Maya maya ay dumating sila Blabs, Sergio at Marissa at dumiretso sa dagat para magsaya.
Napangiti ako nang mapait habang iniisip kung gaano kasaya ang buhay nila.
"Anong iniisip mo?" Tanong ni Charlie na agad kong inilingan bilang pagtanggi sa pagsagot sa tanong niya.
"Don't wish to be in someone's place just because you think that they are happy more than you, you don't know what they are going through." He said seriously so I look at him "pupunta ako sakanila, sunod ka masaya don" ngumiti siya bago tumayo.
Did he just read my mind? I just shrugged and look at them playing.
Parang si Marissa ang bunso nilang tatlo at handang magmukhang tanga para rito.
Tawa nang tawa si Marissa habang lumalayo papunta sa malalim na parte ng dagat.
"Marissa huwag kang lumayo" saway ni Charlie na ikinanguso ni Marissa ngunit agad din namang sumunod.
Lumalangoy lang sila kung saan naabot ng mga paa nila ang buhangin sa baba.
Lumingin ako sa likod para tignan si Ana at nakita ko naman siyang nilalaro si Gigi.
"Alvi tara dito" sigaw ni Sergio kaya umiling agad ako.
Lumapit si Marissa sakin para hilain ako.
"Tara na kaseeeee" pilit niya pa
"Hindi angkop ang damit ko para maligo sa dagat" sagot ko habang tinitignan ang suot ko
"Ano ka ba eh hindi naman to resort! Okay lang yan" hinili niya pa ako sa mas malakas na pwersa kaya nagpatianod na lang ako
"Ayon!" Hiyaw ni Blabs habang binabasa ako.
Binatawan ako ni Marissa nang makalapit kami sa dagat atsaka tumakbo papunta kila Blabs. Si Charlie naman ay hinawakan ang braso ko at inalalayan papunta sa mga kaibigan niya na akala mong isa akong mamahaling bagay na hindi pwedeng mabasag dahil baka sa konting galaw ay biglang mabasag.
"Salamat" sabi ko na tinanguan niya lang.
Nagbasaan lang sila ng nagbasaan at minsan naman ay binabasa nila ako. Hindi nila hinahayaan na mag-isa lang ako habang tinitignan sila. They make sure that I am enjoying every second I am with them.
"Ahon na tayo" bulong ko kay Charlie.
He just looked at me with a smile and nod. He called everyone to get out of the water because it's already getting dark.
We walked back to the hut and saw Mang Juds and Nanay Tess talking while Ana and Gigi are playing.
"Nay Tess, Mang Juds una na po kami ni Alvi" paalam ni Charlie
"Sige, mag iingat kayo sa daan niyo pauwi" paalala ni Mang Juds
"Opo, malapit lang naman po" sagot ni Charlie
"Aba kahit pa" singit ni Nanay Tess na tinanguan na lang ni Charlie saka bumaling sakin.
"We'll go na po, thank you" paalam ko
"Salamat din hija sa pagpunta dito, sana ay hindi ito ang huli at sumama ka pa kay Charlie madalas" nakangiting sambit ni Nanay Tess.
"Bakit pa?" Bulong ni Ana na narinig namin lahat kaya sinaway siya ni Blabs
"Sige po una na kami" bumuntong hininga muna si Charlie bago ako hinila papunta sa daan namin pauwi.
Habang naglalakad kami ay nararamdaman ko ang lamig ng hangin dahil malapit nang magdilim, niyakap ko ang sarili ko kaya napatingin sakin si Charlie.
YOU ARE READING
Where Do Broken Hearts Go?
RomanceA girl got her heart broken and her life ruined. She needs to find a way to escape and now that she finally had a chance to break-free, she finds herself in someone's arm to comfort her and bring her broken pieces into whole again, slowly falling in...