CHAPTER XIII: Show No Mercy

103 41 13
                                    

Kasinungalingan ay kita sa mataAwa ay kanyang binura Poot at galit ang pumasaKanyang sarili ay nawalan ng pag-asa

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kasinungalingan ay kita sa mata
Awa ay kanyang binura
Poot at galit ang pumasa
Kanyang sarili ay nawalan ng pag-asa.

Parang lantang gulay na ako pero pinilit ko pa ring pinapatatag ang aking kalooban nang sa gayon ay hindi ako mahimatay sa oras na ito. Kung isang scene lang sana ito sa pelikula at ako yung direktor sana pwede kung maiba kung ano ang kahihinatnan namin, saka kung panaginip man ito gusto ko nang gumising pero hindi ...hinding-hindi dahil masakit tanggapin na nasa realidad ako nakikibaka para sa buhay ko, na ano mang oras ay makikita ko na ang kamatayan ko.

Naudlot ang aking pagmumuni-muni ng marinig ko ang yabag pati na rin ang pagsayad ng isang karit malapit sa kinatatayuan ko kaya halos pinipigilan kung huminga at pilit na pinapakalma ang aking sarili, kahit tatalon na ang puso ko sa takot.

Sumilip ako nang bahagya pero wala na ito doon. Kaya minabuti kung tingnan pa nang maigi ito nang may....kung anong init ng hangin ang nararamdaman ko sa aking batok gayung malamig naman ang simoy ng hangin sa paligid. Doon na ako pinagpawisan na parang hindi na ako makahinga sa sobrang takot.

"Ahhh! Pakawalan mo ako!" pagsisigaw ko nang hilahin ako nito sa likod ng marahas papunta sa daan. Nagsugat-sugat pa ang aking tuhod dahil sa talim ng ilang bato. Walang sabi-sabi na tinadyakan niya ako sa sikmura kaya napaigik ako ngunit hindi pa doon nagtatapos ang lahat dahil sinuntok niya ako sa mukha dahilan para tumulo ang pulang likido sa ilong ko.

Pinilit kung gumapang upang kunin ang isang kalakihang bato nang tapakan niya ng todo ang aking kanang kamay at mariin akong sinakal. Nang dahil sa malapitan ang mukha niya sa akin ay agad na tumambad ang katauhan nito at sigurado akong kilalang-kilala ko siya.

Ginamit ko ang buong pwersa ko at malakas na sinipa sa pangalawang beses sa maselang bahagi saka ko tinusok ang kaliwang mata nito gamit ang aking hinlalaki. Piniga ko iyon hangang sa lumabas ang dugo mula rito. Umatras siya palayo sa akin habang sapo ang mga mata nito.Tumayo ako na parang walang nangyari at agad kung kinuha ang karit bago pa niya ako maunahan.

"Bakit nagawa mo ang bagay na 'to sa mga kaibigan mo? Sumagot ka? " poot na sigaw ko habang nangingilid ang aking luha.

-----⊙⊙⊙-----

Sa loob ng isang fast food chain ay napagkasunduang mag-usap ng magbabarkada ang tungkol sa gagawing camping dahil parang nakasanayan na nila itong gawin kapag summer break o di kaya christmas break.

"Guys so what's the plan na," maarteng sambit ni Nathalie sa kaharap na kaibigan habang busy sa paglalagay ng lipstik.

"Oyyy Nathalie wag mo nga kaming paEnglish-english ha..ehh bagsak ka naman sa subject na iyan noong grade 8 tayo," sabat ni Anderson na may halong panunukso.

"OM MY GOD!!! Past is past, so no need to discuss na kaya hangang ngayon walang ka paring jowa kasi hindi ka maka move on sa past mo ayan tuloy hindi mo na nahanap si future mo!" pikon na sagot ni Nathalie habang humagikhik sa tawa kaya tumawa nalang ang mga kaharap na kaibigan.

"Tama na nga yan mag-start na tayong magplano, may event pa akong pupuntahan mamaya," pagputol ni Althea sa tawanan.

"Oo nga pala nandito tayo upang pagplanuhan ang ating camping ngunit hinihintay pa natin si Alexander maya maya andito na yun" ani Nathan.

Maya't maya pa pa ay bumungad sa kanila ang isang katangkarang lalaki na nakasuot ng blue na polo at black jeans.

"Ohh andito na si Alexander!" sabi naman ni Athea .

"Halika ka Alexander dito ka umupo," sambit ni Mathew habang inaayos ang upuan sa tabi nito.

"Ahh guys hindi na rin ako magtatagal, pero may importante akong sasabihin sa inyo, ikinalulungkot kung banggitin sa inyo ito na hindi ako makakasama sa camping niyo kase may emergency lang sa States kailangan kung pumunta ngayon din. Sana maintindihan niyo, sige na aalis na ako baka mahuli pa ako sa flight ko," malumanay na turan ni Alexander saka umalis ng fastfood chain.

"Sayang naman kung ganon, hindi na tayo kumpleto," dismayodong sambit ni Kate habang sinusundan ng tingen ang paalis na kotse ni Alexander

-----⊙⊙⊙-----

"Kate maawa ka wag mo kung patayin" ani Alexander habang nakaupo sa lupa.

"'Wag mo akong paikutin Alexander dahil alam na alam ko ang tunay mong pagkatao, isa kang tuso...Paano kung hindi ako nakalaban! Alam kung papatayin mo rin naman ako ng walang pagdadalawang isip!" puno ng himagsik na turan ni Kate .

"Magpapaliwanag ako Kate!!" pangungumbinsi ni Alexander.

"Paliwanag? may ganon pa pala, kasi sa oras na ito parang malabo nang makita ang salitang 'yan dahil sa lahat ng nangyari. Hindi mo na maibabalik pa ang buhay na nawala na. Ikaw ang nag-udyok sa akin para hukayin ang dahilan kung bakit kami nasasadlak sa kinalalagyan namin ngayon. Hindi ako titigil hangga't wala wala akong mapaplang kasagutan!" wala sa sariling sigaw ni Kate na siyang umalingawngaw sa katahimikan ng gabi kasabay ng pagtaas ng karit.

"Wag Kaaa-" hindi na natapos ang sasabihin ni Alexander nang gilitan siya ng leeg ni Kate gamit ang Karit.

Tumalsik ang dugo sa pisngi ni Kate ngunit hindi niya iyon binigyan ng pansin sa halip ay kinuha niya ang bato na malapit sa kanyang pwesto pagkatapos ay nilapitan ang naghihingalong Alexander habang pilit nitong tinatakpan ang pagsirit ng dugo sa leeg gamit ang kamay.

Walang sabi sabing pinaghahampas niya ito ng malakas sa mukha gamit ang kalakihang batong nakuha, pumigil lang ito nang tuluyan nang madurog ang mukha ng lalaki. Doon na nahimasmasan si Kate nang makita ang duguang kamay. Agad siyang tumayo na para bang hindi makapaniwala sa nagawa.

"Eehhhh! patawarin mo ako Alexander hindi ko sinasadya!" awang-awang sambit ni Kate. Tarantang hinila ni Kate ang katawan ni Alexander patungo sa likod ng puno saka tinakpan ng ilang tuyong damo. Bago pa niya matakpan ang katawan ng lalaki ay naaning niya ang marka sa braso nito, isang bungo na may ahas na nakapaloob sa isang tatsulok pero hindi na niya iyon binigyan pa ng pansin dahil sa takot na baka may makakita pa sa kanya

Agad na nilisan ni Kate ang lugar na iyon, tinahak niya ang daan papunta sa siyudad na ilang minuto lang ay mararating na niya ito. Hindi alintana ang sugat na natamo pati ang mga galos sa katawan ay patuloy pa rin ang pagtakbo nito .

Hangang sa wakas ay ilang hakbang nalang ay makakatapak na siya sa syudad. Narating niya na rin ang sementadong bahagi nito. Kahit masakit na ang kanyang katawan ay tiniis niya pa rin na makarating sa kung saan nakita niya ang ilan sa mga tao na nag-aabang sa isang bus stop. Siguro ay mga nagtatrabaho ito kaya ganoon nalang kaaga kung makaabang ng bus, sa tansiya niya nasa alas kuwatro na nang madaling araw. Naramdaman niya na parang nahihilo siya na parang bang nadadala siya sa sayaw ng hangin, maging ang kanyang paningin ay naging malabo pati ang kanyang katawan ay parang tutumba na rin habang humahakbang siya papunta sa bus stop na iyon.

Doon na tuluyan sumuko ang katawan ni Kate. Kahit malabo ay kita niya pa rin na nagkakagulo ang mga tao sa bus stop, yung iba ay natarantang pumunta sa kanya.

"Tulungan niyo ako dalhin natin ito sa ospital!" ani ng isang babae na tumulong sa kanya siya kaya lumapit naman ang ibang tao doon sabay saklolo sa nanghihinang si Kate.

Yun na lamang ang narinig ni Kate pagkatapos nun ay kusa nang tumiklop ang kanyang mga mata saka nawalan ng ulirat.

PREMONITION(ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon