Title: Maghihintay ako

9 0 0
                                    

What a tiring day!

Katatapos ko lang sa trabaho, kasalukuyang nag-aabang ng masasakyan dito sa Balibago. Inasahan ko na talaga na gagabihin ako. Tinapos ko kasi lahat ng kailangan para bukas. Tommorrow is the day that we will present our reports for the branch we are planning to build. Gusto ko talagang ipush 'to. I'm sure our boss will assign me as the manager of that branch, if maapprove man.

By the way I'm working on the famous fastfood chain in the Philippines which is Mcdo. If I'm not mistaken sampung taon na akong nagttrabaho dito, and I think ten years were enough para maging manager ako.

Of course it's a long way to run before I get that position. Kaya kailangan ko talagang paghirapan.

"Thank God may jeep na", bulong ko sa sarili.

Kaparada ng jeep sa gilid agad na'kong sumakay. I can't wait to go home na. Parang hinihila na talaga ako ng kama. Exhausted, that's what I'm feeling right now. Gusto ko ng makatulog.

"Pasuyu po", sabay abot ng saktong bayad.

Tumigil ang jeepney sa may robinson para magsakay ng pasahero.

Isang lalaki ang pumasok. Gwapo siya. Sakto naman na 'yung natitirang upuan na lamang ay 'yung sa tabi ko,kaya walang choice kundi umusog para siya'y makaupo.

"Uy ang gwapo ni kuya. May gf na kaya siya?",kinikilig na tanong ng babae sa kasama niya sa may bandang unahan. Grabe ha. Hindi man lang hininaan yung boses.

Tahimik lang sa jeep, kaya mas lalo lang akong inantok. Hanggang sa hindi ko nalang namalayan na nakatulog na pala ako.

-

Hindi agad nag-process sa akin kung nasaan na nang magising. Naramdaman kong nakasandal na ang ulo ko sa kung kanino man. Myghad. Sorry po kung sino man 'to.

Kamulat ng aking mga mata.

Bakit walang tao? Bakit dalawa na lang kaming nasa loob ng jeep?

Magalaw pa rin ang jeep, kaya nasigurado ko na umaandar pa rin ito. Takot kong itaas ang aking ulo para sana masigurado kung nasaan na ba 'ko. Sobrang dilim na. Jusko san nako napadpad?

"Alam ko gising ka na. Hindi kasi kita maiwan. Kawawa ka naman wala kang kasama", seryosong sabi niya.

Siya yung lalaking pumasok kanina.

"Sorry diko kasi alam ang bababaan mo kaya sinamahan nalang kita", malambing na sabi niya.

"Salamat", ang tanging nasabi ko.

"Saan ka pala bababa?", tanong niya.

"Sa may kanto lang malapit sa Hau".

"Mabuti at hindi pa tayo nakalagpas".

"Ako pala si Jasper", pagpapakilala niya.

"I'-m Milrey. Nice meeting you. Thank you for accompanying me. Although you don't have to do it", sabay abot ng kamay ko.

"Ah okay lang sa may isang sakayan na lang ako bababa".

Here I come. Malapit na sa may kanto. Makakauwi na rin.

"Para po sa may kanto", sabi ko sa drayber.

"Ingat ka", sabi ng lalaki. Mukhang maluha luha pa siya nang sinabi niya 'yon.

"You too. Thanks again", the last words I uttered before going out on the jeepney.

---------------------------------------------------

Third person's point of view

"Doc may pag-asa pa po ba?", masinsin na tanong ni Jasper.

"Tatapatin na na kita. Wala pang kasiguraduhan na magbabalik pa ang kanyang mga ala-ala. Magpasalamat nalang talaga tayo dahil nakaligtas pa siya, mula sa matinding pinsalang natamo niya sa aksidente".

Hindi na napigilan ni Jasper na mapaiyak dahil sa narinig niya. Tumatakbo sa isip niya ngayon, sana magbalik na ang babaeng minahal at patuloy na mamahalin niya sa buong buhay.

"Milrey tandaan mo andito lang ako. Maghihintay sayo. Kahit mahirap na hindi kita nahahawakan, basta makita lang kitang matiwasay na namumuhay kahit hindi tayo magkasama. Okay lang", ang tanging nasa isip ni Jasper.

---------------------------------------------------

Milrey's POV

Nakakasilaw na sinag ng araw ang bumungad sa 'kin. wth!!

It's already 7am!

I can't be late. This is the day.

I can't believe I managed to do all my morning rituals within 20 minutes.

"Ma nakita mo ba yung mga reports paper ko?" tanong ko kay Mama.

"Tignan mo sa may drawer, doon ko naitago".

I immediately go on the drawer beside my bed. Ang daming gamit. Mabuti nalang nasa may bandang ibabaw lang yung mga kailangan ko.

Akmang isasarado na yung drawer nang makita kung ano ang nasa ilalim ng mga papel.

Huh?! Bakit ako nandito?

Why am I wearing a white dress while smiling in front of the camera, with the man I met on the jeepney yesterday?









Short StoriesWhere stories live. Discover now