Title: Typing your destiny

5 0 0
                                    

Bored na bored ang peg ni Allison. Paano ba naman hindi nagparamdam yung bestfriend niya that turns into her crush na araw-araw kung sila'y mag chat. PJ pala ang pangalan. Yan tuloy lonely girl siya ngayon. Naisip niya tuloy pano kung aminin niya na sa bestfriend niya na may gusto siya sakanya.

"Wala namang mawawala. Ay di bale nalang", bulong niya sa kanyang sarili.

Bigla tuloy pumasok sa utak ni Allison(na ang tanging laman lang ay si PJ) na magomegle nalang.

WELCOME TO OMEGLE! TALK WITH STRANGERS!

Stranger is typing............

Stranger:Hi!

Allison:Hello! Asl?

Stranger: Huh?

Allison: Halatang bago ka dito. Age sex location. Yun ang meaning nun.

Stanger: Ahhhh! 18, M, you don't need to know. Hbu?

Allison:18, F, you don't need to know din.

Stranger: So anong ganap sa buhay natin?

Allison:Nothings new. Quarantine makes me fall even harder with him.

Stranger:Huh sino si him?? Ako ba yan?

Allison:Yung crush ko.

Stranger:Mga babae talaga ang daling mafall. Beh, quarantine lang kaya bored lang yan. Sakin ka nalang.

Allison: HOY. FYI. yung crush ko friends kami simula pa nung mga fetus pa kami. Tsaka di tayo talo ew iniimagine ko palang itsura mo parang ang chaka mo na.

Stranger: Ay mali tayo dyan mga chong. Nahiya ang kagwapuhan ni Enrique Gil sa itsura ko.

Allison: Wag mo nga idamay si Enrique dito nananahimik yung tao.

Stranger: Ok. So anong meron kayo ng crush mo?

Allison: Sino ka ba para sabihin ko sayo.

Allison:Pero sige na nga open ko na sayo tutal di naman tayo close. Oh witty.

Stranger:Ha Ha Ha Ha Ha

Allison: Ganito kasi yan. Childhood friend kami, tapos lagi kaming pareho ng school na pinapasukan since elem. hanggang ngayong college na kami. Para kaming kambal tuko laging magkasama.

Stranger: Oh tapos?

Allison: Tapos may itsura siya. At sino ba naman ako para hindi magkacrush sa kanya diba?

Allison: ++ kung paano niya ko tratuhin. Parang gf lang kahit na alam ko namang friends lang tingin niya sakin. Wala eh assumera ako. Sobrang thoughtful kahit madalas man niya akong asarin nafefeel ko pa rin na concern siya sakin.

Stranger: Sinubukan mo bang aminin sa kanya yung nararamdaman mo?

Allison: Wag na lang. Kasi baka kapag nalaman ko na one sided love lang mahurt ako tapos baka magka-ilangan kami. Kaya wag nalang. Tsaka baka wala naman talagang meaning yung mga actions niya. Baka ganun din siya sa iba.

Stranger: Alam mo pareho lang tayo ng sitwasyon. Ramdam kita.

Stranger: Sa oras talaga ng aminan, lalo na kung sa bestfriend mo pa, eh mahihirapan ka talaga kasi friendship niyo nakataya.

Stranger: Kapag sinuwerte ka na pareho kayong may feelings sa isa't isa edi sana all. Pero kapag one sided love lang, ay mga chong bye bye friendship na nga yan.

Allison: So anong gagawin ko?

Stranger: Bahala ka sa buhay mo.

Allison: Tignan mo toh chaka na nga di pa maasahan.

Stranger: Galit na galit?Ustoh manakit?

Allison: O ano nga? Wala ka ring masabi noh kasi pareho lang tayo.

Stranger: Hindi tayo pareho yung akin ever since palang na nagkautak nako gusto ko na agad siya, tapos ikaw ngayon mo lang nalaman yung totoo mong nararamdam para sa kanya.

Allison: Wag kang judger di tayo close. Aaminin ko noong una nahirapang matutunan ng sarili ko if mahal ko na ba talaga siya or crush lang. Pero may kasabihan kasi ako na "Love needs true to be truth and you need to be honest first with yourself about what you feel for someone before considering it as love." At ganun naman ginawa ko, pinakiramdaman ko muna ano ba talaga yung nararamdaman ko para sa kanya. Friends lang ba o sobra na. Tapos nakita ko nalang yung sarili kong tuluyan nang nahulog sakanya.

Stranger: Maadvice ko lang. Magconfess ka na. Basta kung ano yung mangyari tanggapin mo nalang. Be mature enough. Kung wala siyang feelings sayo itreat mo pa rin siya as a friend. Kasi sayang yung pinagsamahan mapupunta lang sa wala. If mangyayari yun. Welcome to the pinagtagpo pero hindi tinadhana family.

Allison: Salamat may kwenta ka rin pala. Joker ka rin. Ha Ha Ha Ha Ha

Stranger: Kung wala talaga ako sa mundo lahat ng tao dito broken hearted.

Stranger: Btw, ano pala name mo?

Allison: Hoy baka nafall ka na sakin tapos magfriend request ka nalang bigla sa fb. Loyal ako sakanya noh.

Stranger: Wag kang feeling. Ang pangit kasing pakinggan na nagkausap tayo tapos di man natin alam pangalan ng isa't isa. At kung mas loyal ka sakanya mas loyal ako sa bebe ko pero di pa kami ah, malapit na kahit hindi yun araw-araw naliligo love ko yun.

Allison: Awww:) sweet naman. Regaluhan mo raw kasi siya ng shampoo.

Allison: I'm Allison Nea. An for short.

...

Stranger: Allison Nea Cabrera???

Allison: Hala!Bakit mo ko kilala??

Stranger: Fuck! It's me PJ.

------------Chat Disconnected-------------------




Short StoriesWhere stories live. Discover now