Chapter 29 :))
I don't knowNakakabinging tunog, nakakasilaw na mga neon lights, nakaka-asiwang amoy ng alak at sigarilyo. Ilan lang yan sa mga ayaw ko talaga eh, kaso itong mga kaibigan ko ay pinilit ako na sumama sa kanila. Last day of Foundation week, nasa isang club kami at grabe ang tao halos lahat yata ng estudyante ng Montegro University ay nandito. Umaalon ng mga tao ng magpatugtog ng rock ang DJ na nasa harap.
"Let's dance?" Alok saakin ni Cynthia, she looks tipsy already kahit nakaka 30 minutes pa lang kami.
Agad akong umiling sakanya, masyadong Maraming tao ayoko naman na makipagsiksikan sa kanila. Inismiran niya lang ako at umalis na sa pwesto namin. Naiwan ako na mag-isa dahil halos lahat ng kaibigan ko ay kasayaw ang mga jowa nila. Pwera lang kay Cynthia na nakikipag Fling lang lung kani-kanino.
Ang daming alak sa lamesa, Hindi naman ako umiinom masyado pag nasa mood lang ako. Tulad ngayon, Jusko. Wala ako sa mood uminom nangako din kasi ako kay mama na hindi ako magiinom. Mas pinapayagan kasi nila ako pag alam nila at pag nag promise ako na hindi ako Iinom. So I am being a good girl now.
Its already 8:45pm, at naboboring ako. Lahat sila nagkakasiyahan samantalang ako heto at sobrang OP na. Okay! ginusto ko din naman na sumama eh, kinuha ko na lang ang phone ko para gawing abala ang sarili ko. Nagbukas agad ako ng Instagram, kumuha ako ng litrato sa dancefloor at ini- IG story ko ito with a caption "I'm kinda Bored, San ka na?"
Hindi ko naman alam kung maseseen ito ni Zach, He's not here kasi pati ang mga kaibigan niya na sina Walter at si Dominic. Ang sabi niya sakin kanina ay hahabol na lang daw sila. May biglaang meeting daw kasi sila sa basketball, kaya mas lalo akong naboboring dahil walang nangungulit saakin. Hays! Na-mimiss ko din pala ang ulupong na yun, Kainis naman.
Pero nakakapagtaka din kasi it's almost 9 pero wala parin siya, chineck ko kung may naka seen na ba ng story ko at meron na agad. Si Dominic, Felicity and others walang Zach na nakalagay hays! . I click Dominic's IG, inistalk ko siya agad. 20,100 Followers and 99 following, famous talaga niya. Ang Ilang picture niya ay almost about nature. nag scroll pa ako pababa at duon ko lang nakita ang mga picture niya with Maggie, yung ex niya. Ang ganda naman pala talaga ni Maggie, grabe kung iflex siya ni Dominic sa IG parang ipinagsisigawan niya sa buong mundo na That's his Girl!
Wow! Model pala itong si Maggie, may picture kasi siya sa IG ni Dominic na nasa isang fashion show siya at sobrang ganda niya, With a caption : I love you Maggy, whatever it takes it's always you. A proud boyfriend here. Grabe kung ako si Maggie? Jusko! Mamahalin ko ng sobra si Dominic, Sobrang natural kasi miya eh. Yung sweet gentle person. Kaya naman sobra talaga akong nagtataka kung bakit niya iniwan si Dominic, hindi ko pa naman talaga alam ang buong storya pero gusto kong malaman. Chikahin ko nga itong si Dominic next time. Hi hi hi.
Papatayin ko na sana yung cellphone ko ng may mag DM saakin, agad ko itong binuksan. Picture ang pinadala niya sakin, Si Zach iyon na masayang naglalaro sa buhanginan he's half naked, at yung ngiti niya. . . Its different. Tinignan ko kung sino yung nag send saakin, hindi ko siya kilala. Jstm? yan kasi yung username, i just his/her profile. Walang kahit anong litrato ang nandun, huh? Sino naman kaya ito? at, at bakit nkya pinadala ang litrato ni Zach saakin? Nagtipa ako ng message sakanya.
Allyshahrt: Who's this? Whats with Zach?
Ilang segundo lang at nag seen na siya pero parang wala yatang balak na magreply dahil umabot na ang 10 minuets at nanatili itong nakaseen lang. Shiz! Baka naman one of his fans or girl? Hays. Pinatay ko na lang ang phone ko at tumayo para mag Cr. Inaantok na ako at kailangan kong maghilamos para magising ng kunti.
YOU ARE READING
Half a Heart (COMPLETED)
RomanceAfter Allysha's first heartbreak on her first boyfriend she's starting to have trust issues about everything, she didn't believe into sweet words or even in love. Until Zach 'The Playboy' arrives, who find something magical to Allysha that he Called...