The One Who Got You Away (Part 2)

8 0 0
                                    

"Oliver bakit?"

Hindi ko alam anong mararamdaman ko. Iyak lamang ang tangi kong naipakita sakanya. Hindi ko na kaya.

"Kat, I'm sorry",lumuhod siya para makapantay sa 'kin.

"Kat, believe me lahat ng pinakita at pinaramdam ko sayo totoo yun. Sa loob ng limang taon na nagkasama tayo, lahat ng mga oras na magkasama tayo, pinahalagahan ko lahat 'yon".

"Walang halong kaplastikan. Yung mga salita na nasabi ko galing lahat sa puso ko yun. Masakit man, pero alam kong may nagbago,at hindi ang pagmamahal ko Kat. Ako mismo."

Iyak lang ang tanging sagot ko. Ang sakit. Sobrang sakit. Feeling ko sasabog ako. Sana pala hindi ko na siya pinilit na aminin. Sana hinayaan ko nalang. Sana kahit may iba, kami pa rin ang magkasama. Uuwi at uuwi pa rin siya sa 'kin.

"I didn't fell in love. Isang araw nagising nalang ako. Ganito na nararamdaman ko. Nalilito man,pero siguradong dito ako sasaya."

"Hanggang ngayon nalilito pa rin, pero hindi ko na 'to mababago. Oo gago ako para sabihin 'to, pero sakanya ko naipakita kung ano ba talaga ako. Yung totoong ako. I'm sorry."

Mas lalo lang akong naiyak. Limang taon. Sa loob ng limang taon, hindi ko na ata kakayanin na wala siya sa tabi ko. Alam kong mahirap. Pero mahal ko eh. Kaya kung saan siya sasaya, dapat masaya rin ako para sa kanya. Kahit na hindi ako ang magiging dahilan ng mga ngiti niya.

"Salamat", ang kaisa-isang salita na nasabi ko. Hindi ko alam bakit ito ang nasabi ko. Basta ang alam ko lang gusto kong mapag-isa. Gusto kong iwanan at takbuhan nalang siya.

Oliver, unang lalaking aking minahal. Hindi ako na-inform na ganito pala kasakit. Sana man lang nakapaghanda ako. Pero, 'di bale. Ganito naman talaga kapag nagmahal diba? Wala eh sumugal, at alam na pwedeng matalo sa huli. Maswerte kung panalo, pero kung talo, tanggapin nalang siguro.

-----

Kasalukuyan akong nasa gate ngayon para pumasok. As it was expected nakatingin lahat sa 'kin. Ano pa nga ba?? Alam kong kalat na ang balita. Asan ba si Leslie? Para naman may kasama akong pinagchchismisan ngayon.

"Girl diba siya yung gf ni Oliver? Ang ganda ni ate pero nagawa pa rin siyang iwan", mga chismosang estudyante.

"Sayang talaga ang pogi pa naman ni Oliver. Kaso pogi din pala hanap. At ang haba talaga ng hairlalu niya. Si Joaquin pa ang nabingwit".

Pinapaaral ba sila ng mga magulang nila para mangchismis. Hindi ko nalang sila pinansin. Tinuloy ko nalang ang paglalakad, at nilagpasan ang mapanghusga nilang mga mata.

Oo tama yung basa ninyo.

Yung taong mahal ko, pareho pala kami ng hanap. Pogi din pala ang gusto.

January 15, 2021

Naririnig ko na. The wedding bells. Pinakamahalagang araw para sa 'kin. Sa wakas mapapalitan na ang apelyido ko.

Binuksan na ang pinto ng simbahan. Kaya sinimulan ko na rin ang paglalakad.

Una ko siyang nakita. Oliver, my first love, my world.

Before.

Little did I know he is just the way to find my universe. Ang tunay kong the one, na nasa tabi ni Oliver ngayon.

Ang magiging katuwang ko sa habang buhay.

My one and only. My Lover.

Mainit na luha ang dumampi sa pisngi ko habang sinuot sa kanyang kamay ang singsing na simbolo ng aking pagmamahal.

"I, Katrine Francisco, take Joaquin Castenan to be my husband, to have and to hold from this day forward, for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, to love and to cherish, till death do us part."

Heartbreak leads me on the right path. In end of my journey, I found my true love.

Joaquin made me realize the positive side of heartbreak. It will make you miserable and at the same time, it can make you stronger. Pain will last longer than you expected, but if your true 'the one' will come, it will become easy for you to love and to be in love again.

I love you, my Joaquin, and I will always choose to sail every waves of pain just to have you in the end.




Short StoriesWhere stories live. Discover now