CHAPTER XVI: Anonymous Call

73 27 4
                                    

Buhay ay parang gulongMinsan tayo ay pagulong-gulongDahil sa mga naririnig na bulongAt ang mas malala tayo ay nahulogsa hindi natin inaasahang patibong

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Buhay ay parang gulong
Minsan tayo ay pagulong-gulong
Dahil sa mga naririnig na bulong
At ang mas malala tayo ay nahulog
sa hindi natin inaasahang patibong.

Mga sampong minuto na ang nakalipas kaya naisipan ni Yaya Isabel na kunin na ang pinagkainan ng kanyang alaga na si Nathalie. Baka kasi abala pa ito sa pakikipag-usap sa kaibigan nitong si Daisy. Agad nitong tinungo ang kwarto ng dalagita. Nang palapit na ito sa pinto ay napatigil ito ng marinig nito na parang nagtatalo ang dalawa.

"W-Walang hiya ka Nathalie!..Isa..kang mamatay..tao!"

"Pareho lang tayo Kate! You killed Althea right so to make sure that the game will be fair I will also eliminate you from this world full of lies!".

Yung ang mga katagang narinig ni Yaya Isabel sa kwartong iyon Nathalie. Napaisip ito kung bakit binanggit nito ang pangalan ni Kate gayong si Daisy ang nasa kwarto nito kaya sa kuryosidad ni Yaya Isabel ay pinihit nito ng mahina ang doorknob ng pinto para makalikha ng siwang. Laking gulat nito ng makitang may hawak na kutsilyo si Nathalie. Hindi ito makagalaw ng isinaksak ni Nathalie sa likod ni Daisy ang patalim na hawak.

"Baliw ka na talaga Natha-"

Kitang kita ni Yaya Isabel kung paano nito pinagsasaksak ang dalagitang si Daisy. Tumawa pa ng malakas si Nathalie na para bang wala na sa sarili nitong katinuan pero ilang sandali pa ay naging maamo ang mukha nito sa kung paano niya nakilala si Nathalie. Malayo ito sa nakikita niya kanina. Agad nitong dinaluhan ang duguang katawan ng dalagita nakahandusay sa sahig.

"H-Hindi ito maari! Anong ginawa ko? Bakit?"

"Ohhh D-Daisy! I'm so sorry! I thought you were Kate! Im just paranoid these past few days."

Niyuyogyog nito ang katawan ni Daisy saka niyakap ng mahigpit. Sa pagkakataong iyon ay tumakbo palayo si Yaya Isabel patungo sa kwartong kanyang tinutulugan. Isinara nito ang pinto. Doon na tuluyang lumandas ang mga luha nito habang tinatakpan ang mga bibig.

"Bakit? Bakit ako ang nakakaranas nito? Naging duwag ako. Nagpalamon ako takot sa tuwing may pinapaslang sa harap ko" ani nito na parang nakokonsensya na sa nangyayari.

Pinakalma nito ang sarili. Pinahid ang mga luha saka kumilos na parang walang nangyari. Dahan-dahan ito tumungo sa kusina saka nagkunwaring naglilinis ng mga kubyertos kahit na kinakabahan na siya sa kahihinatnan ng ginawa ni Natahlie.

Maya't maya ay narinig nito ang yabag ni Nathalie palabas ng bahay. Nakabihis ito na halatang may pupuntahan. Kinuha niya ito bilang oppurtunidad upang puntahan ang kwarto ng dalagita. Pinihit nito ang doorknob pero nakalock iyon kaya kinuha niya mula sa bulsa ang isang hairpin at maingat na kinalikot ang nasa loob ng doorknob na iyon.

PREMONITION(ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon