Chapter 44 :))
Last"Iuuwi ka din namin ng maaga, Allysha."
Tumango ako sakanilang tatlo, kakalabas lang namin ng sasakyan ni Kelly. Bago Mapunta dito ay dumaan pa kami sa Mansion nila at nagpalit pa kami ng suot. Si Kelly ay naka'suot ng see-through top sa loob nun ay black brallete, leather skirt and pumps. Si Janica naman ay simpleng high waisted jeans at tube may nakapatong na jacket sa balikat niya. Si Cynthia she's wearing flowy dress, pumps and a hoop earring pare'parehas pa ang tatlo na mapupula ang labi na akala mo ay nasubsob o dikaya naman ay nasuntok ni superman.
Samantalang ako naman ang suot ko ay High waisted jeans, turtleneck sleeveless top and pumps. Simpleng ayos lang ang ginawa ko sa mukha dahil panigurado naman na maiiwan ako sa lamesa para magbantay sa mga iinumin nila. Wala kasi ako sa mood pero dahil pinilit na nila ako ay hindi na lang ako sasayaw mamaya.
Marami kaming mga nakasabay sa elevator na kilalang tao, nagulat pa nga ako ng makita kong papunta rin pala sila sa Rooftop kung saan ang venue ng party ni Lala. May iilang celebrities akong nakita hindi naman nakakapagtaka dahil itong si Lala ay isang sikat na modelo. Kaya siguro marami din siyang inimbitahan na mga kilalang tao.
Agad nakipag'beso si Kelly ng makakita ng kakilala niya doon sa isang sulok, grupo yun ng mga lalaki at babae. Lahat ay binati si Kelly. Sumulyap pa siya saamin tatlo nila Cynthia at sinabing lumapit kami, kaya ganun ang ginawa namin.
"So these are my bestfriend's. . . This is Allysha" Tinuro ako ni Kelly.
Tumango ako sakanila at nakipagbeso rin, "Si Janica at si Cynthia." Pagpapatuloy ni Kelly.
Ganun din ang ginawa nila Cynthia. Ngumingiti lang ako sa mga babae at lalaki na nakikipag beso na ngayon kina Janica. Mukhang kilalang Kilala ni Kelly ang mga ito dahil nakikipagtawanan na siya dito.
"Nice meeting y'all." Untag ni Cynthia.
Nang matapos sa mga kakilala ni Kelly ay nagtungo naman kami sa may unahan para hanapin si Lala na siyang may kaarawan, nahagip soya ng mata ko na nakikipag-usap sa iilan niyang mga kaibigan. Agad kong hinila ang braso nilang tatlo at nagtungo kay Lala. Napatingin naman agad siya saamin.
"OMG! I'm glad you're all here." Sabi niya at nakipag beso saamin tatlo.
"Happy Birthday Lala," Bati namin tatlo ni Kelly.
Lumapad ang ngiti niya ng iabot namin ang aming mga regalp sakanya "Nag-abala pa kayo, thanks for this. You can eat na. The catering is there oh" Inabot niya sa isang waitress ang regalo namin
"Thanks,." Utas ni Janica.
Tumango naman si Lala, "Enjoy the party girls." Sabi niya and she excuse herself.
Nagtungo siya sa iba pa niyang mga bisita, kinausap niya ito at nakipagtawanan. Lumakad na ai Kelly sa Food section, kumalam ang sikmura ko ng makita ang mga masasarap na pagkain na nakahilera doon. Kumuha na kami ng pagkain namin at naghanap ng pwesto. Nang makaupo ay nilibot ko ang mata ko ang daming tao, siguro ay lampas isang daan ang nandito at halos kaedaran lang namin.
YOU ARE READING
Half a Heart (COMPLETED)
RomanceAfter Allysha's first heartbreak on her first boyfriend she's starting to have trust issues about everything, she didn't believe into sweet words or even in love. Until Zach 'The Playboy' arrives, who find something magical to Allysha that he Called...