CHAPTER FOUR

14 2 1
                                    

I feel so wasted.

I can feel my heart sinking everytime I remember all that happens.

My boyfriend cheated on me.
My bestriend lied to me.
And my parents? Do I have to ask. What they did is really something they would do.

Ilang araw pa akong pabalik balik sa bar na pinuntahan ko at hindi pumapasok. Gladly, my parents is in Cebu for a business for the past days so they can't do anything about it.

Yung pinsan ko nga lang, sumbong ng sumbong. But who cares?

Nandito ako sa kwarto ko ngayon at nakatulala lang.

I miss my lola. Noon nung dito pa siya samin nakatira, lagi niya akong pinagtatanggol. Ayaw niya akong nakikitang naiyak eh. Kaso umalis na siya, pumuntang ibang bansa para magpagaling dahil sa sakit niya.

Naalala ko pa dati na kapag naiyak ako bibilhan niya ako ng chocolates para tumahan. And she will always tell me to let myself free from pain. I should cry if I needed to.

Pero simula nung umalis siya, ito na lang ulit yung unang beses na umiyak ako. My mom told me not to cry, that's for weaklings. So I did, I want to be strong for lola para makita niya na malakas ako at di na ako magpapa api kaso wala eh, napasobra ata yung taon na to sakin.

Tinignan ko ang teddy bear na nasa my sofa ng kwarto ko. It's a huge teddy bear that my lola gave me para yakapin ko kapag namimiss ko siya o may umaway na naman sakin.

I started crying again.

Lola, uwi ka na. Diba sabi mo sakin kapag magaling ka na uuwi ka agad, pagaling ka na po. Miss na kasi kita eh

I decided to call lola's nurse to ask for update.

"Uhm where is lola?" Bungad ko sa nurse

|"Ibibigay ko po yung telepono"| he said then I hear him talking to someone over the line probably lola

|"Al"| she said in a low voice that made my heart bounce in so much joy

"L-lola" I cried at her "Uwi ka na po, o kaya dyan na lang ako. Ayoko na po dito. A-ayoko na. Dyan na lang ako sainyo, babantayan ko po kayo, ako po mag aalaga sainyo. P-promise la, magpapakabait po ako." Sinabi ko na parang batang nagsusumbong sa magulang

|"Bakit apo anong ginawa nila sayo? Sino nanakit sa apo ko?"| She said worriedly

"Madami po lola. Ang dami nila" humagulgol ako

|"Shh. Huwag ka nang umiyak, Al. Pabayaan mo sila. Hindi mo kasalanan kung maling bakuna ang itinurok sakanila nung bata pa sila. They are so stupid to hurt someone like you. You are precious as a diamond, honey"| hindi ko alam kung matatawa ba ako o lalong iiyak eh

"Lola, pagaling ka na po ah" I told her

|"Oo apo para sayo susubukan ko. Maging masaya ka, Al. Piliin mong maging masaya"| sabi niya saka naputol ang linya

Napabuntong hininga na lang ako at naligo. Isinuot ko ang blue pajamas ko para matulog. Papasok na ako bukas.

The next morning, maaga ako nagising para takasan sila mommy dahil ngayon din sila uuwi.

Pagdating ko sa school, pinagtitinginan ako ng mga studyante...maybe because I was absent for almost a week.

"Ganon pala siya noh?"
"Grabe, akala ko dati disente siya"
"Oo nga eh, jusko"
"Such a shame"

Bulungan ng mga tao sa paligid ko na siyang ipinagtaka ko. Ako ba ang pinag uusapan nila?

Nang dumaan ako sa may bulletin board ng school namin, nakita ko ang picture ko nung nag iinom ako sa bar, iba iba yon, araw-araw na para bang sinusundan talaga ako ng taong kumuha non

Where Do Broken Hearts Go?Where stories live. Discover now