<14

197 13 0
                                    


"Pano?"tanong ni Karen.

"Hindi ko alam,atsaka alam ko hindi magagawa yan ni Andrew hindi pwede,"sabi ko.

"Nagugulahan ka kasi may gusto ka kay Andrew,tama ba?"nagulat ako sa biglang pag tanong ni Nana.

"O-oo,pero pag siya talaga at napatunayan natin wala nako magagawa."nasabi ko nalang.

"At sana hindi nga siy-"hindi natapos ni trisha ang sasabihin niya,dahil biglang nag tatakbuhan na ang mga studyante sa campus.

"What's happening guys?"natatakot na,natanong ni Karen.

"Hindi rin namin alam,"sabi ni Trisha at sabay hatak niya sa isang freshmen natumatakbo.

"Anong nangyayari?bat kayo nagtatakbuhan?"tanong ni trisha.

"K-kasi p-po ate,ang sabi ni dean mag si uwi na daw kasi nasa palagid lang daw ang suspek atsaka may mga pulis na"sagot ng freshmen at sabay takb0 na.


"Nandito lang ang suspek?"tanong ni nana.

"Si Andrew tawagan mo,"biglang sabi ni Karen.

"Bakit?"tanong ko

"Ako na tatawag,"sabi ni nana.

"Si Mark nasan?"tanong ni Karen.

"Nasa cr si mark,ah wait nag text siya"sabi ni trisha at sabay tingin sa cellphone niya.

"Ang sabi niya dito,hindi na daw siya nakabalik sa cafeteria kasi hindi na siya pinapasok ng pulis."pag babasa ni trisha sa text ni mark.

"Ano Nana?nacontact mo na si Andrew?"tanong ni Karen.

"Cannot be reach parin eh,hindi ko siya macontact"sagot ni Nana.

"Tara sa library,baka andon parin ang mga pulis"sabi ko at nag si takbuhan na kami sa library.

___________________________________

Third person's pov.

Nasisitagbuhan na ang mga studyante sa campus nila,atsaka sila Kyla at ng mga kaibigan niya ay patungo sa library kong na saan nag iimbestiga ang mga pulis sa nangyaring krimen.

"Excuse me po,"pakikiraan ni Kyla.

"Omg!patay"sabi ni Trisha at sabay takip sa mata niya.

"Mga bata,umuwi na kayo at delikado baka nasa paligid lang ang suspek"sabi ng isang pulis.

"Chief Cruz! may witness tayo"sabi ng isang pulis kay chief Cruz.

"W-witness,Kyla may witness daw halika puntahan natin."sabi ni Karen atsaka sumunod sila kay Chief Cruz.

Sumunod ang magkakaibigan kay Chief Cruz papunta sa Dean's office dahil doon dinala ang witness,ayaw pa sanang papasukin sila Kyla, pero dahil Tito ni Karen ang Dean nakapasok sila.

"Ikaw ba ang witness?"tanong ni chief cruz,sa lalaking nakaupo sa may upuan.

"O-opo a-ako n-nga p-po"sabi ng lalaki.

"Wag kang matakot,Ano pangalan mo?at sabihin mo sakin kong ano ang mga nakita mo,nakilala mo ba ang suspek?"Tanong ni Chief Cruz.

"Ako si Carlos,Hindi ko po masyadong naaninag ang suspek dahil nag tago ako sa may loob ng ilalim na lamesa ng librarian,b-basta po lalaki siya kasi po iilan lang kami sa loob ng library yong limang namatay po sila po yong mga kasama ko sa loob,"pagpapaliwanag ni Carlos.

"Mga studyante lang ang namatay,nasan ang librarian?"nagtatakang tanong ni Chief Cruz.

"W-wala po siya sa loob,nong pumasok po yong lalaking naka itim biglang nalang po kami may naamoy nakakaiba,hindi ako nakita agad ng suspek dahil nasa bandang dulo ako nang nakita kong inikot niya ang ulo ng lalaking nagbabasa agad akong nag tago sa ilalim at nag bukas ako ng kunti,para makita siya,i-isa-i-isa niyang inikot ang ulo ng mga nag babasa sa library,n-natakot nong nakatingin siya sa may banda sakin,akala ko mamatay nako,pero bigla nalang siya sinaksak ng isang lalaki naka uniform yong sumasaksak sa suspek nag laban sila ng hindi kinaya ng nakauniform bigla siyang lumabas,k-kaya h-hindi l-lang ako nag witness dalawa k-kami,"sabi ni carlos na halos pawis na pawis na.

"Nasaksak ang suspek?saan banda siya sinaksak ng naka uniform?"tanong ni chief Cruz.

"S-sa k-kaliwang b-balikat,oo doon siya nasaksak"sabi ni carlos.

"Hindi nag sisinungaling ka!"malakas na sigaw ni Kyla kay Carlos,dahil ayaw niyang paniwalaan ang mga sinasabi nito.


"Ilabas niyo siya,"utos ni Chief Cruz.

"Sige chief,"sabi ng isang pulis,at nilabas na sila kyla.


"Isang tanong nalang Carlos,Ano ang natatandaan mo sa Suspek?"tanong ni chief cruz,kay carlos.


"Naka itim siya,naka mask matangkad sigurado ako lalaki ang suspek,nakadoble ang pangbaba niyang suot,at nakita ko ang pants uniform na parehas ng suot ko."sabi ni carlos.

"Studyante lang ang suspek,sige carlos salamat"pagsang ayon ni chief cruz.


"H-hanapin n-niyo yong isang witness,kailangan niya ng proteksiyon."sabi ni carlos.


"Wag kang mag alala hahanapin namin siya,at kukunan ng mga detalye dahil mukhang marami siyang alam dahil pinag tangkaan niya ang buhay ng suspek,kaya kilala niya ito."pag papaliwanag ni Chief Cruz,kay Carlos.


"Salamat po,mauna nako sainyo"pag papaalam ni Carlos.

"Ihahatid kana nang mga pulis sainyo,dahil baka ngayon alam na nang suspek na witness ka"sabi ni Chief Cruz.


"Sige po Chief Cruz,"sagot ni carlos.






________________________

          :)

Bloody Stain~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon