Chapter Five

52 17 732
                                    


Paglingon ko nakita ko si Clara na hapong hapo "Oh bakit anong meron" "Sumama ka sakin yung papa mo! Itinakbo sa hospital!" Di ko na alam ang mga sumunod pang pangyayare. Nagulat na lang ako ng nakasakay na kami sa kotse

Nararamdaman ko na masama talaga ang nangyare kay itay kaya bumuhos na ang aking mga luha ng tuluyan. Iyak lamanako ng iyak hanggang sa makarating kami sa hospital. Nakita ko sila mama sa labas ng isang room kasama niya sila kuya Zach at ate Cass.

Tumakbo ako papunta kay mama at niyakap nila agad ako. Nanghihina na ang aking mga tuhod patuloy pa rin ang pagbuhos ng aking mga luha. Lalong bumibigat ang pakiramdam ko bawat segundo. Biglang lumabas ang isang doctor at kinausap ito ni kuya Zach

Pinilit kong tumayo at pumunta sa kanila. "The patient is fine now pero meron siyang coronary artery disease it means he has plague(a contagious bacterial) in his arteries". "Doc magagamot pa po ba ang itay ko?" Tanong ko bigla napalingon naman siya sakin at bumuntong hina

"Yes magagamot siya by the Coronary Artery Bypass" sagot nito "In that surgery, the healthcare workers creates a bypass by grafting a piece of vein above and below the blocked area of the coronary artery" "but then humigit kumulang 3 million ang kailangan niyong bayaran sa surgery na ito" pagpapatuloy niya

Napaluhod na lang ako ng tuluyan sa aking narinig. 3 milyon san kami kukuha ng ganung kalaking halaga? Scholar lang ako si kuya pinagaaral lang ng kanyang teacher ang sweldo lang nila inay at itay ay sapat para sa isang araw.

Itinayo ako ni inay at pumasok kami sa loob ng room. Pumunta ako sa tabi ni itay at hinawakan ang kanyang mga kamay "anak wag ka ng magaalala matanda na ang ita—" "hindi tay gagawa ako ng paraan gagaling pa kayo wag kayo magsabi ng ganyan" sabi ko habang patuloy na umaagos ang aking mga luha

Niyakap na lamang ako ni itay na lalong nagpaluha sa akin. Totoong ang tatay ko ay nakapamainitin ng ulo at masungit siya yung tipo ng lalaki na walang inaatrasan. Ngayon ko lamang siya nakita na ganto ang kalagayan nahihirapan ako. Hindi ko makakaya na mawala ang aking itay gagawin ko ang lahat mapagaling lamang siya

Clara's Pov

Papasok na ko sa school ngayon puntahan ko pa sana si Sandra kaso sabi ni ate di daw siya papasok. First time ko nakitang ganun kalungkot si Sandra hays. May naiwan ata ako kinapa ko yung bulsa ko wala akong phone

Ay teka andun pala sa lalaking walang modo grr mamaya kukunin ko na sa kanya yun at sana naman napaayos niya na kainis. Naglalakad na ko sa hallway at hinahanap yung lalaki pero di ko siya makita eh

Kaya naman dumiretso na ko sa room. Maya maya pa nakita ko yung lalaki!! "Huy lalaki akin na phone ko" nagsmirk lang siya at tumabi sakin "huy t-teka bat dito ka umupo dun ka sa likod" bat ba ko nauutal sa harap ng lalaking ito kainis

Tumingin siya sa akin at ngumiti ng nakakaloko "Wala naman akong nakikitang pangalan dito so walang nagmamay ari sa seat na ito" sabi niya sabay smirk. Puro smirk nakakainis kala niya gwapo pero gwapo namna talaga siya pero argh erase!

"Mister" simula ko "yes misis" sabay kindat aa ano ba tong lalaking ito parang sanay na sanay na psh playboy ew. "Akin na yung phone ko." Nilabas niya ang phone ko sa bulsa niya kukunin ko na sana kaso tinaas niya

"Kiss muna" gross ew yuck kadiri. "FYI noh I don't kiss someone na jerk like you!" "Wow ako pa jerk ha sige bala ka dyan di ko na ibibigay ito" pilit ko pa ring inaabot ang phone ko ng bigla siya umayos ng upo kaya naman napasandal ako sa dibdib niya teka antigas beh

Napaayos tuloy ako ng upo at lumingon sa gilid inilahad ko yung kamay ko at tumingin sa kanya "akin na" binigay niya naman agad "oo na, maria clara" sabay lipat niya sa likod kasama nung mga lalaking di ko kilala

Hmm teka yung isa naalala ko siya. Siya yung kasama ni Sandra bago ko siya hinila. Dumating na si ma'am at sinabi niya ang mga gagawin namin sa Mr and Ms HUMSS at ngayon ko lang nalaman na si Sandra ang representative

Pero mukhang malabo na dahil sa pangyayareng ito sa kanya. Nakikinig lang ako s amga pinagsasabi ni ma'am ng bigla niya akong tawagin. "Ms. Hernandez ayos lang ba kung ikaw na ang bahala sa susuotin ni Ms. Librada" tumango na lamang ako kahit di ko talaga sigurado kung sasama pa ba iyon

Natapos na ang klase at nagaayos na ako ng aking mga gamit wala na din naman akong susunod na sched dahil sa nalalapit na preparation ng Intramurals. Pupunta na lamang ako sa hospital upang samahan si Sandra

"Hey diba kaibigan mo si Sandra" napatingala naman ako at nakita yun lalaki ganda din ng auro nito ah "yes, why?" "Can I know kung nasaan siya ngayon" hmm mukha naman siyang harmless eh

"Nasa hospital siya ngayon" sagot ko at tumayo na "Pupunta ako dun ngayon gusto mo bang sumama?" Tanong ko sa lalaki "pwede ba? Oh sige sasama ako" sabay ngiti niya

Aba bet ko ang ngiti nito makalaglag panga. "Axel where are you going?" Sulpot nung lalaki na mukhang foreigner "Punta muna ako hospital pare later na lang susunod naman ako sa dinner party eh" "Teka sasama ka sa babaeng ito" sulpot nung palaking walang modo psh

"Ito nga pala si—" nakalimutan niya ata tanungin pangalan ko kaya ako na nagsabi "I'm Maria Clara Hernandez nice to meet you" sabay ngiti "I'm Thomas Eddison Lawr" sabi nung foreigner at ngiti teka nag advertise ba sila ng colgate ganda ng ngiti ha puti pa

"At ako naman si Acky Guttierez, single and yes very ready to mingle" sabi naman nun lalaking walang modo ganda ng pangalan kaso pang fboi talaga tumango na lamang ako sa kanya at lumabas ng classroom "o sige mamaya na ha punta muna ako hospital maya ko na din sabihin bakit" paalam ni Axel sa kanila

KJ's Pov

Inaayos ko ang mga prutas ng biglang dumating si Clara nagulat naman ako na kasama niya ngayon si Axel. Di pa naman ako nakaayos at namumugto pa rin ang aking mga mata" Oh axel bat nandito ka" maang na tanong ko "Gusto ko lang malaman kung okay ka na" sagot niya sabay ngiti hays kung ito ba naman makikita ko araw araw bakit hindi pa magiging okay di chos lang

"Okay lang ako" at nginitian siya pinaupo ko na sila sopa  "Sandra yung Mr and Ms HUMSS daw sabi ni ma'am" sabay ni Clara hala nakalimutan ko na yun kinakailangan kong magback out dun wala akong sapat na pera at hindi ko pa kakayanin na sumagot sa Q and A "di na ako sasali pakisabi na lang" "hindi ka pa rin ba papasok" tanong ni Axel

"Hindi na muna walang magbabantay kay itay eh" tumango naman sila ng sabay "kung ganun sino na ang magiging representative natin" tanong ni Clara "sino pa ba edi ikaw kaya mo na yan" sabi ko "ha pero ayoko noh" akala niyo talaga makapal mukha ni MC nagkakamali kayo sakin lang kumakapal mukhaniyan hahaha

"Hindi na din ata ako makakasali eh" sabi ni Axel "ha eh sino na lalaban kung magbackout kayo" sagot ni Clara "pwede ko naman sabihin kay ma'am na si acky na lang" sagot ni Axel bigla namang umikot ang mata ni Clara

Hmm somethings fishy ha hindi na siya nagsalita pero alam kong may something naku pag alis ni Axel interview ko ito

If Hearts Would FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon