Nasa terrace kami ng bahay namin. It's a rainy day pero kidlat pa lang yung meron. So, nasan yung ulan dun? Ha? Nakatago sa kidlat? Parang timang.
"Lorenzo, did you see that thunder?" Sabi ko sa kanya.
"No" maikli niyang sagot.
"Bakit hindi mo nakita eh nakaha-"
"Hakdog" Tanginang kausap yan.
"Gago, nakaharap ka sa kidlat tapos hindi mo nakikita?" Irita kong sabi.
"Tss, bat kasalanan ko pa na nakatingin ako sayo?"
Napaiwas naman ako ng tingin dahil alam kong namumula na ang mga pisngi ko. Shit, bakit ba alam na alam ng lalaking to kung pano ako pakiligin?
"Lods, bawal kiligin" sabi niya habang tumatawa.
"Luh umiwas lang ako ng tingin eh" depensa ko sa kanya.
"Tinatago mo kase kilig mo" wews?
Biglang kumidlat ng malakas dahilan para mapayakap ako sa kanya.
"Uy tide, gulat ka no?" Nakuha pang magbiro amp.
"Tss" sagot ko nalang tutal wala na din naman akong maisagot sa kanya kase puro siya kalokohan.
At dahil sa pagkakayakap ko sa kanya kanina, magkayakap pa rin kami hanggang ngayon. Pisti.
"Alam mo parang ikaw yung kidlat" sabi niya. Ano na naman to Lorenzo?
"Bakit? Kase nakakatakot?" Sarkastikong tanong ko.
"Oo" sabi niya "Pero maganda. Beautiful disaster. Parang ikaw" nakangiti siya habang sinasabi ang mga salitang yun.
That is one of my memories with him. With the person I love, I lost, and I hurt the most.
••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••
YOU ARE READING
Way Back Home
RomanceTo those people who love this story, iloveyou🖤 This is the story between Brice Lorenzo Collins and Avrille Xyra Mendoza. In this story, you will witness that every people deserves a second chance in a one valid reason, Love.