Last Year of Junior High
[Paris Ashley]Iminulat ko ang aking mga mata. Everything I see was white. Maybe I'm at the clinic?
Bumangon ako at nakitang maraming mata ang nakatitig sa akin. Aces, Coach, few students who watched the game, Sofia, Kaye and Big Brother?
Nang mapansin nila na gising ako, agad silang naghiyawan at pumutok ang isang confetti pop.
"Congrats Ash!!" Sigaw nila. For what?
"We can do it Aces! Show them, show them Aces! We can do it Aces! Winner winner Aces!" Cheer nila habang papalapit sina coach at cap sakin. Nasa likod din nila ang Aces.
"Sabi ko sa'yo diba? You can do it Ash." Nakangiting sabi ni cap.
Niyakap naman ako ni Lime at Maggi. Si cap naman, sobrang lapad ng ngiti.
"A-anong m-eron?" Taka 'kong tanong na nagpatigil sa kanila.
Lahat sila ay nakasimangot sakin.
"Don't tell me nagka amnesia ka?" Natatawang sabi ni cap.
No, I remember everything. Simula noong na-steal ni Ellaine yung bola from Myrna hanggang sa pag-pasa sa akin. Hanggang sa pagtakbo. At hanggang sa pagbitaw ko ng bola...
Dahan dahan kong iniangat ang tingin ko kay coach at tumango lang ito nang nakangiti.
"Did we?" Nakangiti kong tanong.
"Yes Ash! We did. You did it!" Masiglang sagot ni Maggi.
"Hindi ko alam na isang Ashley Hilton pala ang tatalo sa kanila." Napapailing pang sambit ni coach.
"Paris Ashley Hilton." Maawtoridad na pag tama ni big brother sa pangalan ko.
"Yes. Paris Ashley Hilton." Ulit ni coach.
Nakalabas na rin ako sa clinic na may ngiti sa mga bawat nakakasalubong 'kong estudyante. Halos 'congrats' at 'thank you' ang naririnig ko ngayong linggo.
Sinabay naman ako ni big brother sa pag-uwi dahil uuwi din naman daw siya. Masaya ako dahil minsan lang kami magsabay. Lagi kase akong sumasabay kay Sofia at Kaye. Ayoko pa rin naman kasing gamitin si Stark.
Nakarating kami sa bahay ng may ngiti sa mga labi. I know that big brother are proud of me. Sinalubong ako nila Mommy at Daddy at nabalitaan din nilang natalo namin ang Sharks for the second time around.
Daddy hugged me tighly. "I'm really proud of my bunso."
I chuckled. "Yes. Daddy! Yes po!" At agad din naman niya akong binitawan.
Mommy hugged me also and as always, pinched my nose. "Manang mana ka talaga sa Daddy mo!" Sabay-sabay kami natawa sa sinabi ni Mom.
"Alam mo bang never pang natalo ng Montefalco ang La Rosa?" Tanong ni Dad.
Umiling lang ako dahil siyempre hindi ko talaga alam. Kaya ganoon na lang siguro ang galit nila sa 'kin dahil natalo ko sila noong una at mas lalo silang magagalit dahil natalo ulit namin sila sa pangalawa.
"Kahit nung mga batch pa namin. La Rosa High is always on the top." Sabi ni mommy. "But we're proud of you anak. You did a great great job in the history." Napailing lang si mom.
"Dad. Can we talk?" Singit ni big brother sa usapan. Tumango lang si Dad at dumiretso na sila sa taas.
"Mom. I have to change clothes muna." Sabi ko kay mom at sumunod kay big brother and dad.
Dumiretso ako sa kwarto at narinig kong nag-uusap sila sa library.
"She lost the crest." Seryosong sabi ni big brother.
"Don't worry. I know she can handle things without that."
"But dad, she's still a kid. Paano na lang 'pag wala na 'ko sa school? Sooner or later aalis na din ako sa school. Ayokong iwanan siya na walang nagbabantay sa kaniya. Ayokong iwan siya kay Montefalco." Frustrated big brother.
"I trust her. Alam kong kaya ni Paris harapin lahat. Hilton is Hilton. No one dares to touch our princess." Seryosong sabi ni dad.
Ano bang pinag uusapan nila? Bakit kailangan ko ng proteksyon? Sino si Montefalco? Ang alam ko school namin yun ah!
Biglang bumukas ang pinto at dali-dali akong pumunta ng banyo. Wala na sila sa library. Hindi ko alam kung anong pinag-uusapan nila pero nakakaramdam ako ng mali. Parang may mali.
***
Saturday na naman. Walang pasok, walang gala. Hindi na rin kasi kami pumupunta ng Rubix. Wala din naman kasing balak gumala sina Sofia at Kaye dahil magre-review daw sila sa Finals. Haist. I don't want to review. Wala akong gana. Wala akong balak. May one week pa naman. Masyado naman silang excited sa exam. Tsk.
Bumaba ako at dumiretso sa kitchen. Nakita ko si big brother na gumagawa ng waffle.
"Big brother!"
"Yes princess?" Nakangiti niyang sagot. Busy siya sa paghahalo ng batter. Alam kong kailangan kong sabihin na nawala ko 'yung Hilton Crest anklet ko.
"Ahmm.. I.. I w-want to t-tell some-thing." Kabado kong sambit.
Tumingin naman siya sa akin. I heaved a sigh earning some courage to tell.
"I lost something important. But please, don't tell mom and dad about it."
Tumango tango lang siya sakin.
"About the anklet... ahm.. I lost it. I'm sorry." Tumungo ako at lumapit naman siya sakin.
"It's okay princess." Niyakap niya ako ni-tap ang likod. "I will not tell daddy." Umalis ako sa pagkayakap niya at ngumiti ng malapad.
"Would you mind sharing your waffles?" Pabiro kong sabi.
"For you princess."
The whole day just passed at natapos ang gabi na ganoon ang sitwasyon. Alam kong siya ang unang naka-alam na nawala ang anklet but sinabi niya parin na hindi niya daw sasabihin kay dad. Ano bang tinatago nila sa'kin? Nahiga na lang ako sa kama habang diretsong nakatingin sa kisame.
Di ko namalayan na hating-gabi na pala. Maraming mga bagay ang tumatakbo sa isipan ko. Final Exams next week tapos dumagdag pa 'tong anklet ko na hindi ko alam kung anong meron. Tapos yung narinig kong usapan ni dad at big brother. Hindi ko na talaga alam. Umiling iling ako hanggang sa dinalaw ako ng antok.
•••
BINABASA MO ANG
REBOUND
Novela Juvenil"I'm not perfect, I'm just a limited edition; there's only one of me." - Paris Ashley Hilton °°° May mga bagay talaga sa mundo na hindi na natin maibabalik. May mga tao sa mundo na hindi na natin mapapatawad. May mga desisyon tayong akala natin...