Chapter 8: Lightning into ashes

9 2 0
                                    

Last Year of Junior High
[Lightning into ashes]

"HAPPY BIRTHDAY ASH."

Love,

Leighton

I heaved a deep sigh after wiping my tears.

"So ganun lang? White roses and greet and done?" i said monodramatically.

Some people who see might tell that I've already lost my mind. Pero totoo naman eh. Roses tapos greeting card tapos.. tapos yun na yon? As in, is that all?!

Kaya ba siya nawala kanina ay para lang magawa 'to? Kainis.

Padabog kong kinuha ang bouquet nang tila may isang sobre na nahulog mula doon. Dinampot ko ang sobre at hindi na nag-aksayang buksan pa iyon. Ni-lock ko ng maayos si Thor at inilagay ang helmet sa loob ng box at dumiretso paakyat sa unit namin.

Pagkadating ko ay nanonood pa'rin sina Sofia at Kaye.

"Kamusta Ash? Buhay pa naman siguro si Thor nuh?" Tanong ni Kaye na hindi man lang ako nilingon. "Baka kase mamaya nag-test drive ka na sa buong basement." i just rolled my eyes with the thought.

"What took you so long?" Tumayo si Sofia papuntang kusina nang mahagip niya ang dala ko. "Aaash!!" sigaw niya.

"Aaash!!" Sigaw rin ni Kaye at kumaripas ng takbo papunta sa akin.

"Sino nagbigay niyan?" kinilig na tanong ni Kaye.

"Pag si Gio yan friends over na huh." mataray naman sagot ni Sofia. Tsk. Asa naman na bigyan ako ng flowers nun.

"Spill the tea and the juice and the pepsi!!" halos hindi magkanda-ugaga na kilos si Kaye. Alam kasi nilang first time kong tumanggap ng flowers at white roses pa. Favorite flower ko pa!

Kinuwento ko sa kanila ang eksena kanina at iyon na nga. Halos mapuno ng hiyawan at tilian ang buong unit sa boses nila. Sila pa talaga ang kinilig eh?

"I wanna know what loves is... i want you to show me.. " sabay pa nilang kinanta habang sumasayaw bitbit ang bulaklak animoy magkasintahan. Napailing na lang ako. Baliw talaga.

Nadako naman ang paningin ko sa sobre na nakapatong sa dining table. Ano naman kayang laman nito?

Binuksan ko iyon at may isang pink na birthday card sa loob at binasa ang nakasulat doon. Halos lumaki ang mata ko nang mabasa ko ang nakasulat. Shit. Anong oras na ba?

Hinablot ko ang cellphone na nakapatong sa dining table.

11:52

Shit.

Kumaripas ako ng takbo na hindi man lang nakapag paalam sa kanila.

Pinindot ko kaagad ang 'P' sa elevator at halos hindi mapakali sa takbo ng oras. Buti na lang binasa ko. Kainis naman kasi ang daming alam!

Nakarating ako ng penthouse na humahangos. Lakad takbo akong dumiretso sa malaking pintuan at padabog na binuksan iyon.

Eh? Madilim.

Baka tulog na siya? I glanced again at my phone and it says 11:58.

Kinuha ko sa bulsa ang card at muling binasa:

Meet me at the penthouse before your birthday ends. - Leighton

May iba pa bang penthouse dito? Inilibot ko ang paningin sa kabuoan ng penthouse. Kahit madilim, kitang kita parin ang lawak nito dahil sa liwanag na nanggagaling sa buwan sa labas ng glass window.

REBOUNDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon