Tap 2.
----------
Nancy's POV
Eto pauwi na kame ng mga anak ko sa bahay namen. Wala si Marlon ngayon, may shooting pa sya eh. Tsaka next week pa uwi nun. May tinatapos lang sila na last part ng movie nila.
Pinilit ko nga syang wag na mag-artista eh. Mahihirapan sya na makasama ang mga anak nya at madadamay pa sila. Alam naman nating lahat kung gaano kakulit ang mga reporters kaya gusto ko lang iiwas ang mga anak namen.
Paniguradong lahat ng kilos nila ay papansinin at hindi safe na maglaro sila sa labas.
Tama ba ako?
O kaya naman, magstart na lang sya ng business. Matalino naman sya eh.
Andito na kame sa bahay at nakita ko sina Mama at Papa na nag-aabang. Parents ni Marlon yan, wala ang mga parents ko eh nasa New York sila. Uuwi sila next month kasi balak kong pabinyagan ang mga bata habang andito pa kaming lahat.
"Andito na ang mga magaganda kong apo." Sabi ni Mama.
Naman. Maganda talaga yan, nagmana saken eh. :P
"Tara ng pumasok sa loob." Pag-aakit ni Papa.
"Manang, padala naman po ng mga gamit ng mga bata sa kwarto nila." Sabi ko kay Manang at pumasok na ko sa loob.
Haaaaaaaay!
"Anak. okay ka lang ba?"
"Medyo masakit po kasi ulo ko mama eh."
"Magpahinga ka na muna. Kami na muna bahala sa anak mo."
"Sige po Ma. Salamat po!" Sabi ko at hinalikan si mama sa pisngi.
Umakyat ako sa kwarto ko.
Biglang sumakit ang ulo ko eh.
Uminom ako ng gamot at natulog.
Mama's POV
(Mama yan ni Marlon. Wala pa akong name na naiisip eh! XD)
"Anak, pagkatapos nyan umuwi ka na ah? Wag ka ng magrerenew ng contract, okay?" Kausap ko kasi sa cell phone ang anak kong si Marlon.
("Opo, Ma. Napag-usapan na naman po namin ito ni Nancy. Hindi na po magbabago ang isip ko.") Sagot nya.
"Buti naman."
("Ma, wala na po ba kayong sasabihin? Magsisimula na po kami eh.")
"Wala na. Sige. Bye!"
("Bye na po Ma. I love you!") Naks! Ang sweet pa din ng anak ko saken. Hehe!
Inend ko na yung call.
Oo, tama yan anak. Wag ka ng magrenew ng contract. Mas mahalaga ang dahilan kung bakit kailangan mong mas makasama ang pamilya mo, hindi lang dahil sa anak nyo pati na din kay Nancy.
:Flashback:
Nangyare to nung nagpageneral check-up si Nancy nung nabuntis sya.
"Doctora, ano pong ibig nyong sabihin?" Tanong ko kay Doctora. Sya ang doctor na tumitingin kay Nancy.
"May nakita po kaming tumor sa utak ni Mrs. Nancy."
"Paano mangyayare yun? Ang sigla sigla nga nya eh."
"May background po ba ang pamilya nila ng ganto?"
"Sa pagkakaalam ko ay wala. Ang bata pa ni Nancy para magkaganyan."
"Ayon po sa napag-alaman ko, matagal na pong nagpapagamot si Mrs. Nancy ng tumor nya sa utak. Nagpa-opera na din po sya States ngunit parang hindi naman po natanggal lahat."
Kaya pala sya nagpunta ng New York nun.
"Ahhh, Doctora wag nyo pong sasabihin na alam ko ito. Wag nyong ipapaalam sa iba ito lalo na kay Marlon. Kami na bahala magsabi sa kanya. At kapag may update kayo tungkol sa kanya, pasabi nyo lang saken."
"Sige po. Maiwan ko na kayo." Sabi ni Doctora at umalis na.
:EndOfFlashback:
Kaya pala madalas ang pagsakit ng ulo nya noon pa.
Bakit hindi mo samin to sinabi Nancy?
----------
Notes ko ::
Hahaha! Wala lang. Trip ko lang yun. XD
Ansabe ng may brain tumor si Nancy?
Natatawa talaga ako sa mga pinagtatatype ko eh.
Ano?
Okay lang ba sa inyo itong tap 2? ^_^
I know it's boring. Sorry po. :>
BINABASA MO ANG
Confused ! (Completed)
Fiksi RemajaNalilito tayong lahat. Sino at Ano ang dapat paniwalaan. Paano kung kaharap mo ang isang tao na kamukha mo? At isang tao na pinapangarap mong maging ikaw? Ano ang magiging reaksyon mo at mararamdaman mo?