Chapter 9

787 29 1
                                    

Padabog na tinungo ni Sita ang nayon na kanina ay akala niya hinding-hindi na niya makikita. Pero 'to siya ngayon at binabaybay ang daan patungo doon.

While hindi siya nakakatiyak kung madadatnan niya si Pancho rito ay wala naman siyang maisip na ibang lugar na pwede niya 'tong mahagilap.

"Kasalanan mo talaga 'to Pancho. Ano bang ginawa ko sa'yo? Ano bang gagawin ninyo sa akin?"

Mataas na ang sikat ng araw noong nakarating siya sa nayon.

Basa. Pagod. Gutom. Pero mas nangibabaw kay Sita ang galit niya kay Pancho. She wanted to see him immediately kaya dali-dali niyang tinungo ang bahay na huling pinasukan nito.

Wala sa isip na tinulak 'to ni Sita pero sarado 'to. Ilang beses pa niya 'tong tinulak pero sadyang hindi 'to bumukas. Kaya umikot siya, nagbabakasakali na may bukas na bintana o ano mang pwede niyang pasukan. But everything was closed.

"Bwisit!

Naglakad-lakad muna si Sita, habang pinagmamasdan ang mga kubo sa nayon, kahit iba-iba ang laki ng bawat bahay ay malinis at maayos ang mga 'to na parang resort. Baka nga kundi lang alam ni Sita na stranded siya kasama ang mga taong natutulog sa umaga ay baka iisipin niya na nagbabakasyon lang siya.

Napaupo si Sita sa balon, habang nag-iisip kung paano niya makikita si Pancho. Paano kung pasukin niya ang mga bahay?

Nanginig si Sita. Feeling niya para siyang akyat-bahay kung gagawin niya 'to. Pero kailangan dahil wala na siyang naiisip na ibang paraan.

Huminga siya ng malalim bago binalikan ang bahay na pilit niyang binuksan.

Bumilis na ang tibok ng puso niya nang titigan niya ang pinto nito. It took some time before she went near the house. Finally, nakalapit siya muli.

She pushed the door, this time mas malakas.

Hindi 'to bumukas.

Kaya tinungo niya ang likod kung saan napansin niya kanina na may bintana. Pinili niya ang binatana sa kaliwa, tapos pumulot siya ng bato at pinukpok 'to.

Kundi siya nagkakamali ang kandado ay nasa loob at kung itulak niya 'to papasok gamit ang bato ay masisira din niya ang lock nito dahil naisip niya na hindi naman matibay ang kahoy kung saan gawa ang bahay.

It took some time before she heard a noise--- parang may nahulog na matigas na bagay sa loob.

Nangiti si Sita.

She did it. Alam niyang bukas na ang binatana,

Tinulak niya 'to.

Bumukas 'to.

Na wala na ang kaba sa dibdib ni Sita, nais lang niyang makapasok upang makita si Pancho. Agad niyang hinila paakyat ang sarili sa bintana bago tuluyan na siyang nakapasok.

Nasa loob siya ng isang kwarto habang bitbit pa rin niya ang bato.

This room looked bigger and tidy.

Malinis sila kahit ang kubo ni Nono. Hindi niya mapigilan ang humanga.

May cabinet sa gilid nang bukas na bintana na pinasukan niya, tapos may kama sa gitna na may kulambo. Dito ay may natutulog.

Hindi na siya nagulat, she expected to see someone sleeping inside this room. At alam ni Sita hindi sila magigising kahit anong gawin niya.

Paano kung saksakin ko 'tong isa?

Napailing si Sita.

I'm not a killer unless my life is threatened.

Maliban doon sa gabi na nagising siya sa cottage na may humabol sa kanya ay hindi siya nakaramdam na nanganganib ang buhay niya rito.

Stranded (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon