Chapter 4

20 1 0
                                    

"Talaga nga namang lintek na bata, late ka na namang umuwi. Ano bang pinagkaka-abalahan mo, ha."

Nagmano ako kay mama at inilagay na ang mga gamit ko sa taas. Ilang araw ko na ring tinuturuan si Angela, ilang araw na rin akong madalas umuwi nang gabi.

"Kain ka na, Ice," I heard kuya's voice somewhere.

"Teka lang at magbibihis muna ako!" Sigaw ko dahil naririnig ko na silang nagsisimulang kumain.

Nagmamadali akong nagbihis at bumaba na. Nagmano ako kay Papa na mukhang good mood.

"Mukhang tiba tiba ako kay Pernands," tukoy niya sa manok niyang nanalo sa sabungan.

"Naturingang pulis, sugarol naman," bulong ni kuya habang ngumunguya ng adobo.

Kumuha ako ng adobo at pinag isipan kung sasabihin ko ba sa kanila ang tungkol sa pagturo kay Angela para hindi na ako mapagalitan gabi gabi. Ang hassle kapag patago.

"Ma, ano kasi-"

"Mama, next week po pala ang family day."

Napatingin kaming lahat kay Ren. May ibinigay siyang papel, kinuha 'yon ni Mama at pinakita kay Papa.

"Family day nga. Pwede ka ba sa biyernes, mahal?" Si Mama habang pinapakita kay Papa ang papel.

"Biyernes? Sige at susubukan kong magpaalam kay Chief ng day off. Papayagan naman siguro ako non."

Pumalakpak si Mama, "Ren, huwag kang mag-alala at siguradong pupunta kami next week."

Napangiti si Renren at lumingon sa 'kin. Ngumiti ako sa kanya nang pilit at tinapik siya sa likod para lumakas pa ang loob niya para sa family day nila.

"Maraming salamat. Mama, Papa, Kuya at.... Ate."

"You're welcome, bunso. Ikaw pa," kumindat si Papa kay Renren at tumawa naman si Kuya.

Am I so immature na lagi kong kinaiinggitan ang kapatid ko dahil sa atensyong nakukuha niya na hindi ko natatanggap sa mga magulang namin?

Pagkatapos ng hapunan ay umakyat na ako sa kwarto. I spent my evening doing some things that usually lifts up my mood.

Napatingin ako sa bintana nang biglang umulan. Pinapanood ko ang mga mahihinang patak ng ulan sa bintana. It's past three a.m, making the atmosphere more melancholic.

My head started to ache when thousands of thoughts invade my system.

I recalled how Mama used to locked me up inside my closet. I was so scared. Bakit ako lang ang ginaganoon niya? Bakit ang mga pagkakamali ko lang ang napapansin niya?

I shut my eyes. Sumasakit ang ulo ko. Napahawak ako doon habang pinupukpok iyon nang unti unti upang maibsan ng kaunti ang sakit.

"Wala kang kwentang anak."

"Nagsisisi ako na... naging anak kita."

Napabalikwas ako nang bangon habang punong puno ng pawis ang katawan kahit kakagising ko lang. I looked at the time and it's already afternoon. Sabado pala kaya walang pasok.

My phone rang and I immediately answered the call.

"Asriel!" Angela shouted from the other line.

Nilayo ko ang cell phone sa tainga sa lakas ng boses ni Angela.

"Hello?"

"Bakit hindi ka sumasagot?"

"Kakagising ko lang po, mahal na prinsesa," napairap ako sa ingay niya habang inaayos ang higaan.

Embracing The ChaosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon