Chapter 4

19 3 1
                                        


Amery's Pov's

Halos hindi ako makatulog kagabi dahil sa nangyari kahapon. Halos tumalon-talon pa ako sa kama ko, putik! 

Natigil na lang ako sa pagmuni-muni nang magsalita si sir. "Get ready, Ms. Amery Wiscon," malamig niyang sabi sa akin. Napairap na lang ako. 

Actually, nandito kami sa kotse at bibiyahe kami patungo sa airport. Eto ako ngayon, nakaupo sa kotse kasama si Sir Colton Dior, na ubod ng sungit, at ang bebe kong si Darren. 

Alam niyo guys? Nililigawan ako ni Darren ng palihim. Hindi iyon alam ni Sir Colton. Eh ano naman kung malaman niya, di ba? Pake niya? 

Maya-maya, nasa airport na kami. Bubuksan ko sana ang pintuan nang kusang binuksan iyon ni bebe Darren ko. "Thank you, Sir Darren," sabay ngiti ng matamis. 

"You're welcome, Ms. Amery," ngumiti rin siya. Shet! Mahihimatay na ata ako sa ngiti niya! 

"Hey? Ms. Amery Wiscon? Let's go," sabat ni Sir Colton nang lumabas na rin siya ng kotse. 

"Hmmm alis na ako, Sir Darren. Hehehe," pagpapaalam ko sa kanya. Aalis na sana ako nang hatakin niya ako at niyakap ng mahigpit. 

"Mag-ingat ka, anghel ko," sabi niya. Pakeneng shet! Kinikilig ako! Tinawag akong anghel niya! 

"Ingat ka rin," saad ko rin. Ilang saglit pa, kumalas ako sa yakap niya at mabilis na umalis papunta sa Sir Colton kong sungit na nasa loob na ng airport. 

---

Nasa likuran niya ako nang bigla siyang tumigil, kaya itong mukha ko ay nautog sa likod niya. "Aray! Buwisit ka! Putaena," pabulong kong saad, baka marinig ako ng sungit na to. 

"What did you say, Ms. Amery Wiscon?" malamig na tanong sa akin ni Sir Colton. 

"W-wala po, sir," pautal na sagot ko. Ano ka ba, self? -_- 

Lakad dito, lakad doon ang ginawa namin hanggang sa paakyat kami ng eroplano. Pero hindi ko napansin si bebe Darren ko. Oww sad naman self. :( 

---

Eto na kami, nakaupo. Pero katabi ko pa rin si Sir Colton. Buti na lang kasi nasa bintana ako para makita ang mga ulap kapag tumaas na itong eroplano. 

Kinuha ko ang cellphone ko at naglaro ako doon habang si Sir naman ay nakatutok lang sa phone niya. Ano kaya ang tinitingnan niya? Masilip nga. 

Unti-unti kong sinilip... at ayun nga, tama ako. May tinitingnan siya—ang picture ni Fiber—bestfriend ko! 

Unti-unti ko ring sinilip ang mukha ni Sir. Oww sad siya. :( 

"Why do you look at me like that?" bungad niya sa akin. Mabilis kong ibinalik ang position ko na nakatutok lang sa cellphone ko. 

"Huh?" tanging saad ko at nagpatay-malisya pa. Depungal ka, self. -_- 

"Tsk!" tanging lumabas sa bunganga niya. 

Ang sungit talaga nito! Tsk! 

---

Ilang oras ang nakalipas sa eroplano nang bumaba na kami. Ngunit hindi ko pa rin nakita si bebe Darren ko na sumakay dito. 

Pagkababa ng eroplano, tumayo na ang mga tao at nagsikuhaan na ng kani-kanilang gamit. Tumayo na rin ako at kukunin sana ang gamit ko na nasa itaas namin, pero hindi ko iyon maabot. Pandak, hahaha! 

May kamay na binuksan ang cabinet at kinuha ang gamit ko, pagkatapos ay agad niyang ibinato sa akin. Mabilis ko naman nasalo ito kaso napa-aray pa ako kasi tumama sa dibdib ko ang bag. 

Mabilis niyang kinuha ang kanya at gaya ng ginagawa niya sa akin, iniwan ako. Diba ang galing ng mokong na ito? Sarap itapon sa Mars. 

---

Pagkababa ko pa lang, napanganga ako sa ganda ng Japan. May puno ng cherry blossoms, medyo malamig ang klima, at ang gaganda ng mga bahay kumpara sa Pinas. -_- 

"Shet! Ang ganda! Gusto ko nang tumira dito," manghang saad ko. 

"What else are you doing? You have no intention of coming with me, Ms. Amery Wiscon?" bungad ng masungit kong sir. 

Mabilis akong naglakad papunta sa kanya. "Sorry po, sir," paumanhin ko nang nasa harapan ko na siya. 

"Tsk!" Ayan na naman ang linya niya. -_- 

Nagsimula akong maglakad nang naglakad na rin siya. Putakte! Ang bilis niyang maglakad. Paano ba naman kasi ang haba ng legs! Halos sumakit na ang tuhod ko dahil sa bilis ng hakbang niya. 

---

Ilang minuto ang nakalipas nang nasa labas na kami ng airport. May biglang color black na van na sumalubong sa amin. Agad namang tumigil iyon sa harapan namin at bumukas ang pintuan. 

Mabilis na pumasok si Sir Colton. Sumunod na rin ako sa kanya. Feeling ko parang buntot ako ni Sir. Pshh! 

Sumara ang pintuan ng van at mabilis na pinaharurot ang sasakyan. 

---

"welcome sir"magalang na sumalubong samin ang babaeng naka uniform.nagsimulang maglakad kami papasok sa resort.napanganga naman ulit ako sa laki ng resort na ito.kanino kaya ito?bilhin ko nga...charot!

dumiretsyo kami sa parang hotel pero itsyura ay bahay.pumasok kami roon at may naka receive na palang tutuluyan namin ni sir sungit.

pero ang pinagtataka ko kase kanina pang wala si bebe darren.nasaan na kaya yun?

Muli ay nag lakad na naman kami papunta sa number na tutuluyan namin.hanggang sa nasa harapan na namin ang tutuluyan namin.number  143 ang nakalagay sa room na nakapaskil sa pintuan.

Hmmm...awit 143 meaning i love you?

binuksan iyon ni sir at muli ay napanganga ako sa lawak ng magiging kwarto namin.pumasok na kami sa loob at yung gamit ko ay nilagay ko na sa magiging kwarto ko daw.actually,magkatabi lang kami ng kwarto.

nag bihis na ako ng uniform ko kase pupunta kami sa meeting ng mga kasapi ng company ni sir sungit.

Pag labas ko ng kwarto,bumugad sakin si sir sungit na naka suot ng pang office.hanep!bagay talaga sa kanya mag suot.muka syang billionaire pero billionaire naman talaga sya -,-

tatalikuran sana ako ni sir ng mabilis kong kinuha ang braso ni sir.hindi ko alam kung bakit ko iyon ginawa pero,kailangan kong matanong kung nasaan si darren.

"sir?nasaan po si sir darren?"tanong ko."i don't know...and you do not have permission to hold me anywhere"masungit at malamig na saad ni sir ng bawiin nya ang braso nya.

medyo nainis naman ako sa kanya at nag titimpi na ako sa kasungitan nya.ang sarap nyang sapakin alam niyo yun?charot baka sisantehen ako ni sir as his assistant -,-

Nag lakad na sya at gaya ng di inaasahan ko ay iniwan ako ng mokong na ito-,-



𝑨/𝑵:𝑯𝑨𝑯𝑨𝑯𝑨!𝑺𝑶 𝑮𝑼𝒀𝑺?𝑨𝑩𝑨𝑵𝑮𝑨𝑵 𝑷𝑨 𝑨𝑵𝑮 𝑺𝑼𝑺𝑼𝑵𝑶𝑫 𝑵𝑨 𝑴𝑨𝑵𝑮𝒀𝑨𝒀𝑨𝑹𝑬𝑬!

𝑭𝑶𝑳𝑳𝑶𝑾 𝑴𝑬 𝑨𝑵𝑫 𝑽𝑶𝑻𝑬 𝑳𝑨𝑵𝑮 𝑷𝑨𝑹𝑨 𝑯𝑨𝑷𝑷𝒀 𝑨𝑲𝑶 𝑴𝑬𝑶𝑾!

The Billionaire AssistantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon