H.A.H 22 : Half a Heart

17 5 0
                                    

Chapter 22 :))
Half a Heart



Kinabukasan, naiinis talaga ako sa mga kaibigan ko dahil hindi man lang nila ako sinipot o kahit anino nila ay hindi man lang nagpakita saakin, pinabayaan nila akong maghapon na kasama si Zach. Tss, Pag nakita ko talaga ang tatlong yun ay baka makalbo ko talaga sila. Mga mambubugaw!

Naglalakad ako papuntang Law building para hanapin si Janica, isa isa ko silang pupuntahan at isa isa ko din silang pagbibigwasan, tss. Malayo pa lang ako ay nakita ko na siya sa labas ng kanyang room may katabi siyang matangkad morenong lalaki, hmm. Kumaway agad ako sakanya ng magtama ang mga mata namin, gumanti naman siya sa pagkawaya ko at muli siyang tumingin doon sa lalaking katabi niya. Maya maya pa ay nagulat na lang ako mg halikan siya nito sa Pisngi, Shit!

Ano yun? namula ang ate girl ninyo at halos mapatulala na siya, ako naman ay agad na tumakbo papunta sakanya. Tinignan ko siya ng mabuti at ang Loka Loka ay Parang hindi makapaniwala sa nangyari, nakatulala siya habang naka hawak sa pisngi niya na siyang hinalikan nuong morenong lalaki.

"D-did you just see that? OMG!!!"

Nagulat ako ng yugyugin niya ako at nagtatalon pa siya, sa tuwa. Shit! that guy just stolen a kiss from her at tuwang tuwa pa siya? Susme!!! "Oo nakita kong hinalikan ka niya. Jusko, Janica sino yun? bat nagpapahalik ka na lang bigla?" Taranta kong sinabi sakanya

Hindi niya ako pinansin at nagpipilipit pa, kinikilig siya. Napasapok na lang ako sa noo ko ng mapagtanto na wala akong makukuhang magandang sagot sakanya, masyado siyang lutang ngayon. I don't want to interrupt her moment kaya binatukan ko na lang ang Loka.

Napakamot soya sa batok niya at nakasimangot ako na hinarap. "Ang harot! Sino yun?" Tanong long muli sakanya.

Bumalik na naman ang pagkakangiti niya, "Ugh! Janicaaa!!" Mababaliw na ako sa babaeng ito. Para siyang nawala sa totoong mundo at napunta doon sa lalaking humalik sakanya.

Sumandal ako sa railings ng kanilang building at ako na ang nag adjust na hintayin na humupa ang kilig na nararamdaman niya. Natatakot ako dito sa babaeng ito Parang Inlove na naman siya, huling beses ko kasi siyang nakita na ganyan ay nung Last year, dun sa ex niyang hinuhuthutan lang siya.

Tss, Baka maluit lang sakanya ang nangyari sakanya noon. Tss, It takes almost 5 minutes para bumalik siya sa katinuan.


"You see that guy, he's my long time crush. Sa wakas ay napansin na niya akooo! OMG Allysha, feel ko na gusto na din niya ako." Nagtatalom soya habang sinasabi iyan.

Half a Heart (COMPLETED)Where stories live. Discover now