CHAPTER IX: EVILNESS

88 40 8
                                    

Sa iyong pag-amin Awa niya ang iyong dalangin Katotohanan ay lumabas sa bibig mo nang palihimDahilan para ikaw ay kanyang paslangin gamit ang patalim

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Sa iyong pag-amin
Awa niya ang iyong dalangin
Katotohanan ay lumabas sa bibig mo nang palihim
Dahilan para ikaw ay kanyang paslangin gamit ang patalim

Naantala ang paghakbang ni Nathalie patawid sa kabila nang makita niyang kumaripas nang takbo si Anderson palapit sa gate saka umakyat na parang butiki. Kumapit nang mahigpit si Nathalie sa barbwire na nandoon. Tumusok pa ang ilang tinik nito sa kanyang balat pero ininda lang nito ang sakit.

Lalong tumindi ang takot nito nang makita ang itak na nasa kanang kamay nito. Paakyat na ito palapit sa kanya kaya naguguluhan na siya kung tatalon ba siya o hindi. Hangang ngayon ay kumakapit pa rin siya sa barbwire na nandoon. Tumutulo na rin mula sa kanyang mga kamay ang pulang likido dahil sa ilang tinik na nakabaon doon.

Hindi siya makakapayag na makaakyat si Anderson palapit sa kanya kaya tinadyakan niya nang malakas ang mukha nito. Wala na siyang maisip na pwedeng pangdepensa kaya pinagtatadyakan niya nalang ito. Ang akala niya ay hihinto pero nagpatuloy ito saka huminto ng sandali sabay taas ng kanang kamay na may hawak na itak.

Napasigaw nang malakas si Nathalie ng tumarak sa kanyang paa ang itak na hawak ni Anderson. Kahit dumudugo ito ay pinwersa niyang tadyakan ng malakas ang braso nito at ang mukha ng lalaki. Tumulo rin sa mukha nito ang dugo na galing sa sugat ng kanyang paa. Doon na rin tuluyang nabitawan nito ang itak kaya nalaglag iyon sa lupa.

Iaangat na sana ni Nathalie ang paa nang biglang mawalan ng balanse si Anderson dahil sa pagtulo ng dugo mula sa kanyang sugat patungo sa mata nito. Nahila nito ang kanyang paa. Wala na siyang nagawa ng mahila siya nito paibaba dahil sa bigat. Napunit ang balat sa kanyang kamay na nakakapit sa barbwire kasabay ng pag-agos ng dugo mula sa nahiklas na laman pagkatapos ay doon na siya tuluyang nalaglag kasama si Anderson.

Nasapo niya ang kanyang ulo dahil sa pagkabagok nito sa sementadong bahagi. Naramdaman niya ang unti-unting pagdaloy ng mainit na likido sa mukha niya. Napangiwi rin siya sa hapdi na nanggaling sa napunit na balat sa kanyang kamay.

Nakita niya si Anderson na wala pang malay. Ginawa niya iyong pagkakataong iyon para gumapang papunta sa storage room upang doon magtago kahit patuloy pa rin sa pagkirot ang kanyang mga sugat. Hindi pa siya nakalayo ay naramdaman niyang may bumangon mula sa kung saan siya nanggaling. Narinig niya rin ang pagkiskis ng isang bakal sa semento at alam niyang itak iyon kaya binilisan niya ang paggapang. Bago pa siya nakaabot sa storage room ay may dumagan na sa kanyang likuran sabay tutok ng talim sa kanyang leeg.

"Pinahirapan mo lang ako pati ang sarili mo. Sagutin mo ang tanong ko kung ayaw mong madaliin ko ang paggilit sa leeg mo!" pagbabanta ni Anderson sa umiiyak na Nathalie.

"K-Kate Help Me-" hindi na nito napatapos ang pagsaklolo ng hiwaan siya ni Anderson sa leeg pero hindi iyon nilaliman.

"Ayaw mong magsalita!! Gusto mo ba patayin ko rin magulang mo pagkatapos kitang pugutan ng ulo, kayang-kaya ko iyon Nathalie kaya sabihin mo na ang totoong nangyari kay Daisy!!" parang halimaw kung magsabi si Anderson ng mga salitang iyon dahilan para magsitayuan ang balahibo ni Nathalie. Wala na rin siyang magagawa kundi buksan ang katotohanang matagal na niyang itinago sa loob ng baul. Sa pagbukas ng kanyang bibig ay doon nanumbalik ang isang bangungot na labis niyang pinagsisihan.

PREMONITION(ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon