Chapter 2

29 4 1
                                        

Amery's Pov's

Pagkapasok ko sa loob ng kitchen, bumungad sa akin ang mga materyales ng pagluluto. "Here. I’ll teach you kung paano gumawa ng kape para sa brother ko." 

"Okay," tanging sagot ko, medyo kinakabahan pero curious. 

Dumiretso siya sa cabinet at binuksan ito. Kinuha niya roon ang isang garapon na siguradong kape iyon, pati na rin ang isang maliit na garapon na kulay puti ang laman. Sinara niya ang cabinet at kumuha ng baso. "Come here," utos niya. 

Lumapit ako sa kanya. "Teka? Mamahalin ata ang kape na ‘to ah. Patikim nga, hehehe," pabirong sabi ko habang napapailing sa sarili. 

"Bawal mong tikman ito kasi para lang sa kuya ko ‘to. Sosyal kaya ito—galing pa sa Paris. Magagalit siya kapag nalaman niyang may tumikim nito, okay?" sagot niya na may diin. Napapangiwi na lang ako at tumango. 

Ilang sandali pa ay natapos na niyang gawin ang kape. "Give this coffee to my brother," utos niya. Kinuha ko naman ang tasa ng kape at sumunod sa kanya palabas ng kitchen. 

---

"Sir, here's your coffee," magalang kong saad sa lalaking nasa harap ko. Grabe! Ang gwapo talaga niya! Halos matunaw ako sa titig niya. 

"Are you done looking at me, huh?" malamig niyang tanong. Napapikit ako sa kaba at napadilat ulit. *Pakeneng! Ano ba 'tong ginawa ko?!* 

"H-Hindi naman p-po, sir. Hehehe," sagot ko nang nahihiya. 

"Tsk. Give these papers to my brother," utos niya sabay abot sa akin ng folder. 

Kinuha ko naman ito, pero hindi ko mapigilang magreklamo sa isip. *Kababago ko lang dito, pero uutusan na agad ako?* 

"What did you say, Ms. Amery Wiscon?" tanong niya na para bang narinig ang bulong ko. 

"W-Wala po, sir," mabilis kong sagot at naglakad palabas ng office niya. 

Dahil alam ko na kung saan ang office ng kapatid niya, madali ko itong natagpuan. Pagbukas ko ng pintuan, bumungad sa akin ang isang malawak at eleganteng opisina. 

"Hey, Ms. Wiscon? Ayan na ba ang folder na hinihintay ko mula sa brother ko?" tanong ng isang lalaking nakaupo sa desk. 

Halos mahimatay ako sa kapogian niya! Mas gwapo pa siya sa larawan niya sa company profile. 

"Yes, sir," sagot ko sabay abot ng folder. Kinuha niya ito at binuksan. 

"Okay… by the way, sabay na tayong mag-lunch mamaya," casual niyang sabi. 

*WHAT?! SASABAY KAMI MAG-LUNCH?! DATE BA 'TO?! OMG!* 

Mabilis akong pumayag, syempre! "That's right. See you later," huli niyang sabi bago ngumiti. 

"See you later din po, baby este sir," sagot ko bago mabilis na lumabas ng opisina. Pagkalabas ko, napasigaw ako sa sarili. *PAKENING SHET KA SELP! KINIKILIG AKO!* 

---

"Anong hinihintay mo? Bumalik ka na sa office," malamig na sabi ng pamilyar na boses sa likod ko. 

Mabilis akong humarap. "Ayyy, s-sir Colton? Ikaw po pala, hehehe," nahihiya kong sagot. 

"Tsk. Balik ka na doon because I need you," sabi niya bago ako talikuran. *Teka? Bat nandito si Sir Colton?* 

---

"Mag-lunch ka na, Ms. Amery Wiscon," sabi niya. 

"Sige po," sagot ko bago mabilis na umalis sa office niya. *Makikita ko na ang babyloves ko, charot!* 

Pagbukas ko ng pintuan, biglang sumulpot si Darren sa harap ko. 

"Let's go, Ms. Amery," sabi niya. Napangiti ako nang palihim. Kinikilig talaga ako! *Crush ko na ata siya agad.* 

"S-Sige po," sagot ko. 

---

"What's your order, Ms. Amery?" tanong niya habang nasa restaurant kami. 

"Ummm… bahala ka na po, sir. Lahat kasi masarap e… parang ikaw," bulong ko sa sarili. 

"Hmmm. Ate, dalawang chicken and rice at dalawang soft drinks," sabi niya sa cashier. 

Habang naghihintay kami ng order, naglalaro ako sa phone ko. Ngunit nang iangat ko ang ulo ko, nakita ko si Sir Darren na nakatitig sa akin. 

"M-May dumi po ba sa mukha ko?" pautal kong tanong. 

"W-Wala naman," sagot niya at ibinaling ang tingin sa bintana. 

*OMG! Bakit kaya ako tinititigan ni Sir Darren?* 

---

"Here's your order, ma'am and sir," sabi ng waitress. 

"Let's eat. I'm hungry," sabi niya. 

"Me too, Sir Darren," sagot ko rin. Habang kumakain kami, natigilan ako nang marinig ko ang malamig na boses mula sa likod. 

"You're done eating, so go back to my office now!" 

Napalingon ako. Si Sir Colton! 

"O-Okay po, sir. Sir Darren, thank you po sa pagkain," pagpapasalamat ko. 

"It's okay, Ms. Amery," sagot ni Sir Darren sabay ngiti. Lumitaw pa ang dimples niya! 

*PAKENING SHET ANG SMILE NIYA! KENEKELEG!* 

"Don't trust my brother because you don't know him at all. You’ll be surprised at his true behavior kapag lubusan mo na siyang kilala," malamig na sabi ni Sir Colton habang nasa kotse kami. 

"Huh? Anong ibig sabihin niyo, sir?" tanong ko. 

"Just don’t trust him too much, okay?" dugtong niya. 

"Okay," sagot ko, kahit nalilito. 

*Bakit parang binabalaan ako ni Sir Colton? Ano kayang ibig sabihin niya?* 

Pero sa totoo lang… wala akong pakialam. Ang gwapo pa rin ng babyloves ko! 

The Billionaire AssistantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon