Chapter Ten

16 4 56
                                    

Jack's Pov

Tumingin ako sa kasama ko, sarap na sarap na siya sa tulog niya ngayon. Pupunta kami ngayong restaurant sa may bayside di ko din alam bakit bigla ko siyang hinila kanina pero ipapapirma ko lang naman yun go contract

Tumunog yung phone ko kaya pinindot ko yung answer button sa may radio "Hello" I answer immediately

"It's me baby bat mo naman ako iniwan agad" napatingin naman ako sa phone ko unregistered naman "Tf?! who are you"

I heard a small chuckle sa kabilang linya "Kaya gusto kita eh masyado kang badboy it's me Mariel yung kasama mo lang naman kanina" psh a pathetic girl. "So? what do you want" walang gana kong sagot

"Come back here na I miss you" paglalambing niya. Pinatay ko kaagad yung phone after that pshh. Nakarating na kami sa bayside and  KJ is still sleeping.

Niyugyog ko siya ng dahan dahan. Ayaw matibag aba. Lumapit ako sa kanya kitang kita ko ngayon ang mahahaba niyang pilikmata napatingin namna ako sa labi niya di ko alam parang may humihila sakin papunta dun

Palapit ako ng palapit ng bigla siyang nagmulat ng mata

Sandra's Pov

Naalimpungatan ako pagmulat ko ng mata nagulat ako sa mukha JK aaaaaa "pervert kaa!!" sigaw ko sa kanya

Bigla naman siyang napahawak sa mukha niya hehe nasampal ko kasi pero wala dapat lang sa kanya yung "Pervert pervert!!" tinakpan niya naman ang bunganga ko

"Ano ka ba ginigising lang kita kung ano ano agad naiisip mo" malamig na sabi niya at lumabas na aba bastos toh ah lumabas na lamang ako ng kotse at sinundan siya. Pumasok siya sa isang seafood restaurant.

Derederetso lamang siya kaya naman sinundan ko na lang hanggang sa mapunta kami sa parang VIP room and then umupo na siya so ginaya ko gaya gaya ako ahi.

And after a minute may dumating ng pagkain lagi siguro siya nandito mayaman talaga. "Akala ko ba magsign ako ng papers bat tayo kakain?" tanong ko sa kanya ng makita kong nag squeeze siya ng kalamansi sa kanyang kamay

At handa ng kumain "Later after this nagutom ako eh" tapos ay kumuha na siya ng shrimps. Tinitignan ko lang siya tas bigla siyang nag angat ng tingin.

"Anong tinitingin tingin mo dyan halika na kumain ka na" aya niya sakin sabay subo ng shrimp at dahil gutom na ko nag squeeze na ko ng kalamansi sa kamay ko at nagsimulang kumain.

Habang nakain di namin nagagalaw yung kanin puro lang ulam at naubos namin sabay yung lobster after that namahinga na ko echos nagpahinga lang kami tas lumabas na.

Paglabas namin ng VIP room ng restaurant ay may sumalubong na isang magandang babae samin. Walang sabi sabing yumakap ito kay JK at hinalikan siya sa mga labi

"Hi Jack! I'' so glad to see you here. You're looking great." sabi nung babae habang hinagod ng tingin si JK

"Hello Anne. I'm surprise to see you here"

"Hmm I've been waiting for your call pero hindi ka naman tumawag since the last time na magkita tayo" Napaisip naman ako iba ito sa babaeng nakita ko kanina sa school na kalandian ng kumag na toh

Wala man akong karapatan pero, gusto kong kalmutin ang babaeng hitad na ito. Gusto kong itago sa likuran ko si JK. "Naging busy kasi ako this past few weeks" wag mong sabihing lalandi ka din Jack Karl

"Siguro naman ngayon ay hindi na. Lagi kong naalala ang bakasyon natin sa Germay"

"I'll give you a call when I'm free okay?"

Lumipat ang tingin nung Anne sakin. nanunuri ang tingin na ibinigay nito sakin. Saka lamang ata naalala ni JK na may kasama siya "Oh I almost forgot. Anne, I'd like you to meet Kassandra Jackie Librado my schoolmate. KJ this is Anne Concepcion a special friend of mine"

"Hello Kassandra" halatang pilit ang ngiting bati ni Anne sakin.

"Hi" bati ko rin at binigyan siya ng piliy na ngiti. Yumuko ako para hindi masaksihan ang pagpapaalam nito at ni JK

Sumakay agad kami sa kotse ng makasakay na siya kinulbit ko siya "Uy di mo binayaran" maang kong tanong "Idiot, ofc I did" napairap naman ako nagtatanong lang eh sama ng unagali.

Tumitingin na lang ako sa labas para makita kong saan kami papunta pero sobrang layo ata sa kabihasnan nito pinabayaan ko na lang siya alam ko namang wala siyang gagawing masama sakin.

After ilang hours nakarating kami sa isang subdivision at malapit sa unang kalye ay tumigil kami. Malaki ang rest house bagaman may kalumaan. Pero palagay ko naman ay unting restore at babalik din ang dating ganda nito.

May dalang susi si JK. Nauna itong pumasok sa loob. At sumunod naman ako, ng umakyat ito sa hagdan para tingnan ang mga kuwarto sa itaas ay nagpaiwan ako sa sa sala

"What do you think about this rest house?" tanong niya sa akin pagkababa niya. Napaigtad naman ako. Hunarap ako dito. "I think it's okay. Kaunting renovation lang ang kailangan"

"I'm going to but it for 15 million" sabi niya "Wait, ganun kamahal?" nagtatapon yata talaga ng pers ang lalaking ito

"You think so?" tumango siya at nasilayan ko na naman ang kanyang ngiti. "You have a point there. Actually, medyo mahal talaga ito sa 15 million pero hindi na ako tumawad. Si Señor Peñio ang may ari nito. He has done me a lot of favores in the past kaya hindi ko siya pwedeng hindian.

"Well, if you say so, then pay for it. Sabi mo nga'y hindi mo mahihindian si Señor Peñio" Hiningi mo pa ang opinyo ko sabay talikod niya ewan ko sayo JK nagtitimpi lamang ako sa mga ngiti mong iyan

A/N: Sorry natagalan ang update pero bukas na agad ang chapter 11 dahil nakahanda na siya kasi magkakaroon na kami ng online class so yeah goodluck everyone sa online classes. Ily all

If Hearts Would FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon