CHAPTER EIGHT

16 2 4
                                    

Naglakad ulit kami pabalik sa cottage, agad naming nakita sila Sergio na kumakaway samin ngunit napahinto ako nang biglang harangan ni Charlie and dinadaanan ko, napatingin sa gawi namin si Marissa pero ngumiti lang ulit siya at nagtuloy sa paglalakad.

"What? Why?" Tanong ko sakanya.

"Saan kayo nagpunta?" Tanong niya pabalik

"And why do you care?" I ask again

"I told you I care" he said

"Let's just go. I got here safely as you can see right?" Inirapan ko siya saka naglakad papuntang cottage pero sumabay siya sakin

"Nothing happened? Really?" Sinilip niya pa ang mukha ko

"Yes" bigla ko siyang nilingon kaya sobrang lapit ng mukha namin. Agad namula ang pisingi ko kaya binilisan ko ang lakad.

Umupo ako sa cottage at narinig ang sipol ni Blabs at Sergio. This is so awkward.

"Sakto lang ang dating niyo at luto na ang pagkain" thank God Nanay Tess together with Mang Juds arrived with the food with them.

Nilapag nila ang pagkain sa lamesang nasa gitna naming lahat at nakita kong napakadami non.

Nagdasal muna si Nanay Tess bago kami inayang kumain kaya napangiti ako. Ever since nagkaisip ako ngayon pa lang ako naka encounter ng mga taong nagdadasal at nagpapasalamat kay Lord bago kumain.

Mula nang magka-isip ako, my parents never told me about believing in God. This just feel so different yet satisfying.

Akmang tatayo na ako para kumuha ng pagkain nang tumayo sa harap ko si Charlie hawak ang isang plato na may lamang pagkain.

"Oh" aniya saka umupo sa tabi ko at inumpisahang lantakan ang pagkain niya ng naka kamay.

"Thank you" gulat na sabi ko

"I don't eat with my bare hands" reklamo ko

"Wala akong pakielam, hindi ko tinanong" baling niya sakin saka umirap.

Kaya umirap din ako sa hangin. Tumayo ako at iniwan ang plato sa upuan ko saka pumunta sa lamesa para humanap ng kutsara.

Si Charlie kasi ikukuha na lang ako ng pagkain di pa kumpleto. Wait that sounds rude. Scratch that.

Wala akong nahanap na kutsara sa lamesa kaya napakunot ang noo ko.

"Ano ang hinahanap mo hija" nakangiting tanong ni Nanay Tess

"May kutsara po ba kayo" magalang na sagot ko

"Alvi mas masarap yan kapag naka kamay kaya hindi na kami kumuha" si Blabs ang sumagot.

Napaamang ako dahil sa pagkapahiya.

"Nako kung hindi ka sanay ay sige ikukuha kita pasensya ka na" natatarantang ani ni Nanay Tess.

Akmang tatayo na siya nang magsalita si Ana na kanina pa tahimik.

"Hayaan mo na siya Nay. Nakasanayan na natin kumain nang ganito kung hindi siya sanay ay maaari na siyang umalis at bumalik sa pinanggalingan niya. Hindi mo siya kailangan pagsilbihan" masungit na singhal nito habang nakatingin sa akin.

I was shocked by what she said, I didn't expect that kaya hindi ako nakapagsalita. Nahihiya ako sa tingin ng ibang taong naririto ngayon.

"Kung mainit ang ulo mo ay huwag mo iyon ibaling kay Alvi. Maaaring hindi niya alam na ganun tayo dito kaya manahimik ka" nakakunot ang noo na sagot sakanya ni Marissa.

"Huwag kayong mag away sa harap ng pagkain" saway ni Mang Juds kaya nakapagpatahimik sa dalawa.

"Ako na ang kukuha" presinta ni Charlie mula sa likod ko na ikinanuot ng noo ni Ana.

Where Do Broken Hearts Go?Where stories live. Discover now