CHAPTER VI: Revealed the true colors

99 45 10
                                    

Kaibigan nga ba ang siyang kaagapayKapag humantong sa madilim na parte ang iyong buhayO siya ang tunay mong kaawayNag-aantay lamang na ilabas ang tunay na kulay

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kaibigan nga ba ang siyang kaagapay
Kapag humantong sa madilim na parte ang iyong buhay
O siya ang tunay mong kaaway
Nag-aantay lamang na ilabas ang tunay na kulay.

Napayakap nalang ng mahigpit ni Nathalie ang kanyang tuhod dahil sa takot. Bakit ba hindi niya maiwawaksi ang nakaraang matagal na nilang ibinaon sa hukay. Tila ba hinihila siya nito pabalik sa panahong iyon. Inilibot niya ang kanyang paningin na para bang inoobserbahan ang bawat sulok ng kwarto pero wala siyang nakitang kakaiba doon kahit ang nakakatakot na tinig na iyon ay hindi niya narinig.

Isang katok ang naging dahilan ng kanyang gulat kaya agad siyang napatayo sa kanyang kama. Mabilis niyang kinuha ang kutsilyo mula sa ilalim ng unan nito.

"Miss Nathalie andito na po yung pagkain mo," may kalakasang turan ng yaya nito sa labas ng kanyang kwarto. Nakahinga ng maluwag si Nathalie ng malamang ang Yaya Isabel niya pala ito. Mabilis niyang ibinalik ang kutsilyo sa ilalim ng unan saka umaktong parang normal lang.

Pinihit niya ang pinto upang pagbuksan ito. Bumungad sa kanya ang Yaya niya na nakangiti habang tangan nito ang tray na may mga pagkain. Kala mo ay umorder sa isang mamahaling restaurant dahil sa dami ng pagkaing nakalagay rito. Pumasok ang Yaya nito saka inilapag ang pagkain sa mesang nakapwesto sa kaliwang kama nito.

"Dapat ubusin mo yang pagkain Miss Nathalie para bumalik ang lakas ng katawan mo," malumanay na sambit ng Yaya nito bago lumisan sa kwarto ng kanyang alaga.

"Thank you po Yaya, just don't forget to close the door when you leave," pag-utos ni Nathalie sa Yaya nito. Nang maisara na ang pinto ay naisip niya ang kanyang cellphone na ibinato niya kanina. Hindi na muna niya gagalawin ang pagkain dahil hindi pa naman siya nagugutom, sadyang palusot lang niya iyon sa kanyang Yaya Isabel. Hinanap niya ito sa kung saan at sa wakas ay nakita niya ito sa paanan ng kanyang kama.

"Thank God hindi siya napuruhan," masayang sabi ni Nathalie sa sarili. Kunting gasgas lang sa screen ang tinamo nito.

Pinindot niya ang gilid nito at agad naman iyong tumunog senyales na gumagana pa ito. Nang tuluyan ng mabuksan ang kanyang cellphone ay agad na bumungad sa kanya ang ilang missed call mula sa kaibigan niyang si Kate.

Napatigil na naman siya sa pagkalikot sa kanyang cellphone ng marinig na naman niya ang sunod-sunod na katok mula sa kanyang pinto ng kanyang kwarto. Wala na siyang nagawa kundi itabi muna ang cellphone.

"Istorbo talaga itong si Yaya Isabel," may pangigil na sabi niya sa sarili. Tinungo niya ang pinto upang ikutin ang nakalock na doornob ng pinto pero hindi niya ito binuksan bagkus ay tumalikod siya at umupo sa kama.

PREMONITION(ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon