Sandra's Pov
"Okay, wait for me here. I'll just get the agreement. Magpirmahan na tayo rito" sabi niya sabay lakad. Naupo ako sa sofa at hinintay ang pagbabalik niya. Wala na talagang urungan ito.
Ilang minutong nawala si JK. Pagbalik nito ay may dala na itong folder. Ipinatong nito iyon sa center table. Binasa ko ang laman ng kontrata. Eksakto iyon sa napagusapan namin nung nagdaang araw.
Maliwanag na nakatala doon na kapag hindi ako nakahanap ng mapapangasawa ni JK sa kulang kulang apat na buwan ay ako ang magpapakasal dito at mamumuhay silang parang magasawa sa mata ng lahat.
Pinirmahan ko na ang kontrata at saka ibinalik dito. "So it's done. I'll have it notarized tomorrow" nagsalubong naman aking kilay sa kanyang sinabi
"Kailangan pa ba yun" pagtataray kong saad
"Why not? It would make our agreement binding. Baka hindi ka magpakasal sa akin kapag hindi ka nakahanap ng babaeng papakasalan ko"
"I could it believe me" sabi ko ko. Tumingin naman siya sa akin ng mataman "Sana nga. Gusto ko nang mapakasamay ang villa. I have so many things in mind para mapaunlad iyon"
Nilabanan ko naman ang titig niya sa akin "Don't worry, you can have a wife at ang villa in time" I assured him
Mas lalo niya pang inilapit ang mukha niya sakin. Ilang hakbang lang ay magkakadikit na ang aming mga mukha. "How I wish ikaw na lang ang maging asawa ko" anito
Kinilabutan naman ako bigla. Nagulat naman ako ng lumapit ito at mabilis na hinuli ang aking mga labi. Awtomatiko namang pumulupot ang mga kamay ni JK sa aking baywang
Kapwa kami humihingal ng bitawan ako nito di ko alam ang sasabihin ko ngumisi naman ito at hinila ako papunta sa sasakyan.
Habang nabyahe kami di ako mapakali ng tignan ko siya ay nakangisi lamang ito ano ba JK anong gusto mo mangyare hays
Nasa kaligatnaan siya ng pagiisip ng bigla itong nagsalita "I'm going back to Mandaon next 2 weeks" imporma nito sa akin. "Mas maganda kung makakasama ka sa akin. Ihahatid ako sa chopper."
Napalunok naman ako bigla. Hindi pa alam nila kuya at inay ang tungkol sa pagpayag ko kay JK. Tiyak na hindi iyon magugustuhan ni Kuya Zach. Lalo na tiyak kapag nalaan nito ang mga kondisyon na kaabit niyon.
Malapit na kami sa bahay ng nakita kong lumabas si kuya Zach dun kinabahan naman ako bigla, magkakilala si JK at Kuya Zach pero baka madulas iyong si JK
"Hey Ja—" di ko na naituloy ang sasabihin ko kasi bigla siyang nag sign na tumahimik "Di pa nila alam noh? Okay I'll be quiet" sabay kindat niya sakin.
Tumigil na siya sa harap at nakita ko ang pagtaas ng kilay ni kuya kahit tinted ang glass ng kotse ni JK feeling ko kitang kita ako ni kuya "Thanks for the ride" baling ko sa kanya
Bumaba na ako "Hi kuya" bati ko sa kanya pero mukhang mas nagsalubong ang kilay niya. Bumaba naman ang bintana ng sasakyan ni JK.
"Hi kuya Zach" lumapit naman dito si kuya at lumikod na ko papasok na sana ako pero naisip ko na baka madulas si JK aish
"Uy Jack Karl Montelibaño long time no see kailan ka pa nakauwi ha" bati ni kuya nagchitchat pa sila ng matagal tagal. Magkalaro sila Kuya at JK noon kaya naman close sila.
Ng pumunta kaming manila di na nagkita sila kuya at JK dahil umalis na din si kuya nun. "Kuya Zach pwede ko bang isama si Sandra sa Mandao next next week?" nagulat naman ako sa sinabi ni JK.
Pero mas okay na siguro na siya ang magpaalam para di ko na kailangan magpaliwanag pa sa kanila. Tinignan naman ako ni kuya ng isang makahulugang tingin sabay ngiti ng nakakaloko
"Aba oo naman basta ibabalik mo ng buo samin tong kapatid ko" tas nakipag high five pa ang loko pumasok na naman ako ng bahay dahil pakiramdam ko namang hindi madudulas ang bunganga ni JK.
Nakita ko si inay na nagluluto ng pagkain hmmm pork steak yummers niyakap ko si inay patalikod "Oh anak andito ka na pala bat ang tagal mo pala nakauwi ngayon?" nginitian ko na lang si inay at tinulungan siyang magayos ng hapag kainan.
"Naku Kassandra alis na dyan magpalit ka muna sa taas baka madumihan pa ang uniporme mo" saway ni inay sa akin ngumiti na naman ako na parang isang bata.
"Anong gusto mo anak bat parang iba ang ngiti mo ngayon?"
"Inay pupunta ako Mandaon next next week okay lang po ba?" nagtatakang napatingin naman sakin si inay.
"Sa pagkakaalala ko ayaw mo sa Mandaon bakit naisipan mong umuwi sa ating probinsya? at sino namang ang kasama mo?" sunod sunod na tanong sa akin ni inay.
"Naku inay kasama niyan si JK yung kababata niya pupunta daw siyang Mandaon dahil bibisitahin ang Villa siguro ay aalalahanin nila ang pagiibigan nila doon" hahampasin ko na sana si kuya pero dali dali siyang tumakbo
Kainis yun "Si Jack ba kamo yung anak ni Don Manolo?" tanong ni inay kaya tumango naman ako bilang sagot "Ah ganun ba oh sige pwedeng pwede alam ko namang nasa mabubuti kang kamay kapag siya ang kasama mo" at ngiti niya ding makahulugan
Ako'y naloloka na sa aking pamilya " Eh inay si itay po ba maayos na ba ang kanyang pakiramdam" paggiiba ko ng topic bigla namang nagbago ang emosyon na nasa mata ni inay
"Maayos siya nak wag mo ng problemahin ang itay mo" kahit hindi nila sabihin alam ko na malubha na ang sakit niya dahil nung isang gabi lamang bigla siyang di makahinga.
Sa Isang linggo tatlong araw lamang ako nakakapag bantay kay itay dahil na rin sa mga paperworks and everything sa school. Basta tatapusin ko ng maaga ang pinagusapan namin ni JK para mapagamot ko na si itay kailangan kong maihanap agad siya ng mapapangasawa.
1st Rule: Don't fall inlove with. Jack Karl Montelibaño
A/N: ayan na nga magsisimula na ang kalbaryo cheret HAHAHAHHA next chapter ay dedicated kay Maria Clara rarampa na po siya dahil Mr and Ms HUMSS na
BINABASA MO ANG
If Hearts Would Fall
Fanfiction"Find me a wife" utos ni Karl Napatulala na lang si Sandra "Pero hindi ako agency ng finding girlfriends and mukha ba kong nagbebenta ng babae para lang ihiling mo yan" pagtataray ko sa kanya "Let's have a deal. Bibigyan kita ng limang milyong piso...