We're all bored. Kaya naisipan ko nalang na linisin 'tong condo.
Kahit medyo pagod dahil sa celebration kahapon, napilit ko pa rin ang sarili kong gumalaw. Medyo may hangover pa ata.
We had a celebration yesterday together with family and friends. Akala ko simpleng handaan lang pero hindi ko akalain na masasabi ko na pala ang matamis kong oo sakanya. Medyo nagulat pero inisip ko nang mangyayari yun.
January 15, 2021. Date na napagkasunduan namin para sa Wedding.
Yes. Happy to say I'm now engaged.
Sa lalaking hindi ko hinangad, hinintay lang.
I met him at my worst. He met me on his greatest.
Flashback
SHS Days
"Katherine yung manliligaw mo nasa labas", sigaw ni Marty, kaklase ko.
Napatigil ako sa pagbabasa. Heto na naman po siya. Kung legal lang ang pagpatay kapag naiinis, naka isa na 'ko. Oliver Yuchengco. Crush ng lahat and at the same time bully ng school. Hindi ko alam bakit ako ang napagtripan neto ngayon.
"Ano na namang gusto mo?" mataray na sabi ko sakanya. With matching taas ng kilay.
"Hi beautiful",bungad niya sakin.
"Wala ka bang magawa sa buhay at ako napagttripan mo?".
"Sabi ko naman sayo gusto ko lang makipagkaibigan. Ay! magkipag-ka-i-bigan pala", nakakainis. Imbes na nagrereview ako ngayon, nasasayang niya oras ko, dahil sakanya.
"Oliver alam kong dare 'to ng mga kaibigan mo at wala akong panahon para dito. Kaya tigilan mo na."
"Kat, sincere 'to", sabay turo sa sarili niya. ''Di mo ba inisip na ang daming nagkakandarapa sa 'kin pero heto ako nahumaling sayo?" wow lang ha. Sobrang kapal.
Like ew. Nakakacringe, aware ba siya?
Sa tantsa ko, siguro isang buwan na simula nung ginulo niya ko. Walang mintis. As in araw-araw nandito siya sa harap ng classroom namin, nanliligaw daw. Sino ba ang nasa tamang pag-iisip na manligaw sa school. Baliw talaga.
"Kat andyan na si Sir", tawag ni Leslie. Naglakad nalang ako pabalik sa room, pero agad na napatigil dahil sa sinabi niya.
"Sabay tayo mamaya. Hintayin kita sa labas", ang kulit niya lang, bahala siya sa buhay niya.
Mabilis na lumipas ang araw at heto na nga, kasabay ko na siyang naglalakad ngayon pauwi.
Ang awkward lang. Bakit ba kasi ako pumayag. "Kat, seryoso ako sa kung ano man ang nararamdaman ko", pambabasag niya ng katahimikan.
Napatingin lang ako sakanya, at kitang-kita ko ang sinseridad sa kanyang mga mata.
"Alam kong marami na naging ex ko, at hindi ko ipagkakaila 'yon. Pero iba talaga ang nararamdaman ko sa'yo. Kaya sana bigyan mo ko ng chance, para patunayan ang sarili ko."
"Pero okay lang, kung hindi. Basta hayaan mo nalang na hangaan kita", hindi ko alam ang sasabihin ko.
Pagkatapos ng aminan, hindi ko akalain na magkakajowa na 'ko kinabukasan.
----
"Babeeeeee", hindi talaga nabawasan ang kakulitan.
Ngiti ang bungad ko sakanya, nang makitang tumatakbo ito sa may hallway papunta sa 'kin.
"Babe tapos na ba pasok mo? Tara kain na tayo".
"Ah oo. San ba ngayon? Basta libre mo ah".
YOU ARE READING
Short Stories
RandomShort stories collection. Adding some spices with my tasteless quarantine days. Enjoy!