CHAPTER V: Deadly Night

103 48 5
                                    

Pagbabalik-tanaw sa nakaraanNa siyang naging dahilan ng inyong kamatayan Ngunit ito nga ba ang dahilan O isang nagbabalat kayo na kaibigan ang may pakana ng patayan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Pagbabalik-tanaw sa nakaraan
Na siyang naging dahilan ng inyong kamatayan
Ngunit ito nga ba ang dahilan
O isang nagbabalat kayo na kaibigan ang may pakana ng patayan.

Hangang ngayon ay hindi mapakali si Kate habang nakahiga sa kanyang kama. Iniisip niya ang kalagayan ni Nathalie. Kahit ganon ang nagawa nito ay may pakialam pa rin siya.

Gusto niya itong kausapin nang sa gayon ay makapag-ayos sila ng masinsinan. Naintindihan niya naman ito dahil dinadamdam nito ang pagkamatay ng kaibigan nilang si Althea. Gusto lang siguro nitong mapag-isa pero para kasing may hindi tama sa ikinikilos ng kanyang kaibigan.

Kaya upang maibsan ang pag-aalala niya ay agad siyang bumangon mula sa kama. Hinagilap niya ang kanyang cellphone at nakita niya naman ito sa ilalim ng lampshade malapit sa isang picture. Sa kanyang pagkuha ng cellphone ay aksidente niyang natabig ang picture frame sa tabi nito.

Sa pagkalaglag niyon sa sahig ay siya namang pagkabasag ng litrato kasabay nang pagkalat ng ilang bubog sa sahig. Inilagay niya muna ang cellphone sa kama saka yumuko upang kunin ang picture na nalaglag.

Habang kinukuha ang picture frame ay nasugatan ang kanyang daliri dahilan upang tumulo ang butil ng dugo sa picture na iyon.

Tumulo ang dugo na mula sa kanyang daliri sa mismong mukha ni Nathalie na nasa picture kaya agad niya iyong pinunasan ngunit nagkamantsa iyon. Makikita sa litrato ang apat na lalaki pati ang tatlong dilag na may masasayang ngiti sa labi. Hindi niya mapigilang maging emosyonal sa sandaling iyon dahil sa mga ala-alang bumabalik ng kumpleto pa sila.

"Kamusta na kaya si Alexander sa ibang bansa?" ani Kate sa kanyang isipan. Ang kaibigan nilang ito ay nangibang bansa dahil may inaasikaso itong negosyo kasama ang mga magulang nito pero hangang ngayon ay wala pang  kahit anong balita ukol sa binata saka wala na silang komunikasyon dito.

Naalala pa niya ang sinabi ni Nathan na itapon na ang anumang gamit o litrato na may kinalaman sa kanilang nakaraan. Minsan pumapasok sa kanyang isipan ang tanong na kung nakokonsensiya ba talaga ang mga kaibigan niya sa nagawa nila dahil siya ay sising-sisi. Hangang ngayon ay inuusig siya ng kanyang konsensiya pati sa kanyang pagtulog ay dinadalaw siya ng bangungot.

"Pasensiya ka na Mathew kung wala man lang akong nagawa," iyon na nalang ang nasabi niya habang tinitingnan ang lalaking may maamong mukha. Kumunot ang kanyang noo dahil nang tingnan niya uli ang litrato kung nasaan si Mathew ay nag-iba ang itsura niyon. Ang maamo nitong mukha ay unti-unting nagbago. Naging pula ang mga mata nito na parang nagbabagang apoy kasabay ng pagtubo ng dalawang sungay sa ulo.

PREMONITION(ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon