Tap 4.
----------
Nancy's POV
Dalawang araw na ang nakalipas ng dinala nila ako sa Hospital. Sigurado akong alam na ito nina Mama at Papa na may brain tumor ako. Ilang araw nila akong hindi iniimikan kapag nagtatanong ako kung alam na nila ang tungkol dun.
I know masakit yun para sa kanila kasi hindi ko kaagad yun sinabi. Pero ayoko kasing alagaan nila ako na parang ang hina-hina ko. Pero maling mali talaga ang paglihim ko ng kalagayan ko.
Kung sinabi ko kaya yun sa kanila, papayag pa din ba silang ipakasal ako sa anak nila?
Malamang hindi. (__ __")
"Good morning hija. Kanina ka pa ba gising?"
"Good morning din po Ma at Pa. Hmm, kanina-nina lang po. Kamusta na po ang kambal ko?"
"Okay lang naman sila, inaalagaan sila ng mga nurse nila. Bukas dadalhin ko sila dito, para naman hindi ka na nag-iisip masyado tungkol sa kanila."
"Salamat po."
"Eto, anak. May dala kaming pang-almusal mo. Kumain ka na muna."
Eto na nga ang sinasabi ko eh. Eto na, nagsisimula na silang mag-alala para saken at sa pamilya ko. Malamang mahihirapan si Marlon pati na ang kambal ko, ayoko pa naman silang lumaki ng walang ina. :'(
Kumain ako, pero ni hindi ako magawang tignan nina Mama at Papa.
"S-sorry po. *sniff*" Sabi ko.
"Hija, okay lang. Naiintindihan namin." Sabi ni Mama at sabay lapit sakin at hinahagod ang likod ko.
"P-paano ko po sasabihin to kay Marlon?"
"Pagkatapos ng binyag ng mga bata tsaka natin sabihin yung tungkol dyan." Sagot ni Papa.
"Ang mahalaga ay makapagpahinga ka na muna." Sabi pa ni Mama.
"Salamat po." Yun lang ang nasabi ko.
Siguro nanghihinayang sila na ako pa ang naging manugang nila.
Hindi nila alam kung kelan ako mawawala.
Hindi nila alam kung kelan ko sila iiwan.
Bakit kasi nagkaroon pa ako ng ganito?
*Sobbing*
"Hija, wag ka ng umiyak. Mas nasasaktan kami sa pinapakita mo."
"Sorry po talaga mama." Sabi ko sa pag-itan ng pag-iyak ko.
"Shhhh! Shhhh! Tahan na."
*ring riiiiing ring*
"M-ma, excuse me." Bigla kasing tumunog yung phone ko.
Baka si Marlon na yung natawag eh.
Pinunasan ko muna ang mukha ko at kinuha ang cellphone ko.
Lumabas naman sina Mama at Papa.
"H-hello."
("Baby, okay ka lang ba? Sinabi sakin ng Mama ni Marlon yung nangyare sayo.")
"Mommy!!"
("Shhh, wag kang mag-alala baby ko. Uuwi na kami ng daddy mo sa makalawa para mabantayan ka.")
BINABASA MO ANG
Confused ! (Completed)
Teen FictionNalilito tayong lahat. Sino at Ano ang dapat paniwalaan. Paano kung kaharap mo ang isang tao na kamukha mo? At isang tao na pinapangarap mong maging ikaw? Ano ang magiging reaksyon mo at mararamdaman mo?