"Kalungkutan"
"A-ano?" Nauutal na tanong ko sakanya
"Kalungkutan po yung tinatakbuhan niyo hindi po ba?" Inosente ulit siyang tumingin sakin
"Problema"
"Gigi, balik na tayo don" yaya ko sakanya pero hindi siya gumalaw
"Nung una ko po kayong nakita don sa kubo, alam ko na pong malungkot kayo." Bulong niya
"Pano mo nalaman?" Tanong ko
"Alam naman po ata ng lahat na malungkot kayo eh" natigilan ako sa sinabi niya
"Ganyan din po kasi silang lahat dito noon kaya naiintindihan ka po namin." Nakangiting sagot niya
"Mukha lang pong masaya sila kuya Sergio at ate Marissa pero ang totoo ay patay na ang mga magulang nila, si ate Ana naman po binubugbog dati ng papa niya kaya kinuha nila Tatay, si kuya Blabs naman po eh bata pa lang, pina anod na ng mga magulang niya papunta dito sa isla. Si kuya Charlie naman ay namatayan ng tatay at kapatid" Nagulat ako sa mga sinasabi niya.
"Ilang taon po nilang ininda yung sakit at kalungkutan ate Alvi. Hanggang pinanganak ako ay nakikita ko na sakanila yon at alam kong hanggang ngayon ay meron pa rin. Ganon po yung nakikita ko sa mga mata niyo ngayon" naluluha ako sa mga sinasabi niya
"Pero kagaya po nila, alam kong kaya niyo pa ring ipagpatuloy yung buhay niyo kahit gaano kayo nasasaktan. May mga paparating pang problema ate pero ngayon hindi mo na yon kailangan harapin nang mag-isa dahil may mga kasama ka na" nginitian niya ako at niyakap ng mahigpit.
"Balik na po tayo don" yaya niya sakin na agad kong tinanguan.
This kid really impress me, mas mature pa siya sakin.
Pagbalik namin sa kubo ay agad tumakbo si Gigi papunta kila Mang Juds at kinuwento ang ginawa naming sandcastle.
Nagtatawanan sila Sergio sa kubo at dumating naman si Ana at Marissa na magkasama pero malayo ang agwat nila sa isa't isa.
Hindi ko maiwasang isipin yung sinabi ni Gigi kanina. Ever since I came here, I always wished I have their peaceful life but it turns out it wasn't peaceful at all. May mga problema din sila pero nakakayanan nilang magpatuloy kahit na gaano pa kasakit yon.
"Ano na naman iniisip mo?" Nagulat ako sa biglang pagsulpot ni Charlie sa likuran ako.
"Ano ba?! Bakit ka ba nanggugulat?" Sigaw ko sakanya
"Hindi kita ginulat, tinanong ko lang eh" sagot niya
"Psh" pumunta na ako sa kubo at umupo habang pinapanood silang nagtatawanan. Tumabi naman agad sakin si Charlie pero kinakausap siya nila Sergio at nakikipag-asaran.
Nanatili lang akong tahimik habang nakatingin sakanilang lahat. The first time you'll see them, iisipin mo talaga na napakasaya ng buhay nila, mga walang problema that's why I envy them before so much.
"Don't wish to be in someone's place just because you think that they are happy more than you, you don't know what they are going through"
Naalala ko ang mga sinabi sakin ni Charlie nung una kong makilala sila Marissa.
Tinignan ko si Charlie na masayang nakikipagtawanan kila Sergio at Blabs habang inaasar si Marissa at Ana.
Akala ko kapatid niya lang ang namatay, pati pala ang papa niya.
Napangiti ako sa pakikinig sa kanilang lahat, masayang masaya sila.
Are they genuinely happy? Or they're just pretending?
YOU ARE READING
Where Do Broken Hearts Go?
RomanceA girl got her heart broken and her life ruined. She needs to find a way to escape and now that she finally had a chance to break-free, she finds herself in someone's arm to comfort her and bring her broken pieces into whole again, slowly falling in...