Chapter 5

4 0 0
                                    

Xyra's POV:

Nasa dining room ako ngayon at kumakain ng breakfast, 8:30 a.m ako nagising kaya may naabutan pa akong breakfast. Pagkatapos kong kumain hinugasan ko na ang plato ko at pumunta sa kwarto, wala naman akong assignment kaya keri lang ang paghilata sa kama, Nagsscroll lang ako sa newsfeed ko sa facebook nang biglang may nag pop up sa screen ko.

'Lorenzo♡ is calling...'

I answer the call.

[Hello?]

[Oy nasan ka?]

[Nasa kwarto ko, ikaw ba?]

[Nagddrive papunta-]

Naputol yung sinasabi niya kase biglang namatay yung tawag.

Nagscroll nalang ulit ako sa newsfeed ko, sana may magandang memes dito para naman may mashare nako.

5 minutes palang ako nagsscroll kaso tumawag ulit si Brice.

[Ano yun Brice?]

[Xy] tawag ng nasa kabilang linya.

[Bryle?]

[Si kuya]

[Oh?]

[Si Kuya nasa Hospital] pagkasabi niya nun ay nagsimula na siyang umiyak.

[Bakit Bryle?] Nag aalala kong tanong.

[K-kaya tumigil yung call kanina kase... n-nabangga kami... n-nung tumawag si kuya sayo... m-may nakasalubong kaming... t-truck, mas inuna ni kuyang iend yung... y-yung call niyo kaya n-nalate in action siya] sinisinok na sabi niya.

[Ikaw ba? Ok ka lang ba?] Nagsisimula na din akong umiyak.

[O-oo, si kuya yung... yung hindi] lalong lumakas ang iyak niya.

[Teka nasan ba kayo?]

[Uhm... hindi ako pamilyar dito p-pero pupuntahan nalang kita sa... inyo] medyo kumakalma na siya.

[Sige liligo lang ako, ingat ka ha]

[Sige Xy]

Inend ko na ang call at naligo na ako, hindi ko mapigilan na maiyak habang naliligo at nagbibihis ako. Nagsuot lang ako ng ripped jeans at pink t-shirt tapos sandals na black.

Nang may kumatok sa pinto ng kwarto ko ay lumingon ako, bumukas iyon pero maliit lang ang pagkakabukas.

"Ma'am may nag iintay po sa inyo sa labas, Bryle daw po" sabi nk Ate Tin na maid namin.

"Uhm... Ate Tin pwede po ba akong umalis dito sa bahay, nagkaproblema lang po kasi" paalam ko sa kanya.

"Sige po Ma'am ok lang po"

"Thankyou Ate Tin" sabi ko sabay kuha ng bag ko.

Nilagay ko muna ang mga gamit ko dun bago ako bumaba.

"Oh Bryle bakit kotse ni Brice ang dala mo?" Sabi ko kay Bryle na nakasandal sa kotseng Black.

"Yung kotse kase ni mama yung nabangga niya"

Pagkasabi niya nun ay ipinagbukas niya ako ng pinto, dun niya ako sa shotgun seat pinasakay habang siya naman sa driver seat.

"Wala kang balak magpalit ng damit?"

"Pangit ba?"

Tiningnan niya ako from head to toe, nakakaconcious naman.

"Ok na yan"

Pagkasabi niya nun ay pinaharurot niya na ang sasakyan.

"Diba nasa iisang sasakyan lang kayo? Bakit may dala kang kotse?" Tanong ko habang nagddrive siya.

Way Back HomeWhere stories live. Discover now