DISCLAIMER: This work is just a fiction. Name, Characters, place, and anything that you can read. The incident in this work is just the imagination of the author.
This work is not belong with SJA/UB/LCC/BSU/SBC and other schools or Universities.
This work is not unedited and it may have some typographical and grammatical errors.
••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••
Xyra's POV:
"My name is Avrille Xyra Mendoza" pagkasabi ko noon ay umupo na agad ako.
Grade 8 nako pero parang kinder pa din kami. Introduce yourself pang nalalaman. Pero bago ako umarte, ipapakilala ko muna ang sarili ko sa inyo.
Avrille Xyra Moren Mendoza, ang pinakamaganda sa Grade 8-Jade. Ako ang bunso sa aming lima, at syempre strict din ang parents ko. Bawal ang boyfriend kaya single pa din ako ngayon, daig pa ako ng grade 7 sa first floor na todo ang landian. Ayoko namang sumuway sa magulang ko dahil ganon ko sila kamahal, ayaw lang talaga nila akong magaya sa mga ate ko. Madami pa akong gustong sabihin sa inyo pero tsaka nalang, tinatamad pa ako.
"Any talent or hobby Ms. Mendoza?" Tanong ni Mrs. Zulueta.
Daming tanong. Kung di ko lang to adviser nabalibag ko na to. Tumayo ako para sabihin kung ano yung talent ko, meron pala ako nun?
"Talent? Hmm? Eating, singing, dancing if I want, and playing but not others feelings, di naman ako katulad ng iba dyan." Uupo na sana ako nang biglang may magsalita.
"Pinapatamaan mo ba ako Ms. Mendoza?" Inis na sabi ni Kath na nasa harap ko.
Sabi na nga ba at magrereact ang malanding to eh, pabibo na naman.
"No" maikling sagot ko sa kanya bago umupo.
Maria Kathalina Lastimosa, that's here name. Malandi naman kase talaga siya, halos lahat ata ng nag aaral dito nalandi na niya. Well, puti lang yung lamang niya saken pati yung payat niyang katawan. Di naman siya maganda kase mas maganda ako at mas sexy din, iba naman kase yung payat sa sexy. Hipon siya. Ganon. Pasalamat nalang siya sa ganda niya, yun yung nagdadala eh hindi yung grades.
"My name is Ivery Nile Chavez, Nile for short. My talent is singing. That's all" pakilala ni Nile. Ang pormal naman ng hayop na to.
"My name is Rafiela Jane Manansala, Jane for short. Wala akong talent pero kaya kitang pasayahin" pakilala niya sabay upo. Parang timang may paganon pa si gago.
"My name is Jeorgian Lei Ebora, Lei for short. Kaya kong sumayaw, kaya ko din magpakilig pero wala akong jowa" pakilala ni Lei. Isa pa tong timang magpakilala. Kami lang siguro ni Nile ang matino saming apat.
Wala namang ganap sa first day of school, puro lang introduce yourself tapos rules sa klase ng kada subject. Buti nalang maingay yung mga tropa ko, baka nag cutting class nako kung hindi. Boring kase. Buti nalang mag uuwian na, pinakapaborito ko yun eh.
After ng klase namin hinanap ko na agad si Eula sa room.
Eula Gabrielle Hererro, she's my buddy. Same location kami ng bahay kaya lagi ko siyang kasama pag uuwi. Nadala nako nung time na hindi ko siya kasama umuwi kase nagpractice ako ng choir sa school, nasermunan ako sabi may jowa daw ako kahit wala naman talaga. Hays, sana ol may jowa.
"Gabrielle!" Tawag ko sa kanya.
"Eula kase hindi Gabrielle, ang baduy kaya" Arte naman.
"Oo na, bilisan mo baka wala na tayong maabutan na jeep" nagpapaganda pa kase, ayaw kase gagaya sakin na maganda kahit hindi nag aayos.
YOU ARE READING
Way Back Home
RomanceTo those people who love this story, iloveyou🖤 This is the story between Brice Lorenzo Collins and Avrille Xyra Mendoza. In this story, you will witness that every people deserves a second chance in a one valid reason, Love.