya samin ng walang pahintulot hindi naman sa ayaw ni itay na makapagtapos siya. Natatakot lang siya gawin siya alipin ng mga nakakasalamuhang tao niya sa paaralan

Mababaw na rason oo pero nung bata si kuya binubully siya ng mga kaklase niya kasi mahirap lang siya at wala siyang pambili ng mga gamit sa school

Laging umuuwi si kuya ng naiyak kay papa kaya din siguro naging ganun si itay nasaktan siya ng sobra para sa unico hijo niya. Wala ng nagawa si papa ng ipilit ko na ipagpatuloy ko ang pagaaral ko sa takot na lumayas ako katulad ni kuya.

"Kuya kailan ka pa nakauwi?" nakasakay na kami sa kotse niya "Kanina lang sinadya talaga kita dito para sorpresahin kaso ako ang nasorpresa sayo eh" pabiro niya

"Kuya zach musta states? Yaman ha may kotse ka agad dito sa pinas" sabi ni clars, kilala ni clars si kuya kasi lagi siyang nasa bahay noon

"Ayun ayos naman isang taon na lang makakapagtapos na ko. Umuwi lang ako sa pilipinas kasi summer break dun, 1 week lang itatagal ko dito tapos babalik na din ako at ikaw talaga Maria Clara pahiram lang sakin ito ng kaibigan ko" natatawang sabi niya

"Kayo musta ang pagaaral baka naman puro lang kayo bulakbol o pagboyfriend ang nasa isip ha" saad niya

"Kuya si Sandra magkajowa? nako impossible pa sa impossible lapitin siya ng lalaki pero ni isa wala siyang pinansin sa sobrang focus sa pag-aaral magmamadre na ata yan" sabay silang tumawa sa sinabi ni Clars

"Naku tigilan niyo ko ha" "Kuya sa bahay ka ba uuwi?" pagiiba ko ng usapan "Hindi na muna sa condo na muna ako" pilit na ngiti niya alam kong hanggang ngayon di pa rin sila ayos kasi nagtatampo pa rin si itay sa kanya

Nakatira kami sa apartment sa may pasay malapit lang yun sa subdivision kung san nakatira si Clars

Naglalabada ang nanay ko at ang tatay ko naman ay nagtricycle driver tama lang yung sweldo nila para sa isang buong araw na pagkain

"Kuya may balak ka pa bang bumalik samin?" tanong ko, tumingin siya saglit sakin tas binalik niya na yung tingin niya sa daan. "Oo naman kailangan ko munang makapagipon ng sapat na pera para may maipagmalaki naman ako kay papa, hindi niya na masasabi na walang kwenta ang pagaaral"

Alam kong mahalaga talaga kay kuya ang pagaaral kaya naman sinisikap ko ding magaral ng maayos at inaachieve ko na makapagtapos with flying colors

Consistent Dean's Lister ako kaya naman ehe proud Sandra here

"Salamat sa paghatid kuya Zach pakisundo na din sana kami bukass" birong sabi ni Clars lakas talaga ng tama ng bestfriend ko "ikaw talagang bata ka oh sige pasok na" napasimangot naman si Clars nung narinig yung word na bata

Shh lang kayo ha may crush kasi si Clars kay kuya Zach di man niya sabihin ramdam ko after makapasok ni Clars sa bahay nila pinaandar niya na ang sasakyan

"Kuya Zach" pagtawag ko sa kanya "Ano gusto mo KJ?" nakakainis na nickname yan para tuloy walang touch of humor ang pagkatao ko psh

"Gusto ko sana magaral sa ibang bansa" sabi ko habang nakayuko alam ko namang di siya papayag gawa ni papa peroo gusto ko talagang maranasan yun at feeling ko dun ko nakikita yung sarili ko

Biglang tumigil yung sasakyan nakita ko na lang na nasa may tapat na pala kami ng apartment namin "Sandra" panimula ni kuya "Alam mo namang magagalit si papa pag nalaman niya eh baka mapapunta na naman siya sa hospital pag sinumpong ng highblood niya, pangako ko sayo pag natapos ako sa pagaaral uuwi ako ditoo para pagaralin ka dun ha"

"Kuya promise yan ha" sabi ko na parang bata "Oo promise oh sige na bumaba ka na baka hinahanap ka na nila inay magalala pa yun" sabi niya pagkatapos ay inabot niya sakin ang isang malaking bag sabay yakap sakin

"Wag kang gagawa ng ikagagalit nila inay ha, magaral kang mabuti" nakaramdam ako bigla ng pagkalungkot sa sinabi niya "kuya mamatay ka na ba?" Biro ko sa kanya nakatanggap naman ako bigla ng batok

Gaganti pa sana ako kasoo bigla niyang tinuro ang apartment kaya bumaba na agad ako binaba niya naman ang carwindow para magpaalam sakin "bye kuya punta ka dito ha magmall tayoo bago ka umalis" nagbaby eyes pa ko para pumayag siya

"Oo naman sige na pumasok ka na goodnight babygirl KJ namin" mapangasar talaga eh hinintay muna ako ni kuya pumasok bago ko narinig yung pagalis ng kotse niya

Binuksan ko ng unti yung gate para tignan yung kotse niya nalulungkot ako miss na miss ko na kuya pero ewan ko ba para silang mga bata ni papa eh may patampo tampo pa hays

Ilolock ko na sana yung gate ng may makita akong anino sa likod nung poste agad ko yung tinignan pero wala namang tao kaya pumasok na ko


Kinaumagahan bumangon ako para tignan yung mga binigay sakin ni kuya di ko agad nabuksan yun sa sobrang antok eh

Nagulat ako ng makitang puro school supplies yun uwahhh lahat ng yun kailangan koo sa school sobrang love talaga ko ni kuyaa buti na lang wala siya jowa kaya sakin lahat ng pagmamahal niya bwahahaha

Bumaba na agad ako para makapagumagahan bago kasi pumasok sa room kailangan kong tignan yung library namin

"Magandang umaga inay itayy" bati ko sa kanila
Nagbabasa ng dyaryo si itay habang si inay nililinisan yung mga kubyertos "Kassandra kumain ka na mahuhuli ka na sa klass niyo" sabi ni itay habang nakatingin pa rin sa dyaryo

"Ahh hindi na po magdadala na lang ako ng tinapay kailangan ko pa po tignan yung library eh" bigla namang tumindig si itay sabay kumuha ng baunan at binigay sakin "oh sige na bilisan mo na diyan" napangiti naman ako kahit ganyan si itay alam kon go mahal niya ako at nagaalala pa rin siya sakin kahit hindi siya payag sa gusto ko

Tinignan ko yung orasan at nagulat ako na malapit ng mag 7 eh ang pasok ko 7:30 hala sige inayos ko na lahat at nagmano kay nila inay at itay bago lumabas ng apartment

Nilalakad ko lang papuntang school at inaabot ako ng 30 min hala eh pano yan sobrang late na ko nun kailangan ko pang ayusin library. Lakad takbo ang ginawa ko para lang makaabot ng biglang may tumigil na kotse sa harap ko na hindi pamilyar

If Hearts Would FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon