CHAPTER XV: Are you sure, you're that Innocent?

100 39 6
                                    

Isang babalaIsang inosenteng mukha Anghel kung magsalitaTunay nga bang hindi nagkasala?

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Isang babala
Isang inosenteng mukha
Anghel kung magsalita
Tunay nga bang hindi nagkasala?

Nagising ako mula sa bangungot ng nakaraan at ito ako ngayon parang wala sa sariling namulat sa kasalukuyan. Nilibot ko ang aking paningin nang sa gayun ay masanay ang mata ko sa ilaw na nasa kwartong ito. Hangang ngayon ay ramdam ko pa rin ang sakit ng aking katawan. Alam kung nasa ospital ako ngayun dahil sa ayos ng paligid.

Awang awa ako sa sarili dahil na rin sa ilang sugat na parang iginuhit sa ilang bahagi ng aking katawan. Alam kung hindi magtatagal ay maglalaho ang mga sugat na ito na para bang walang nangyari pero ang sakit na naipinta sa aking puso pati na ang mga ala-alang naitanim na sa aking isipan ay hindi ko na mabubura pa bagkus nakakabit na ito sa kapitulo ng aking buhay dito sa mundo at wala na akong magagawa kundi tanggapin ng hindi ko na ito mababago.

Hindi ko napigilan ang sarili kung maiyak nang bumalik sa aking isipan ang mga masasayang araw na kasama ko ang aking mga kaibigan. Hindi ko maiwasan na masagi sa isip ko ang nangyari sa kanila, hindi ko man lang nailigtas ang buhay ng kahit isa man lang sa kanila. Napakasakit na hindi ko man lang ipinaglaban si Nathan sa mga demonyong iyon ngunit iyon ang nararapat dahil ayokong masayang ang pagsasakripisyo ng taong nagmahal sa aking ng tunay.

Hangang ngayon ay patuloy pa rin sa pagdaloy ang aking luha kaya niyakap ko ang aking mga tuhod. Wala na ang mga kaibigan ko na siyang yayakap sa akin sa tuwing nasa kalagitnaan ako ng kalungkutan, wala ng magtatapik sa akin, magtataray, tutukso at lalong- lalo na ang patatawanin ako sa tuwing pasan ko ang mundo. Lahat sila ay nawala nang hindi man lang nagpaalam sa akin o di-kayay yakapin ako nang mahigpit bago nila lisanin ang mundong ito pero masakit ang katotohanan na hindi natin hawak kung kailan tayo iiwan ng taong may koneksyon sa ating puso. Ang sakit isipan na ako ngayon ay nag iisa, hindi ko na alam kung paano ko pa ipipinta ang aking bagong simula gayong wala na sila.

Naputol ang aking pagbabaliktanaw ng bumukas ang pinto saka pumasok ang isang nurse kaya pinahid ko ang mga luhang lumandas sa aking pisngi gamit ang kamay .

"Kate right? Ako nga pala si nurse Elisa at ako yung incharge sayo kaya wala kang dapat ipag-alala," pagpapakilala nito sa akin kaya kahit may kirot ang loob ko ay ngumiti pa rin ako ng bahagya.

"Mga halos walong oras ka ring nakatulog, kanina pa sana kita gigisingin kaso baka magambala ko yung pagpapahinga kaya hinintay ko nalang magising ka," ani nurse Elisa. Binigyan niya ako ng pagkain saka inuming gamot para daw makabawi ako ng lakas.

"Nga pala wala kang dapat ipag-alala sa gastusin pumunta yung papa mo dito kanina at sobrang nag-aalala sa sitwasyon babalik lang daw siya paggumaling ka na," sabi nito sa akin.

Sa pagkakaalam ko ay doon na sa ibang bansa ang duty nito, baka nacancel siguro kaya kumain nalang ako upang makainom na ako nang gamot.

Ilang sandali pa ay may dumating na dalawang lalaki kaya nagpaalam muna si nurse Elisa na lumbas.

PREMONITION(ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon