Chapter 7

3 1 0
                                    

Third Person's POV

"At sino ka para hawakan ang kamay ko ha? Gusto mo rin ba ng gulo?" galit na tanong ng lalaki.

"Tsk! Ayoko ng gulo. Darren? Bakit lasing si Amery?" malamig na tanong ng binata.

"Uminom kami, kuya Colton," sagot ni Darren. Mabilis na binuhat ni Colton si Amery. Medyo nagulat naman si Amery.

"Hey? Bakit moko binuhat? Ibaba moko!" lasing na saad ni Amery.

"Stop, stupid girl! Dadalhin na kita sa kwarto mo," saad ni Colton. "And you, Darren? Bumalik ka na sa bahay mo," dugtong pa nito at naglakad palabas ng clubhouse.

**************

"Ano ba? Ibaba mo nga ako!" iritado na saad ni Amery. Napatigil na lang si Colton ng nasa kwarto na sila. Mabilis niyang binuksan ang pintuan.

Agad niyang hiniga si Amery pero sa di inaasahang pangyayari, napahiga si Amery at di sinasadyang pumatong si Colton kay Amery.

Nanlaki ang mata ng binata habang si Amery naman ay napangisi.

"Ouch! Masakit yun, Colton! Nakakainis ka talaga!" iritado niyang wika.

"Tsk! Wala ka talagang galang, Ms. Amery Walker."

Aalis na sana si Colton sa pagkakapatong kay Amery nang hinila siya ni Amery kaya di sinasadyang nagkadikit ang labi nila.

Ang nararamdaman ni Colton sa mga oras na iyon ay tila nag-iba. Bumilis ang tibok ng puso niya. Sinubukan niyang alisin ang kanyang labi ngunit, diniinan pa iyon ni Amery.

Napapikit si Amery habang si Colton naman ay nanlalaki pa rin ang mata dahil sa gulat. Ramdam rin niya ang dibdib ng dalaga na lalong napailang siya.

Napakabilis ng pangyayari at halos titig na titig si Colton kay Amery. Hindi niya alam kung bakit ganun ang pagbilis ng tibok ng puso niya. Ilang segundo ang nakakalipas ng bitawan ni Amery ang pagkakadikit ng labi nila.

"Ang sarap ng labi mo, Colton... Isa pa nga," lasing na anya ni Amery. Agad na napatayo si Colton at hihilain na sana siya ni Amery.

"Stop it, Ms. Amery Walker! I... have to go," agad na umalis siya sa kwarto ng dalaga.

"Tsk! That's my first kiss! Argh! Bakit sa kanya pa napunta yun? Fuck! I hate her," iritado niyang wika ng pumasok siya sa kanyang kwarto.

***************

**Amery's POV**

Masakit ang ulo ko ng bumangon ako mula sa pagkakahiga sa kama. "Takte! Ang sakit ng ulo ko, buwisit!" inis na wika ko. Agad na bumangon ako at lumabas ng kwarto ko.

Pumunta muna ako sa kusina. "Hi, Sir. Good morning po," bati ko kay Sir. Nagtaka naman ako ng lingunin niya ako. Dapak! Anong nangyari kay Sir?!

"Good morning, stupid," malamig na bati rin siya sa akin. Bakit ang laki ng eyebag niya? Depita, hindi ko pa nakita na may eyebag siya.

"Sir? Bakit ang laki ng eyebag mo?" tanong ko.

"Because of you kaya nagka-eyebag ako," sagot niya. Huh? Ako? Ako pa sinisi ng kupal na 'to? Tsk!

"Teka, bakit po ako?" tanong ko.

"Dahil sa nangyari sa atin kagabi," sagot pa niya. WTF? MAY NANGYARI KAGABI? HUH? WAG MONG SABIHIN SIR NA... OMG?! Puta! May nangyari sa atin, Sir? Taena!

"Fuck! What are you talking about? Fuck, Ms. Amery Walker! Ayoko ng iniisip mo!" iritado na anya niya. Dafuq?

"So... kung hindi po yun... E ano pong nangyari sa atin, Sir?" tanong ko.

"You kissed me," sagot niya.

You kissed me
You kissed me
You kissed me

Tila ay nag-sink sa utak ko ang sinabi niya. Watdapak? Hinalikan ko siya?

"T-teka po, Sir... Hinalikan kita? Huh? S-sir? Masama p---" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng putulin niya.

"It's true. Lasing ka nun kaya nahalikan mo ko. Hinila mo pa nga ang ulo ko para dumikit ang labi ko sa labi mo, Ms. Amery Walker," malamig na saad niya.

Dapak selp! Puta kaaaaa! Baka tanggalan ka pa niya ng trabaho, shet! Lagot ka!

"S-seryoso ka, Sir? Hinalikan po kita, huh?" gulat na tanong ko at halos hindi makapaniwala sa narinig ko.

"Yes, Ms. Amery Walker. Isipin mo ang nangyari kagabi para malaman mo," saad niya.

Inisip ko naman ang nangyari kagabi, tulad ng nakasama ko si Darren sa clubhouse. Ayun! Naalala ko na... Ang kissing scene namin ni Sir Sungit!!

"S-sir? Pasensya na po, hehehe. Sir, please, sorry po," paumanhin ko.

"Tsk! I have to go," anya pa niya at iniwan ako na tulala.

Shet! Lagot ka talaga, Selp! Huhuness (ᗒᗣᗕ)՞

Napatingin na lang ako sa niluto ni Sir. Kumain na ba siya?

**************

Eto ako ngayon, naglalakad sa dagat at nagpapahangin na rin. Ang sarap kaya ng simoy ng hangin sa dagat.

"Hey? Amery? Mukhang may malalim kang iniisip ka ah? Ano ba yan?" nagulat ako ng sumulpot si Darren sa harapan ko.

"Ahh... Tungkol kasi kahapon e," sagot ko. Ayokong sabihin ang totoo kasi baka magalit siya if malalaman niya na hinalikan ko si Sir.

"Kahapon? Ahh, alam ko na... Yung nagsuntukan kami ng lalaki na may tangkang gawin sayo? Tama ba ako?" Putakte, mali naman siya.

"Hmm... O-oo," pagsisinungaling ko.

"Sorry, ng dahil sa akin ay inaway ka ng mokong na yun, hehehe," paumanhin ko. Ngumiti naman siya ng matamis.

"It's okay. Pinagtanggol lang kita sa kupal na yon."

Taee, naiinlab na ako sayo, ene be!

"Umm... By the way, kailan moko sasagutin?" wika ni Darren.

"Hmmm, kailan nga ba?" Pinag-iisipan ko pa kasi eh," sagot ko.

"Hello, Darren," anya ng di pamilyar na saad ng babae.

"Oww... Hi? Fiber," bati ni Darren.

"Wut? Dapak?! Fiber? Ang bestfriend ko??"

Mabilis ko siyang nilingon mula sa likuran namin.

"F-fiber?" Nanlaki agad ang mata ko ng makita ko siya. "Hi, Beshie?" nakangiting bati sa akin.

Mabilis ko siyang niyakap.

"I miss youuuuuu, Beshie!" saad ko at hinigpitan ang yakap ko sa kanya.

Siya... siya si Fiber, ang bestfriend ko at ex ni Sir Colton....

𝑨/𝑵:𝑺𝑶...𝑵𝑨𝑮𝑩𝑨𝑩𝑨𝑳𝑰𝑲 𝑨𝑵𝑮 𝑩𝑨𝑩𝑨𝑬𝑵𝑮 𝑷𝑰𝑵𝑨𝑲𝑨𝑴𝑨𝑻𝑨𝑳𝑰𝑲 𝑵𝑨 𝑲𝑨𝑰𝑩𝑰𝑮𝑨𝑵 𝑵𝑰 𝑨𝑵𝑮𝑬𝑳 𝑨𝑻 𝑨𝑵𝑮 𝑫𝑨𝑻𝑰𝑵𝑮 𝑲𝑨𝑺𝑰𝑵𝑻𝑨𝑯𝑨𝑵 𝑵𝑰 𝑪𝑳𝑨𝑹𝑲...𝑨𝑵𝑶 𝑲𝑨𝒀𝑨 𝑨𝑵𝑮 𝑫𝑨𝑯𝑰𝑳𝑨𝑵 𝑲𝑼𝑵𝑮 𝑩𝑨𝑲𝑰𝑻 𝑵𝑨𝑵𝑫𝑰𝑻𝑶 𝑺𝒀𝑨?

𝑭𝑶𝑳𝑳𝑶𝑾 𝑴𝑬 𝑨𝑵𝑫 𝑽𝑶𝑻𝑬!

The Billionaire AssistantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon