<4

266 16 0
                                    


Sakto alas singko ng hapon nakarating ako sa bahay wala nga dito sila mama,nag handa na lang ako ng hapunan ko para mamaya,abala ako sa pag luluto ng biglang nag ring cp ko,iniwan ko ang niluluto ko at sinagot ang tawag.

Unknown number is calling......

Hindi ko alam kong sasagutin ko ito kasi hindi siya naka register sa cp ko,medyo kinabahan ako kasi lalo na mag isa lang ako dito sa bahay,pero kahit ganon sinagot ko parin...

"Hello?"

[Hmm..hi ikaw ba si Kyla Mercado?]

"Yes,why?"

[Kasi nahulog mo ata tong I.D mo nakita ko sa may waiting shed]

Pakshet,yong i.d ko?nahulog tinignan ko agad sa bag ko kong nahulog nga ang id ko,oo nga wala dito sa loob ng bag nako po kyla sa daming pweding mahulog id mo pa.

[Hey,are you there?]

"Ah,yes sorry saan ka pwede makuha yong I.D ko?" Tanong ko sa caller,kasi hindi talaga ako makakapasok bukas sa school pag walang i.d

[Hmm,tomorrow morning in the 6 am sa may gate nalang.]

"Ay sige wait kita doon,thank you!" sagot ko sa kanya.

[No problem.] Sagot niya at agad pinatay ang tawag.

Binaba ko na ang cp ko at pumasok sa kusina.

"Ay shet,bat na ubusan ng sabaw" sabi ko sa sarili ko nakalimutan ko nag luluto pala ako ng adobong manok.

Pag katapos ito maluto kumain nako at nag pahinga na kasi maaga pa ako bukas para makuha ko ang id ko kasi hindi talaga ako makakapasok sa school..

Nagising ako sa ingay ng alarm clock,senet ko kasi ito ng 3 am para maaga ako makagawa ng routine ko,yon na nga ang ginawa ko pag kabangon pumasok nako sa cr at naligo,pagkatapos ko lumabas nako,nag luto nalang ako ng hotdog at itlog,pag katapos ay kumain nako at lumabas na ng bahay,sinigurado kong nakalock ang lahat ng pinto baka manakawan pa kami lagot ako kay mama.

Nag lalakad ako ng paradan at tinignan ko kong anong oras na sa relo ko alas 5 na pala sakto pagkadating ko don ay 6 am na..Mabilis lang ang byahe kasi walang traffic kaya nakarating agad ako..

Dumaritso ako agad sa may gate kasi 6 am na baka andon na yong nakapulot ng I.D ko,habang naglalakad ako may lalaki ng nakatayo sa may gilid ng  gate,baka siya na yon.

"Hey,im kyla Mercado ikaw ba yong tumawag sakin kagabi?"tinanong ko siya agad para makuha ko na ang i.d ko agad.

"Ah,yes you're kyla?Here your I.d"inabot niya sakin yong i.d ko at tinignan ko ,ito na nga.

"Thank you,gusto ko bumawi treat kita ano ba gusto mo?"tanong ko agad para makabawi ako.

"No need,your present its enough."sabi niya sakin habang paalis na.

"Ah wait,What's your name nalang?"habol ko sa kanya.

"Leo."

Sagot niya sabay alis,pinagmasdan ko lang siyang papaalis hanggang mawala na siya sa paningin ko,ah leo.

"Hoy girl!tulala lang ang peg?" Sigaw sakin ni Nana

"Ay sorry,gutom lang ata ako" sagot ko

"Kanina kapa sa room,hindi ka nga late or absent tulala ka naman buong oras sa klase,may nangyari ba?"curious na tanong sakin ni nana

"Wala naman,tara sa cafe baka andon na silang lahat"pagaaya ko sa kanya...

"Ah sige"nalilito niyang sagot..

Nag lakad na nga kami papuntang cafe wala paring bago ang ingay parin dami paring PdA nakoo.

"Yon andito na kayo!"sigaw ni karen

"Oh,bakit may ganap ba?"tanong ko

"Hindi niyo alam?"nagtatakang tanong ni trisha

"obvious ba trisha marie?"pag tataray ni nana

"Kasi mga girls,may nawawalang student sa Archi Department 3 girls ata dalawang araw nawawala kaya baka narape na or namatay na kasi hindi parin mahanap,omg nakakatakot need ko na ng bodyguards i tell it agad kay mommy"maarteng sabi ni karen.

"OA mo,baka may pinuntuhan lang sila diba nga tatlo sila or baka nakipagtanan ganon uso ngayon kaya wag  kang OA."sagot naman ni nana kay karen.

"May point si nana,oo uso yon ngayon ako nga eh balak ko rin makipagtanan haha" pag bibiro pa ni mark.

"Whatever,basta ako mag reready lang ako ayoko pa mamatay no hindi ko pa nakikilala baby ko"maarteng sabi ni karen.

"Hindi ka agad mamatay,remember masamang damo matagal mamatay?"sabi naman ni trisha.

"Hahaha,takte Lt ka talaga lagi trish."natatawang sabi ni mark.

"Iwan ko sainyo diyan na nga kayo tse!"padabog na umalis si karen.

"Asar talo lagi si karen haha."natatawang sabi ni nana

"Oh?bat tahimik kayong dalawa Ky,Drew?"napansin na naman kami ni trisha.

"See?"pinakita ni andrew yong cellphone niyang nag lalaro ng Mobile legend.

"Sorry naman,ikaw kyla?" sakin naman bumaling si trisha.

"Gutom lang ako,wait order lang"sabay tayo ko para bumili ng pag kain.


__________________

Enjoy reading.......

Bloody Stain~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon