Chapter 60 :))
Revelations"Oh, bakit parang nakakita ka naman yata ng multo?"
Tumatakbong lumapit saakin ang mga kaibigan ko, hindi na kasi ako halos makagalaw ng iwan ako ni Zach dito pagkatapos niyang bitawan ang mga salitang iyon.
"Mga gaga kayo!!!" Hinampas ko ang mga braso ang mga kaibigan ko.
Agad na Kumunot ang noo nila, "Arayy! at para saan naman ang hampas na yun?" Singhal saakin ni Kelly.
"Bakit ninyo ako pinahatid kay Javaid?" seryoso ko na tanong.
Nagtinginan silang tatlo at impit na napatawa, "Just because of that? Napaka babaw mo!" Ani Cynthia.
Pinanliitan ko sila ng mata at "He kissed me!!! And Zach saw that. Ugh!!!" Iritado ko na sambit.
Nanlaki ang mga mata nila, "Javaid kissed you?" sabay sabay nilang tanong.
Umirap ako sakanilang tatlo, "Oo. Buset, paano naman ako didistansya sakanya kung inilalapit niyo siya saakin?" Untag ko.
"Aba, hindi naman namin alam na magnanakaw siya. Magnanakaw ng halik, saka ano naman kung makita iyon ni Zach?" Ani Janica.
Tss, Oo nga naman. Ano nga naman yun kay Zach? "Nevermind!!" Usal ko at lumakad na.
Pumila muna kami para kumuha ng food stab, mahaba ang pila pero dahil may mga connections sila ay agad kaming nakakuha. Inililibot ko ang mata ko sa paligid, hinahanap ko si Zach. Nasan na kaya yun? Nandito rin kaya sina Dominic? ang Tagal ko na silang di nakikita.
Hanggang sa napunta kami sa Multimedia Center, lahat ng estudyante ay nandito para sa opening ng Event. Nakaupo kami sa second row sa unahan. Dumadami na ang tao sa loob, napansin ko naman ang dean namin at ang iilan namin na mga teacher na umupo na doon sa stage.
May malaking signage sa unahan, Welcome Batch 2012 Iyan ang nakalagay at maraming mga balloons sa lapag at fairy lights.
Abala sa pag seselfie ang mga kaibigan ko, wala akong gana kaya madalas ay inililibot ko na lang ang paningin ko. Hanggang sa bumagsak ang mata ko doon sa First row, para akong Magsisi sa nakikita ko. It was Zach, katabi si Dominic at Walter.
Agad akong napaiwas ng tingin ng lumingon si Dominic sa gawi ko, gusto ko pa sana'ng bawiin ang mata ko doon pero nahuli na niya akong nakatitig sakanila.
Unti unti kong ikinurba ang labi ko sakanya, nakita ko ang pag-angat ng tingin ni Zach at sinundan ang tinitignan ni Dominic. Gayung din si Walter na agad Lumapad ang ngisi.
"Allysha!!" Ako ang nahiya sa ginawang pag sigaw ni Walter sa pangalan ko.
Naiilang kong iwinagayway ang kamay ko sakanya. "H-hi!" nauutal ko na bati.
YOU ARE READING
Half a Heart (COMPLETED)
RomanceAfter Allysha's first heartbreak on her first boyfriend she's starting to have trust issues about everything, she didn't believe into sweet words or even in love. Until Zach 'The Playboy' arrives, who find something magical to Allysha that he Called...