Tap. 1
----------
"Sino dyan ang anak ni Mrs. Nancy Shin?" Tanong ng isang babae sa kasama nyang nurse. Kasalukuyang nasa tapat sila ng nursery room.
"Ayun po. Yung kambal sa may kanan." Sagot nung nurse sabay turo dun sa may glass window.
Nakatingin lamang ang babae doon.
"Kung wala na po kayong kailangan, mauna na po ako sa inyo." Sabi nung nurse.
"Ah, sige. Salamat." Sagot nung babae sa kanya.
*Kambal pala, huh?* Sabi ng babae sa isip nya.
An evil smile formed on her face.
*Masaya to.* Dagdag pa nya.
Kinuha nya ang cell phone nya mula sa kanyang bag at may tinawagan.
"May papagawa ako sa iyo." Agad na bungad nung babae.
("Ano?")
"Gusto kong makipaglaro sa mga batang to at sa mga magulang nila. Matutulungan mo naman ako, hindi ba? I know how you hated their parents, kaya walang dahilan na tatanggihan mo to."
("Sila? Tss! Sige ba. Magkita tayo!")
"Okay. Sa dating lugar. Bye." Sabi nung babae at inend na yung tawag.
*Haaay, sayang mga bata. Hindi nyo makikilala ang mga magulang nyo. Dapat maranasan nyo din kung ano ang naranasan ko.* Sabi ng babae sa isip nya at umalis na sa Ospital na yun.
Marlon's POV
"Anak, kamusta ang shooting mo ngayon?" Tanong saken ni Papa.
"Okay lang naman po. May bago na naman po kaming lugar na pagshooshootingan, sana hindi po gaanong malayo. Hindi pa nanganganak ang asawa ko eh." Sagot ko.
Kelan kaya manganganak ang asawa ko? Gusto ko ng makita ang first baby namen eh. ToT
"Anong hindi pa? Nanganak na sya ah. Hindi mo ba alam?"
"Ano po Papa? Bakit hindi ko alam yun? =_____=a"
"Naka-ilang text kami at tawag sayo pero hindi ka namen makontak eh."
Ay shit! Nalimutan ko palang i-charge yung cellphone ko. Naman eh, daming pwedeng araw na malobat yun, Ngayon pa kung kelan nanganak na ang asawa ko.
"Lobat po kasi yung cell phone ko eh. Pa, sang ospital po ba andoon si Nancy?"
"Sa *toot* Ospital."
"Ah, sige po Papa. Pupuntahan ko lang po sya dun. Excited na ako makita baby namen eh. He-he! Sige po, alis na ako."
Pagkasabi ko nun ay umalis na ako kaagad at dumaretso ng ground floor para kunin ang sasakyan ko.
Medyo inaantok pa naman ako. Anong oras kasi ako natulog kagabe eh.
Pagkadating ko dun sa Ospital, ang daming mga reporters na naandon. Grabeh! Naunahan pa nila akong makaalam na nanganak na ang asawa ko.
Nagpark ako sa may likod ng Ospital at doon na din ako sa back door dumaan. May ilan ilang reporters ang nandon pero wala kong time para dun. Mas mahalaga ang asawa ko.
Hindi halatang excited ako eh. Medyo exhausted kasi eh. >.<
Hindi ko nga pala alam room number ng asawa ko. Kailangan ko pa palang pumunta ng information area.
"Hi, pwedeng malaman kung saan ang kwarto ni Mrs. Nancy Shin?" Tanong ko dun sa nurse na nakaduty dun pero natulala saken imbis na sagutin ako.
"Room number ni Mrs. Nancy Shin?"Ulit ko sa kanya.

BINABASA MO ANG
Confused ! (Completed)
Genç KurguNalilito tayong lahat. Sino at Ano ang dapat paniwalaan. Paano kung kaharap mo ang isang tao na kamukha mo? At isang tao na pinapangarap mong maging ikaw? Ano ang magiging reaksyon mo at mararamdaman mo?