CHAPTER VIII: Unfold the Truth

95 41 7
                                    

Sa pag-ungkat ng katotohananSarili mo ay kinabahanKamatayan ay gustong takasanAt pagkasira ng pagkakaibigan ang naging hantungan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Sa pag-ungkat ng katotohanan
Sarili mo ay kinabahan
Kamatayan ay gustong takasan
At pagkasira ng pagkakaibigan ang naging hantungan

Sa isang mumurahing apartment nangungupahan ang dalagitang si Daisy. Isang kwarto lang ang laki niyon saka merun talaga iyong sariling comfort room kahit papaano. Ayaw niya kasi ng tulad sa ibang paupahan na dalawang room ang gumagamit ng isang cr. Ayos lang para sa kanya ang ganun kalaking kwarto ang importante ay makaraos siya at makapagtapos ng pag-aaral.

Isang working student si Daisy kaya minamanage niya ang kanyang oras para naman hindi siya mahirapan. Sa umaga ay nag-aaral siya at pagsapit naman ng hapon hanggang gabi ay nagtatrabaho siya bilang service crew sa isang Jollibee. Hindi niya alintana ang pagod minsan lalo't na maraming proyekto at gawain sa kanilang paaralan pero hangga't kaya niya ay ipagpatuloy niya alang-alang sa pangtustos ng kanyang pag-aaral.

Nasa probinsya ang kanyang dalawang kapatid pati na ang magulang niya. Lumuwas siya dito sa Manila upang maging kasambahay ngunit dalawang taon lang ang kanyang itinagal dahil napagbintangan siya ng kanyang amo na nagnakaw kaya wala na siyang nagawa ng palayasin siya nito. Kahit ganun ay laking pasasalamat niya na hindi siya nito ipinakulong. Mabuti nalang talaga at merun siyang naipong pero sapat para makaupa siya ng apartment. Malaking tulong din paminsan-minsan ang pagpapadala ng kanyang Ate na nagtatrabaho sa ibang bansa bilang isang kasambahay ngunit madalang lang ito magpadala dahil pinapadalhan
nito ang mga magulang sa probinsya at naiintindihan niya iyon.

Noong una ay mahirap sa kanya ang nasa ganoong sitwasyon pero nang tumagal ay kinaya niya naman. Ang kaibigan niyang si Cheska ang nagsabi sa kanya na mag-aaply bilang isang service crew sa isang Jollibee. Natangap naman siya kaagad dahil nakatapos siya ng Senior High School saka nakita ng kanyang manager na masipag siyang magtrabaho kaya pinapayagan siya nitong ihati ang oras sa pagtatrabaho at pag-aaral. Minsan ito din ang tumutlong sa kanya kapag may babayarin sa kanilang paaralan .

Sa tagal ng kanyang pagtatrabaho sa Jollibee ay doon niya natagpuan ang lalaking nagpatibok ng kanyang puso at walang iba kundi si Anderson. Nakilala niya ito ng kumain ito doon kasama ang mga kaibigan. Nang dahil kay Anderson ay napasama siya sa grupo nito, minsan ay isinasama siya nito kapag nagbabakasyon o di kaya'y may mga lakad. Pero kahit papaano ay hindi niya pinabayaan ang kanyang trabaho lalong lalo na ang pag-aaral dahil ito talaga ang first priority niya. Nasa first year college pa siya habang si Anderson naman ay second year college pati ang mga kaibigan nito sapagkat hindi iyon hadlang para sa kanila.

Nahulog ang loob niya kay Anderson dahil sa pagiging masayahin at palabiro nito. Cute naman si Anderson at tama lang ang pangangatawan nito. Siya naman ay isang simpleng babae lang pero may kagandahang taglay morena beauty kumbaga.

PREMONITION(ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon