Chapter 6

12 2 0
                                        

Amery's Pov's

Kinabukasan, pagkalabas ko pa lang ng kwarto, nagtungo ako sa kusina na kung saan ay may naamoy akong pagkain na siguradong nagluluto ang kung sino man ang taong yun.

Nanlaki ang mata ko ng di ko inaasahan ang nakita ko—nagluluto si Sir Sungit. ಠ_ಠ

"S-sir?" gulat na tawag ko sa kanya. Agad siyang napaharap at may hawak na plato na naroon ang luto niya. Ang bango ng niluluto niya.

Hindi niya ako pinansin at diretsyo-dretsyo lang siya sa paglapag ng mga niluto niya. Tinanggal niya ang suot niyang apron at mabilis na umupo.

"Eat now, Ms. Amery Wiscon," saad niya. Napatingin na lang ako at umupo sa harapan niya. Gutom na po ako kaya lalamon na ako, kekekeke.

Kahit hindi nagtoothbrush ay kinuha ko ang plato na may itlog at inilagay ko ito. Samantala si Sir Sungit kumakain lang ng java rice.

Ang galing niya magluto, tae. Akala ko lahat ng mayaman ay di marunong magluto, pero ngayon kasi ang katulong nila ang gumagawa ng pagkain nila... edi sana all. -,-

"Do you have a relationship with my brother?" malalim na tanong ni Sir Sungit. Mabilis kong naluwal ang kinakain ko.

"T-teka? Sir? A-ano pong tan..." medyo nabigla ako ng putulin ni Sir ang sasabihin ko.

"Do you have a relationship with my brother?" tanong niya muli. Sungit? Wala naman kaming relasyon, e -,- "Umm Sir? W-wala po kaming relasyon at yung nakita mo po kahapon ay n---" Hindi na naman natuloy ang sasabihin ko ng putulin na naman niya.

"I know," agad na nanlaki ang mata ko. Anong ibig sabihin niya?

"I know na nililigawan ka ng kapatid ko... am I right?" saad niya.

"P-paano po ninyo nalaman?" tanong ko.

"He told me the truth," malalim na anya. WTF? Inamin niya ang totoo! Paano na to?!

"Do you know the penalty when everyone knows what my brother is doing to you?" tanong niya. Huh? Kapag nalaman ng lahat? "A-ano po?" tanong ko.

"He will be fired from his job," sagot niya ngunit malamig pa rin. Nabigla ako roon at mabilis na napatayo. "A-ano? Matatanggal s-sya?" pautal na tanong ko.

"Yes, dahil kasama sa rules ng companya ko ang bawal makipagrelasyon ang isang empleyado sa isang taong mataas na position like you. Mas mataas ang position mo kesa sa kapatid ko, do you understand? So if I were you, I would stop him," mahabang sagot niya.

Hala? Jinxxa? Matatanggal siya, ket kapatid niya si Darren? Hindi pwede!

"Kahit kapatid mo siya? Kaya mo siyang sisantehen sa trabaho niya? Ganun lang?" galit kong tanong... hindi ko alam kung saan ko nakuha na tanongin siya na galit. Basta ang gusto ko ay hindi siya pwedeng matanggal sa trabaho niya ng dahil sa panliligaw sa akin.

"Tsk! I'm going to the bathroom," wika pa niya ng tumayo siya at iniwan ako. Napatingin naman ako sa pagkain niyang hindi pa niya natapos.

Na-feel mo na lang ako sa mukha.

***************

Hindi ko muna kakasama si Sir Sungit ngayong araw kasi may pupuntahan pa daw siya kaya eto ako nag-iisa.

Nag-iisip pa ako tungkol sa sinabi ng sungit na yun kanina at gagawa ng desisyon. "Hayst, ang hirap," sabay bumuntong hininga.

"Anong mahirap?" nagulat na lang ako ng sumulpot si Darren sa tabi ko.

"S-Sir Darren?" saad ko.

"Mukhang ang lalim ng iniisip mo ah? Ano ha yan para maalis yan?" tanong niya. Hayst sorry pero hindi ko muna sasabihin sayo, baka masaktan ka huhuness or kaya mabigla.

The Billionaire AssistantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon