Brice's POV:
Bago ako magpatuloy ng pagbibihis nagchat muna ako kay Xyra.
"Bye magbibihis nako"
Hindi na siya on pero nagreply pa din ako para mamaya pagkadating ko galing school may ireply siya sakin. Ayaw ko naman siya iseen no, di naman ako famous katulad ng babaeng toyoin na yun.
Habang nagsusuot ako ng black shoes ay may naisip ako idea. What if isurprise ko kaya si Xyra na uuwi ako next month? Or bigyan ko nalang siya ng ballpen na G-Tech kasi mahilig naman siya magsulat? Hmm? Ano kaya sa dalawa?
"Hoy Lorenzo bat ba ang bagal mo dyan? Sino ba iniisip mo? Si Xyra?" Sabi ni mama.
"Ewan ko sayo ma" pagsusungit ko kay mama.
"Ang aga aga ang sungit mo anak, oh baon mo, oh baon mo din, isa ka pa baon mo" sabi ni papa samin habang nagaabot ang pera.
Leonardo and Selenna Collins, they're my parents. Mababait naman sila eh kaso di ako pwede magjowa sabi nila. Bakit ba kase bawal tapos si Bryle nakakaisa na? Pano nako? Jowang jowa nako eh. Si Xy nalang kaya jowain ko? Payag kaya sila? Di joke lang ayoko dun.
"Sus kuya totoo naman eh kunwari ka pa dyan kinikilig ka din naman kay Ate Xy" sabi ni Brenda.
Brenda Lourisse Collins, siya ang bunso sa aming tatlo at ako ang panganay. She's only 10, grade 4 siya ngayon. Maganda siya, bibo, maputi, tapos madaldal. Lahat ata ng nakakausap ko na babae kilala niya pero kay Xyra niya lang ako inasar. Ano bang meron sa babae na yun? Maganda lang naman siya, matalino, maputi, sexy, tapos toyoin. Hilig niya lang akong asarin, anong nakakakilig dun?
"Isa ka pa ang ingay mo din, nasan na ba yung kuya mo?" Irita kong sabi sa kanya.
"I'm here" sagot ni Bryle sakin.
Bryle Luciano Collins, pangalawa siya saming tatlo. Grade 7 siya pero dapat Grade 8 na siya tulad ko, tamad kase mag aral. Same school kami kaya alam ko gawain niya. Gago siya mana sa kuya, lagi siyang napapaaway sa school pero ako? Chill lang. Mayabang din naman ako eh kaso mas mayabang siya sakin, nakikipagsuntukan siya pero ako hindi. Mas mabait ako sa kanya tapos mas pogi na din.
"Bilisan mo para makaalis na tayo, 6:15 na oh" sabi ko habang nakatingin sa wrist watch ko.
"Yabang mo talaga kuya ikaw nga yung hindi nagmadali eh, naggoodmorning ka pa kay Xy kanina bago bumangon" sumbat niya sakin.
"Oh talaga? Pano mo nalaman?"
"See? Totoo nga, hula ko lang naman yun eh" nahuli ako dun ah.
"Oo na bilis na punyeta ang bagal kase" irita na sabi ko.
"Ok lang yan anak mahal ka ni Xy" sabi ni papa.
"Luh, sinabi sayo pa?" Gulat kong sabi.
"Hindi nak, joke lang yun" tapos tumawa sila.
Ano bang nangyayari sa pamilya ko?
"Alis na tayo puro kayo Xy, hoy kayong dalawa kapag nang asar pa kayo sa sasakyan ibababa ko talaga kayo"
"Opo" sabay nilang sabi. Tumatawa pa silang dalawa kaya sinamaan ko nalang sila ng tingin. Sana ok lang sila.
Nagpaalam na kami kayna mama at papa bago kami umalis. Inihatid muna namin si Brenda sa school, malapit lang din naman siya sa school namin kaya oks lang yun.
After namin ihatid si Brenda ay pumunta na kami sa school namin. Buti nalang hindi nagsasalita yung dalawa kase papababain ko talaga sila. Nagpark ako sa tabi ng kotse ni Kent pagkatapos ay pinatay ko ang engine ng kontse ko.
YOU ARE READING
Way Back Home
RomanceTo those people who love this story, iloveyou🖤 This is the story between Brice Lorenzo Collins and Avrille Xyra Mendoza. In this story, you will witness that every people deserves a second chance in a one valid reason, Love.