Tap. 7

53 2 6
                                    

Tap 7.

Eto talaga ang sobra sobra ang pagkafast forward. Hahaha! Boring na nga kasi talaga eh. Tatapusin ko na to kaagad. xD

----------

Marlon's POV

~2 years had passed.

Ano nga bang nangyare sa dalwang taong yun?

Nung nawala ang mga babies namen. Hindi talaga sila mahanap at walang lead kung sino ang pwedeng kumuha sa kanila.

Sabay ng pagkawala nila ay ang pagkawala ni Nancy sa katinuan nya. Mas lalong lumala ang tumor sa ulo nya kaya naman pinasama ko sya sa mga magulang nya sa New York para magamot na sya.

Hindi ko pa rin tinigil ang pag-aartista ko. Nagrenew pa din ako ng kontrata. Wala na naman kasi akong babantayang mga bata sa bahay at asawang uuwian. (_ _)

"Marlon, are you okay?" Si Larish yan. Kasama ko sya ngayon. Kasi bumenta yung last movie ko na dapat. Kaya ang daming mga palabas na inoffer samen. At ang saklap pa, may eksandalong lumabas tungkol samen.

Yun yung araw na bumisita sya kay Nancy. May reporter sigurong nakapasok, kahit naman fans eh vivideohan talaga kame. Pero cleared na yon.

"Okay lang ako, tara na?" Sabi ko at nagsimulang maglakad. May conference kasi kami ngayon para dun sa movie eh.

Pero pansin kong hindi sya nasunod.

"Hey, are you coming or what?" Tanong ko sa kanya.

"You forgot something."

"What?"

"You forgot to hold my hand. Hindi ba sabe ko naman sayo we just have to pretend. Sumunod ka na lang."

"Okay." Matipid kong sagot at hinawakan ang kamay nya. Sabay kaming naglakad papunta dun sa conference.

##########

~Nangyayare kay Nancy.

"Anak, kain ka na?" Sabi ng mommy ni Nancy sa kanya at pinipilit itong pinapakain.

"Ayoko! Busy pa ako sa pag-aalaga ng mga babies ko eh." Sabi ni Nancy at may kalong kalong syang dalawang baby na laruan.

Napatakbo ang mommy nya sa labas ng kwarto at umiyak. Masakit para sa kanyang makita ang anak nyang nagkaganyan.

At sumasailalim pa sa surgery. Mas lalo silang nahihirapan sa nakikita nila..

"Tumawag ba si Marlon?" Tanong nya sa asawa nya.

"Hindi. Bilib din ako sa taong yun. Hindi manlang magawang bisitahin sarili nyang asawa eh." Galit na sabi ng daddy ni Nancy.

##########

~5 years had passed...

7 years na ang nagdaan, busy pa din ako..

Iba na ang kalagayan namin ngayon. May hindi ako inaasahang mga nangyare sa buhay ko.

Ngayon, yung pekeng couple na Marlon at Larish ay naging totoo na. Hindi ko alam kung paano nangyari yun. Sobrang bilis ng panahon at ngayon, engaged na kame sa isa't isa. At next year na ang kasal namen, agad nalimutan ng media ang tungkol kina Nancy at sa mga anak namen.

Hindi ko ginusto ang lahat ng ito pero sa tingin ko oras na para magmove on at ituloy ang buhay.

"Marlon, sigurado ka bang papakasalan mo si Larish?" Tanong saken ni Mama.

"Ano bang klaseng tanong yan Mama, syempre papakasalan ni Kuya yun." Epal naman nitong kapatid kong si Marian.

"Hindi ko alam, wag nyo muna akong kulitin tungkol dyan." Sagot ko. Sigurado akong galit na galit si Mommy at Daddy nyan. =_____=

Hindi totoong hindi ako bumibisita o tumatawag sa kanila.

Ang katunayan nga nyan eh, sa doctora nya ako tumatawag at humihingi ng updates. Gusto kong palabasin na wala na akong pakialam kay Nancy para mabilis kaming makapagmove on na dalawa.

Mahal na mahal ko pa rin sya.

Bumisita ako nun sa New York pero hindi ako nagpapakita kina Mommy at Daddy. Ayokong may makaalam na pinupuntahan ko ang asawa ko kaya ko sinabwat ang mga tao sa ospital.

##########

~Nangyayare sa New York...

"Sinabi ko naman sayo Mommy eh. Walang isang salita yang si Marlon eh." Sabi ng Daddy ni Nancy sa Mommy nito.

"Hayaan mo sya. Ipaannul natin ang kasal ng dalawa. May sapat na reason naman tayo kung bakit kailangan nilang maghiwalay." Sabi ng Mommy.

"Hindi manlang sya naawa sa kalagayan ng asawa nya. Basta pinasama lang nya saten ang sarili nating anak, tas wala na. Tarantadong gago talaga yun. Putulin mo na lahat ng ugnayan natin sa pamilya nung gagong yun." Galit na galit na sabi ng Daddy.

"Osige." Sagot ng mommy ni Nancy...

##########

Amanda's POV

"Lia, I told you not to go outside of the house without my permission."

"Sorry, Mommy. It won't happen again."

"You're making Mommy worry. Come on! Let's go inside."

Haaaay, akala ko nawala na tong si Lia eh.

Sorry kung masyado akong protective na mother. Well, gift sya samen ni God kaya hind ko sya pwedeng hayaang mawala.

I named her Thalia Cheon. We adopted her. Make some papers and documents para legal syang adopted child.

I am barren kaya kahit anong gawin namin, hinding hindi kami magkakaanak.

Kaya inaalagaan ko syang maige kasi sya lang ang meron ako ngayon at si Ronerick.

Jeremy's POV

"Louise, wag kang pupunta sa malalim ah? Baka malunod ka." Bilin ko sa anak ko.

"Opo tatay." Sagot nya...

Haaay, ang hilig magswimming ng batang yan. Laking-dagat eh.

Buti na lang, kahit papano may kaibigan sya.

"Baste, wag mong dadalhin sa malalim yang anak ko." Sigaw ko. Piling ko kasi eh gustong magpalayuan ng langoy yung dalawa.

Sana wala ng problemang dumating samen.,,

----------

Notes ko ::

Anong sabe ng pagfafast forward ko? Hahaha! xD

Ansabe ng nabaliw si Nancy!

Ansabe din ng magpapakasal si Marlon kay Larish?

Omigosh! Hahaha!

Nababaliw na ang mga characters ko. XD

Pinakilala ko lang ang bagong identity ng mga kambal. :DD

Confused ! (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon