Chapter 3

24 2 0
                                    

"How about this one?"

I shook my head, "Angela, I don't need it." binalik ko sa kanya ang dresses na nilagay niya sa mga braso ko.

Nagsalubong ang kilay niya at ngumuso, "But I want to give you those!"

Bumuntong hininga ako at umiling ulit. I don't want to be indebted to her at isa pa, hindi ko naman kailangan 'yan. Those fancy dresses, wala ring okasyon na pwede kong panggamitan. Sayang lang ang pera niya.

"Ito na lang!" Turo niya sa mga tank tops at mini skirts.

"Angela—"

"Kapag tumanggi ka pa, magtatampo ako sa 'yo!"

Napailing na lang ako sa kakulitan niya.

But deep inside, I'm getting fond of her, she always make me feel important.

"Saan mo gustong kumain?"

"Fast food," tinignan ko ang reaksyon niya. Angela's rich, maybe she doesn't eat fast food.

Lumiwanag ang mukha niya, "Great! Tama! Fast food na lang! Guide me, ha," hinila niya ako sa braso habang papunta kami sa pinakamalapit na fast food.

"Ma'am—" tinawag siya ng gwapong bodyguard niya pagkakita na marami masyadong tao sa loob.

"We can handle it. Dimitri, 'wag kang mag-alala, tsaka kasama ko naman si Asriel!" Ngumiti siya sa bodyguard niya at hinila ako papasok sa loob.

Akala ko bang ako ang mag gu-guide sa kanya? Bakit parang baliktad?

"Ako na ang mag-oorder," tumayo ako, "bantayin mo na lang ang upuan natin."

"Two fried chicken meals with medium-sized fries and a quarter pounder, please."

"Ano pong drinks, ma'am?" Tanong ng kahera.

"Water lang miss."

"Okay po, repeat ko lang po ang order niyo, two fried chicken meals with two medium-sized fries and one quarter pounder, is that all po?"

Tumango ako at pinanood siyang nilalagay lahat ng inorder ko sa tray. I gave her my thanks and carried the food tray back to our seat.

Napangiwi ako pagkabalik sa pwesto. May nakaupo na kasi sa upuan namin at nakikita ko na ang galit na itsura ni Angela.

"I told you many times! May kasama ako!"

"Miss ganda, wala kaming nakikitang kasama mo. Makiki-upo lang naman kami, huwag ka sanang magdamot sa pwesto." I can see the visible adoration in the fat guy's eyes as he stared at Angela.

"She's with me, may problema kayo?" Nilapag ko ang tray sa table at sinamaan sila ng tingin.

"Miss, ayaw mo ba na apat tayo? Kasya pa naman," tumawa ang payat na lalaki. Napairap ako. Anong gusto nila? Double date? Muntik akong masuka sa naisip.

Hahawakan na sana ng lalaki ang kamay ni Angela sa table nang biglang dumating si Dimitri at hinatak sa kwelyo ang matabang lalaki.

"Know your boundaries, fatty," he glared at the fat guy and let go of him in an aggressive manner.

Her bodyguard speaks in english?

I crossed my arms while grinning at Angela's shocked expression. Nagkibit na llang ako ng balikat. She has a great bodyguard. No wonder no one can even touch Angela's strand of hair in school.

"Dimitri, tama na 'yan. Kakain na kami."

Napatingin si Dimitri kay Angela at tumango bago umalis kasama ang dalawang lalaki.

Embracing The ChaosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon