<6

238 12 1
                                    


"Salamat,"binaba ako ni Andrew sa harap ng bahay namin,

"Sige,I'll go a head."pag papaalam niya sakin,tango lang ang sinukli ko sa kanya,pinagmasdan ko ang sasakyan niyang papalayo sa bahay,nung nawala na ito sa paningin ko agad ako pumunta sa paradahan ng dyep para bumalik sa school,alas tres palang ng hapon kaya maaga pa wala naman akong gagawin dito sa bahay,may gusto lang akong puntahan.

Sakto hindi naman traffic nakarating naman ako ng maayos sa school,hindi ako pumasok sa loob pumunta lang ako sa may likod sa bakanteng luteng sinasabi nila trisha,hindi naman masyadong marumi dito,bakit kaya naisipan ng suspect dito iwan ang bangkay ng mga students na yon,Nilingon lingon ko lang ang sarili ko sa palagid walang tao,medyo masangsang ang amoy siguro dahil sa bangkay kanina tapos na siguro ang mga pulis dito kaya wala na dito ang bangkay.

Naglalakad lang ako ng may matapakan akong bagay,medyo maingay ito kaya tumingin muna ako sa palagid bago kunin yong natapakan ko baka kasi may nakarinig,nang wala namang tao tinignan ko kong ano natapakan ko.

"Cellphone?"tanong ko sa sarili ko,imposible namang hindi ito nakita ng mga pulis kanina habang nag iimbestiga sila.Tinignan ko yong cellphone ayos naman siya pero hindi ko mabuksan lowbat siguro ito,abala ako sa pag lagay ng cellphone sa bag ko dahil sa bahay ko na lang ito titignan,kaso bigla akong nagulat ng may narinig akong kalabog.

"Sino yan?May tao po diyan?"tanong ko doon banda sa may dinaanan ko kanina kasi doon ko narinig ang kalabog,wala namang sumasagot kaya nagpasya akong puntahan ito,naririnig ko parin ang tunog kaya palapit na ako ng palapit ng biglang.

"Meow,meow."

"Dyos ko,pusa lang pala."kinabahan ako doon ah,
nagpasya nalang akong lumabas ng bakanteng lute dahil baka may makakita pa sakin dito lagot ako kay dean,dahil pinauwi na lahat ng students sa school kasi delikado daw.Naglalakad nako palabas ng may nakasalubong ako.

"Ano ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya.

"Ako dapat ang mag tanong sayo yan eh."sabi niya sakin habang nakatingin.

"Pa-pauwi nako,dumaan lang ako dito"pag sisinungaling ko sa kanya kasi ang totoo nakauwi na naman ako bumalik ako dito dahil curious ako.

"Ok."sagot niya at tatalikuran na sana ako.

"Wait,leo!"tawag ko sa kanya dahil ang bilis niyang mag lakad.

"Oh akala ko uuwi kana?"tanong niya sakin habang naglalakad parin ng nakatalikod,ano yong nasa likod niya matsa ba yon parang ay ewan.

"Oo,ikaw pauwi na rin ba sabay nako"sabi ko sa kanya pilit kong sinasabayan ang bawat lakad niyang mabibilis.

"Bahala ka,parking lot ako andon kotse ko."maikli niyang sagot.

"Sa may waitingshed nalang ako,akala ko doon karin kasi diba nakita mo don I.D ko."nagtataka kong tanong sa kanya.

"Walang ako kotseng dala non."maikli niya paring sagot.

"Ah ganon ba"hindi na niya ako sinagot,dahil paliko na siya sa parking lot hindi ko na siya hinabol pa tinignan ko nalang ang paglalakad niya sa likod,bat ang dumi ng short niya natatawa tuloy ako.Hindi ko na yon pinansin naglakad nalang ako papuntang paradahan,napadoble tuloy ang gastos ko wala na sana akong gastos kasi hinatid nako si Andrew kaso matigas talaga ulo ko.

Habang nag aabang ako ng sasakyan napalingon ako sa may gate ng school.

"Si andrew yon ah,bat siya bumalik sa school?"tanong ko sa sarili ko.

Hindi kona lang din pinansin kasi nakapasok na naman siya hindi niya siguro ako napansin.Abala nako sa pagaantay ng sasakyan bat kasi ang tagal nakakainis na.Habang tumitingin ako sa palagid nahagip ng mata ko si andrew na lumabas ng school.

"Bat naka black na siyang damit?"nagtataka kong sabi sa sarili ko,kasi naka puti siyang t-shirt na pumasok  kanina.Hindi ko na lang ito pinansin,sakto namang may dumaan ng bus kaya sumakay nako agad baka kasi magabihan pako dito sa daan.

Pag kaupo ko sa may upuan agad kong nilabas ang cellphone ko,kasi baka may nag text baka sila ate or sila nana pero wala naman kaya naiisipan kong itext sila ate.

To:ate kaye<3

Ate,musta kayo diyan kamusta na lagay ni lola?

Sinend ko agad ito,agad namang nag reply si ate.

From: ate kaye<3

Oki lng,ikaw musta? sabi ni mama sunod na biyernes kami uuwi kaya masyadong matatagalan.

To: ate kaye<3

Oki lang ako ate,paki sabi kay mama oki lang.

From: ate kaye<3

Sige,ingat ka diyan.

To:ate kaye<3

Ingat rin kayo.

Hindi na nag reply si ate kaya nag pasya akong ilagay na ang cp ko sa bag at nahagip ng mata ko ang isang cellphone.

"Muntik kona to makalimutan,"sabi ko sa sarili ko,nakausap ko lang si leo nakalimutan ko na agad kong anong nangyari sakin that time.

Mabilis lang din ang biyahe nakarating naman ako ng maayos,pumasok nako sa bahay at nilagay ko sa may sofa ang mga gamit ko chinarge ko ang cellphone na napulot ko,at nag luto nako para sa hapunan.

Habang nag luluto ako nag pasya akong buksan ang cellphone.Na open na naman siya kasi nalagyan na nag battery niya ang ganda naman ng cellphone nato mukhang mamahalin,kaso hindi ako nag tagumpay na buksan ito sa harap dahil may password.

"Nako po,hindi naman ako mang huhula"sabi ko nalang sa sarili at nag pasyang ilapag nalang ang cellphone,dahil hindi ko rin naman ito magagamit.



____________________

Enjoy reading........

Bloody Stain~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon