Chapter 20 :))
When it comes to you
Dumating na ang mga kasama ko, mga lampas 15 kami na nandito sa gitna ng open field.
Tumayo ako agad sa katabi ni Zach ng patakbo na pumunta si Eloisa kay Zach at kumandong ito sa kanyang hita, napasinghap ako ng makitang mabilis na hinalikan ni Eloisa si Zach. SHIT!
Sumunod na ako kina Jel, na ngayon ay nagsisimula na mag stretching. Habang ginagawa ko iyon ay hindi mawala ang tingin ko sa kanilang dalawa ngayon na sweet na sweet sa isa't isa. Shit! Focus Allysha! May mga time na napapatingin din saakin si Zach pero umiiwas ako sa dahil na baka mabasa niya ako.
Eloisa was pretty, kaya nga siya ang captain kasi siya ang may pinaka-magandang mukha saaming lahat. She's almost perfect, with her curly long hair, dolled eyes, Fair skin. She's too perfect for him.
Hindi ako makapag concentrate, Nanginginig ako sa bawat galaw na ni ginagawa ko knowing na nanunuod siya saamin, saakin. Yes! Kahit hindi ko tignan ay ramdam ko ang mga nanunusok niyang mga titig saakin, at yun ang dahilan kung bakit grabe ang kaba na nararamdaman ko.
Natapos ang warm up at we're doing some stunts, isa ako sa mga flyers at ang base na napunta saakin ay sina Kennet, Jiro, at Alex. Naitaas na nila ako para sa huling formation namin na pyramid. Eloisa is in the centre, ako sa kaliwa at si Jel naman ay sa kanan ang ibang babae na flyers ay nasa bawat gilid together with their base and spotter.
I smiled, a fake one. Shit!
"Sha? you're shaking. You okay?" Napatingin ako sa aking baba ng magsalita si Jiro.
Ugh! Bwesit! "Ye-yeah! nerbyos ng kunti." Utas ko at ngumiti sakaniya.
Ibinalik ko ang tingin ng deretso, napalunok ako ng sarili kong laway ng makita ang naka-simangot na noo ni Zach. Nakatingin siya kay Jiro na ngayon ay nakatingala parin pala na nakatingin saakin. Tinaasan ko lang ng kilay si Jiro at saka umiwas ng tingin saakin.
Pag-angat ko ng tingin ay sakto naman na tumayo si Zach sa kanyang pagkakaupo akmang aalis, whats with him?
"GO WILD FOX! GO!" sigaw naming lahat ng nasa ere na kami.
Nakababa na ang ilan at natira kaming tatlo sa taas nina Eloisa, Nag senyas na siya na were ready to land, tumango ako sakanya at nag crossed arms. When suddenly nag ekis ang mga paa ko dahil sa pangangatog.
Bumagsak ako at walang nakasalo saakin dahil siguro sa taranta din nila.Shit! "Ugh! A-aray!!" Utas ko ng tumama ang balakang ko at ang paa ko na parang na-liay yata. Ang lampa ko talaga shit!
"Shit! S-sorry Allysha!" Nag-aalala na untag ni Alex.
Agad ako umiling sakanila.
Nagkagulo sila dahil sa pagkakalaglag ko, agad na lumapit saakin si Jiro at si Eloisa."Gosh! are you okay Allysha? Boys! be careful!!" Galit na untag ni Eloisa sa mga base na napunta saakin.
YOU ARE READING
Half a Heart (COMPLETED)
RomanceAfter Allysha's first heartbreak on her first boyfriend she's starting to have trust issues about everything, she didn't believe into sweet words or even in love. Until Zach 'The Playboy' arrives, who find something magical to Allysha that he Called...