#Prologue
Confused......Confused.......Confused......
What makes you confused?
Nakakita na ba kayo ng kambal na magkamukhang magkamukha? Nalito ba kayo kung sino ang mas kilala nyo sa kanila?
May kilala ba kayong, akala nyo ay sya talaga pero may lihim pa lang tinatago tungkol sa katauhan nya?
Nakakilala na ba kayo ng isang taong ampon lamang?
Twins...
Pinaghiwalay simula pa lang ng sila ay ipanganak..
Ang isa ay nabuhay sa karangyaan. Lahat ng gusto nya ay nasa kanya na ngunit ang kailangan nya ang hindi maibigay.
Sinusunod nya palagi ang mga magulang nya, lahat ng gusto ng mga nito. Dahil sa kanya, naramdaman nya ang freedom na matagal nya ng gustong makamit ngunit dahil din sa kanya natuto syang magrebelyon sa mga magulang nya.
Ang isa naman ay nabuhay sa kahirapan. Lahat ng kailangan nya ay nasa kanya nya pero yung mga gusto nya ay hindi nya mabili o mabigay manlang sa kanya.
Sinusunod nya palagi ang mga magulang nya, kasi alam nyang makakabuti naman sa kanya yon. Madami syang pangarap na gusto nyang makamtan.
Best friend...
Nabubuhay gamit ang pangalan ng iba, para sa sarili nyang kaligtasan.
Galit sya sa magulang nya na walang ginawa kundi itago sya sa hindi nya naman alam kung sinong mga tao ang dapat pagtaguan.
Fiance...
Hindi seryoso sa buhay at panay kasiyahan lang ang alam gawin.
Mahilig makipaglaro sa mga puso ng mga babae.
Gusto nya palaging nasusunod ang mga hiling nya.
Lahat ng buhay nila ay puro kasinungalingan, hindi nila alam kung kanino ba dapat sila maniniwala.
Paano kung ang twins, best friend at fiance ay nagkatagpo-tagpo?
----------
Notes ko ::
Pa-plug muna. Hahaha!
Pabasa naman po ng mga to :
* I Fell In Love With Yellow
* Shattered
~ Salamat. :)
Konting kaalaman po. Hindi naman sa binago ko ang plot ng una nyong nabasa. Mas inayos ko lamang po pero ito pa rin ang CONFUSED na alam nyo. Medyo may binago lang ako. Sana ay tangkilikin nyo pa din. Salamat ng madami.
BINABASA MO ANG
Confused ! (Completed)
Teen FictionNalilito tayong lahat. Sino at Ano ang dapat paniwalaan. Paano kung kaharap mo ang isang tao na kamukha mo? At isang tao na pinapangarap mong maging ikaw? Ano ang magiging reaksyon mo at mararamdaman mo?