Tap 11.
Oh? Isang linggo na kaagad ang nakalipas? Hahaha!
Hindi muna ah? xD
Lalagay ko muna yung scene nina Baste at Louise dito nung pauwi na sila,, >:D
------------
Baste's POV
Anong scene pauwi?
Natutulog lang na naman tong si Louise eh. Mahalaga ba yung pagtulog nya para sa inyo? =______=
Yeah, nasa bus kame ngayon, pauwi na samen. Pagod na pagod sigurado tong si Louise. Sinulit kasi talaga kanina ang pagswimming dun sa resort na yun eh. Kaya ayan tulog na tulog.
Pagabe na ng nakarating kame sa bus stop namen...
Ginising ko sya, pero halatang antok na antok pa din. Naupo sa may pavement eh at natulog na naman.
Tumawag ako ng tricycle at sinakay ko muna yung mga gamit bago si Louise..
Nang makarating kami ng bahay nila Louise, ibababa ko na sana sya ng nagtaka ako kung bakit patay yung mga ilaw. Wala atang tao sa loob.
Kakatok sana ako ng may nakita akong papel dun sa may pintuan..
Baste,
Sa inyo muna si Louise. Sa makalawa pa ang balik ko.
-Tito Jeremy.
Hindi na lang tinext ni tito eh...
"Manong, sa dulo pa nga po." Sabi ko at sumakay na ulit ng tricycle.
Tinulungan ako ni Manong na ibaba yung mga gamit namen sa sasakyan, habang ako binubuksan ko yung pinto at ilaw. Sabay pasok na din ng mga gamit sa loob. Samantalang si Louise tulog na tulog dun sa may tricycle..
Binayaran ko na si Manong at binuhat si Louise. Hindi gigising yan, tulog mantika yan eh. Tsaka pagod yan.
Pagkapasok ko sa kanya sa bahay, sinarado ko na ang pinto.
Iniakyat ko muna sya sa kwarto ko.. At dun sya hiniga.
Grabeh, ang bigat nitong babaeng to.
Hinubad ko yung suot nyang sandalyas at kinumutan sya. Inayos ko din ang unan sa may ulo nya.
Binuksan ko yung aircon at lumabas na ako ng kwarto.
Naaah, may ineexpect kayong mangyare no?
Pasensya, wala sa utak ni author ngayon yan eh. xD
Mukhang sa sofa na naman ako matutulog ah. Nga pala, wala akong kasama sa bahay. Pinatapon lang kasi ako dito ng magulang ko, namatay na din kasi yung yaya kong nag-aalaga saken.
Nung papadalhan nila ulit ako ng yaya, hindi ko na tinanggap. Binata na ako eh. Kaya ko na naman sarili ko.
Thalia's POV
"Mommmmmmmyyyy! Mommmmmmmmy! Daddddddddy! Dadddddddy!" Ako yang tumatawag sa kanila.
Naririnig kong tumatakbo sina mommy at daddy papa-akyat sa kwarto ko..
"Oh? Anong nangyare? Bakit ka sumisigaw?" Tanong saken ni Mommy.
"Mommy, may kumain ng marsh mallows ko? ToT Nawawala sila sa drawer ko eh."
"Akala naman namin kung ano yun."
"Ehhh.. Mommy nasan yung mga marsh mallows ko? ToT"
"Ewan ko..Baka naman naubos mo na?"
"Hindi mangyayare yun Mommy. I know, madami pa akong mallows dyan eh."
"Haaay, Lia. Dalaga ka na, kung makaasta ka para ka paring bata. Psh! Sige, punta muna akong supermarket. Ibibili kita. *wink*" Hahaha! Alam ko na kung ano ang bibilhin saken ni Daddy. :P
"Yehey! Thank You, Daddy. I love you po.!" Pagkasabi ko nun umalis na si Daddy. Hehehe!
Pero si mommy, masama ang tingin saken.
Alam ko na sasabihin nito.
"Lia, nasan talaga ang mga marsh mallows mo?"
"Shindi ksho posh shalam." Pagmama-ang maangan ko kay Mommy.
"Lia, alam kong nagsisinungaling ka. Nasan?"
"Sorry po mommy. Naubos ko na po kasi eh. Kasi naman po, hindi nyo naman ako papayagang bumili ngayon kapag sinabi kong naubos ko na."
"Ikaw talaga! Haaay, daddy mo naman bumibili nga."
"Syempre mommy, alam ko namang mahal na mahal ako ni Daddy eh."
"Okay, bukas start packing your things, huh? Uuwi na tayo ng Pinas."
"Po? Why so sudden?"
"May reunion kasi kameng pupuntahan ng daddy mo dun. Kasama ka na din."
"Okay po, Mommy!^_^"
"Don't eat too much ah? Mamaya nan tumaba ka eh."
"Opo mommy. Good night po." Tumayo ako sa kama at hinalikan si mama sa pisngi.
"Good night baby." Yeah. She's calling me baby. ToT Hindi na ako baby eh. Kaya ayan, masyadong naspoiled. :P
Kevin's POV
("Kevin, umuwi ka na.")
"Opo, mama! Uuwi na ako." Haaaay! Wala na naman din akong gagawin dito eh. Makauwi na nga lang..
("Siguraduhin mo lang ah? Gusto ko kasama ka sa reunion naming magkakaklase.")
"Another party for old to attend."
("Kevin!!")
"Okay. Sorry. Kung wala na kayong sasabihin, ieend ko na to."
("Papasundo ka ba pag-uwi mo?")
"Hindi na. Kaya ko na sarili ko. Ipapaalam ko kung kelan ako uuwi. Sige na po. Bye."
Ang hirap ng may ganitong Mama eh. Napakamaaalahanin. Wala talagang tiwala saken si Mama eh. =________=
Kelan ko kaya ulit makikita si Lia?
Malapit na akong umuwi eh.
Tinamaan ata ako sa kanya. >XD
Sa lahat naman tinatamaan ako eh. :P
----------
Notes ko ::
Yeah, i am excited kaya sa Reunion na kaagad. xD
Si Baste oh, may lihim na pagnanasa kay Louise. Chos! xD
Hahaha!
Tangena oh! Boring talaga ng mga ginagawa kong stories. xD

BINABASA MO ANG
Confused ! (Completed)
Novela JuvenilNalilito tayong lahat. Sino at Ano ang dapat paniwalaan. Paano kung kaharap mo ang isang tao na kamukha mo? At isang tao na pinapangarap mong maging ikaw? Ano ang magiging reaksyon mo at mararamdaman mo?