Tap 6
Fast-forward na po naten. Nagiging boring na boring na talaga eh. Hahaha! xD
Sa araw ng binyagan ng kambal.
----------
Nancy's POV
~Dalawang araw bago ang binyagan.....
Nakalabas na ako syempre ng ospital... Andito kame ngayon sa salas at pinag-uusapan ang binyagan ng kambal.
"Mommy, napaaga po ata ang uwi nyo ni Daddy." Tanong ko sa kanya. Hindi ko ineexpect na dadating na sila.
Baka naman pinapa-aga nila ang lahat?
"Nacancel kasi yung mga business meetings namen at nagdecide kami ng daddy mo na magleave muna. Magbabakasyon muna kame dito sa Pilipinas. Ang tagal din naming nawala dito eh."
"So anong balak nyo sa binyag ng mga bata?" Biglang singit ni Daddy sa usapan.
"Ahm, simple lang naman po Daddy. Basta kumpleto po tayong lahat."
"Sige, iimbitahan ko ang mga ibang kamag-anak naten na pumunta."
"Sige po. Catering na lang po ang pagkain para hindi po hassle."
"Kame ng bahala dun ng Papa mo. Magpahinga na kayong mag-asawa."
"Ah, sige mama. Iaakyat ko na po si Nancy." Sabat ni Marlon at umakyat na kame.
Kita nyo? Parang ang hina-hina ko. Pinamumukha nilang may sakit ako. Lalo tuloy akong naguiguilty kasi hindi ko masabi to kay Marlon, sa sarili kong asawa.
Humiga kaagad si Marlon sa kama.
Pagod siguro sya. Kasi ba naman, dumaretso sya kaagad sa ospital para icheck ako. Ang sweet eh. Kaya pagod na pagod sya siguro.
"Hon, gusto mo imassage kita?" Tanong ko sa kanya. At least alam nya na nag-aalala din ako para sa kanya.
"Sige hon, ang sakit sakit nga ng katawan ko eh." Sagot nya at naupo.
Dahan-dahan naman nyang hinuhubad yung damit nya.
*Q*
Ang macho talaga ng asawa ko. O u O
*tumutulo laway mentally*
"Hon? Okay ka lang ba? Kanina pa tumutulo yung laway mo eh."
"Huh? Huh?" Sabi ko at pinunasan ang baba ko."Wala naman eh. = 3="
"Hahaha! Joke lang. Imassage mo na ko hon. ^_^"
Habang minamasahe ko sya. Nag-iisip ako kung paano ko sasabihin yung tungkol sa brain tumor ko. Hindi naman kasi habang-buhay ko tong pwede itago at mas magagalit sya kung sasabihin ko kung kelan huli na.
"Hmm, hon? Si Larish ba yung leading lady mo dun sa last movie na gagawin mo?" Tanong ko, para mabring up ko yung tungkol sakin.
"Ahh, oo. Bakit mo natanong?"
"Wala lang. Hehehe! Close ba kayo?"
"Hindi. At hinding hindi mangyayare yon."
"Bakit naman? Mukha naman syang mabait eh."
"Wag na nating pag-usapan yung babaeng yon."
"A-ah, sige. Hon, may sasabihin ako sayo......" Whew! Sana masabi ko to.
"Ano yun?" Humarap sya saken at pinigil ang mga kamay kong pinangmamasahe sa kanya.
"Promise mo saken! Hinding hindi ka magagalit at hinding hindi mo ako iiwan?" Kaya ko to. Eto na, moment of truth!

BINABASA MO ANG
Confused ! (Completed)
أدب المراهقينNalilito tayong lahat. Sino at Ano ang dapat paniwalaan. Paano kung kaharap mo ang isang tao na kamukha mo? At isang tao na pinapangarap mong maging ikaw? Ano ang magiging reaksyon mo at mararamdaman mo?