Title: T-shirt at Pantalon

15 1 0
                                    

"Nak dalian mo at aalis na tayo", tawag ni Mama. Nabigla ako dahil nag-aya siyang pumunta ng mall.

"Oo sandale lang Ma. Suot ko lang sapatos ko".

Katapos kong gawin lahat ng pag-aayos ay agad nang bumaba. Naabutan ko naman si Mama naglalagay ng kung ano-ano sa kanyang mukha.

Gulat na gulat siya nang makita ang itsura ko.

"Oh Ma may dumi ba mukha ko?"

"Seryoso yan isusuot mo?" tanong niya. Obvious ba eh ito nakikita niya??

"Oo ang init kaya, ala nga namang mag jacket ako?"

"Jackie naman, andami kong binibili sayong mga bistida. Bakit hindi subukang suotin".

"Ma, anong mali sa pantalon at t-shirt. Maganda naman ah", dito ako komportable bakit ba??

"Jusq, ano pa itong cap na ito isusuot mo ba talaga 'to", sabay kuha ng cap na nasa ulo ko.

"Babae ka ba talaga? Eh malapit nalang isuot muna ang brief ng kuya mo ah", malamang babae ako. Hindi ba pwedeng magsuot ng pantalon at t-shirt mga babae?

"Sandali nga", agad siyang pumunta sa may harap ng salamin. Hindi ko alam anong kukunin.

May mali ba sa suot ko? Pantalon na medyo maluwang tsaka white t-shirt na may imahe ni Michael Jackson sa gitna na iniidolo ko. Pinatneran ko na rin cap na pula, para hindi sana mainitan.

Lagi nalang ganito sitwasyon namin ni Mama. Pinipilit lagi akong magsuot ng mga damit na binibili niya. Last week galing siyang ukay-ukay, gulat na gulat ako nang ibigay niya yung binili niya para sa 'kin, hindi ko alam kung damit pa ba? Dress siya na hanggang itaas ng tuhod, spaghetti strap at may design na maraming cross sa likod. Suot ko daw sa prom mamaya.

Eh kung isusuot ko yon edi nagmukha akong babae sa bar. Wala na nga akong balak na pumunta sa prom na yun. Sadyang mapilit lang talaga si Mama.

Kung tatanungin niyo kung tomboy ako?? Hindi 'no. Basta ang alam ko, wala akong hilig sa palda, bistida, croptop, o kahit ano pang kasuotan na konti nalang kita na kaluluwa.

Nabalik lamang ang atensyon ko kay Mama nang mapansin ko na may inilalagay na pala siya sa pisngi ko.

"Ma, ano naman ba 'to. Nakakairita kaya", sabay punas ng pisngi ko ng panyo.

Pinalo niya yung kamay ko para mapatigil. "Anak, 'wag mo alisin. Ang ganda-ganda mo bat dika mag-ayos. Ayaw mo bang magka-boyfriend??"

"Ma kung mag-bboyfriend man ako, dapat tanggapin niya kung pano ako manamit".

Napatigil si Mama tsaka lang siya tumitig sa 'kin."Hay, ewan ko sayo. Kung ayaw mo edi 'wag." Tinigil niya nalang ang paglalagay ng kung ano sa mukha ko. Wala siyang choice, tatanggalin ko rin naman.

-

Mabilis lang akong nakapili ng susuotin para mamaya. As usual, isang maluwang na slacks tsaka maroon na t-shirt na may mahabang manggas ang napili ko. Wala naman akong balak magtagal sa prom na yun eh.

"Ikaw talaga, sa tingin mo ba may magsasayaw niyan sayo?" sermon ni Mama kauwi namin.

"Ma, 'wag kang mag-alala wala naman akong balak makipag-sayaw. Kaya nga ganito isusuot ko eh".

"Bahala ka dyan. Sige na magbihis kana at baka papunta na mga kasama mo niyan".

Tumango nalang ako sabay akyat sa taas para makapagbihis na.

-

"Jackieeeee", sumilip ako sa bintana at nakita ko ang itim na kotseng pumarada sa harap namin. Wow sosyal.

"Jackie, andyan na mga kasama mo. Dika pa ba tapos?", bungad ni Mama kasabay ng pagbukas ng pinto.

"Tapos na ". Agad akong tumayo para humalik sa pisngi niya.

"Mag-ingat ka ah", kumaway nalang ako kay Mama, at diretso nang pumasok sa sasakyan.

"Wow naman Jackie. Yan na ba talaga susuotin mo?", asar ni Queenie.

"Malamang, hindi ba halata? May nakikita ka bang dala ko?"

"Ikaw talaga ang kj mo. Ang ganda mo naman ba't di ka nag-ddress?", singit naman ni Maica.

"Pake niyo ba? Ngayon bang nagsusuot kayo ng bistida na litaw kaluluwa niyo pinakealaman ko ba kayo?" mataray na sagot ko.

"Guys di ba kayo sanay. Hayaan niyo na, diyan komportable frenny natin. Support nalang", ang sabi ni Portia na siyang nagmamaneho ng sasakyan.

Nanahimik nalang sila at hindi sinubukang ibuka ang mga bibig nila.

Malapit lang yung eskwela sa bahay, kaya mabilis kaming nakarating. Medyo marami na ang mga estudyante kaya mahirap nang makapasok sa loob.

Nang makapasok na kami, hindi ko na nakita mga kasama ko, ayon nakikipaglandian na.

Parang nasa bar lang ah. Hindi ako naorient na paiksian pala ng suot. Halos naka dress ata lahat ako lang hindi. Yung iba abot naman hanggang tuhod, pero karamihan sobrang iksi ng suot.

Hays bat ba pinoproblema ko suot nila. Katawan nila yun, sila pipili ano alam nilang maganda para sakanila.

Mag-isa lang ako sa table, kaya napagdesisyunan ko nalang na kumuha ng maiinom.

Ilang oras ang lumipas na puro sayaw lang halos ang ginagawa ng mga estudyante.

Nakita ko si Maica na may kausap na lalaki. "Maics uwi na ko pakisabi nalang kila Quennie".

Tango lang ang natanggap ko mula sakanya, at pinagpatuloy yung pakikipagusap dun sa kasama niya.

Medyo inaantok na kasi ako kaya gusto ko na talagang umuwi. Gusto ko pa sanang magpahatid kay Portia kaso hindi ko na mahagilap.

Salamat naman at may ilaw sa dadaanan. Medyo nawala kaba ko.

Isang ilaw na lamang ng bahay ang nakabukas. Yung nasa terrace namin. Paniguradong tulog na si Mama nito.

Ngunit bago makarating sa gate.....

"Ne anong oras na bakit nasa labas ka pa? Halika punta muna tayo sa bahay ko. Kung ayaw mong may mangyaring masama sa'yo, sundin mo nalang lahat ng sasabihin ko", bulong ng isang lalaki kasabay ng pagtutok ng isang matalim na bagay sa tagiliran ko.

Gulat, takot at kaba ang naramdaman. Wala akong nagawa kundi umiyak na lamang, habang patuloy na niyuyurakan ang aking pagkatao.













You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 10, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Short StoriesWhere stories live. Discover now